Tuesday, February 27, 2024

SUPORTA SA MGA LGU, TINIYAK NI SPEAKER ROMUALDEZ

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara sa local government units na magkaroon ng mas malaking parte sa taunang budget.


Sa kanyang mensahe sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines, sinabi ni Romualdez na malinaw ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na gawin ang lahat ng nararapat upang makinabang ang mga komunidad sa kaunlaran ng buong bansa.


Ayon sa kanya, naglaan na ng mas malaking pondo ang Kamara sa LGUs bilang pagkilala sa Mandanas ruling ng Korte Suprema na nagdadagdag ng local government share mula sa pambansang buwis.


Paliwanag ng lider ng Kamara, pinagtitibay ng ruling ang fiscal autonomy ng LGUs sa pagtugon sa pangangailangan ng nasasakupan na malinaw na sinasalamin ng 2024 National Budget partikular sa national tax allotment.


Maisasakatuparan umano ang local development projects na nagsusulong ng sustainable development goals dahil sa mas malaking alokasyon.





Batid din ng House leader na hindi sapat ang isinasaad ng Mandanas ruling ngunit handa ang Executive Department na makipagtulungan para tumukoy ng karagdagang resources sa LGUs.


Dagdag pa ni Romualdez, may mga panukalang batas nang tinatalakay ang Kamara na layong itaas ang NTA share ng local governments kasabay ng pagbibigay-diin sa papel ng mga ito sa pagkamit ng SDGs at pagresolba sa problema sa kahirapan, kalusugan, trabaho at climate change.

wantta join us? sure, manure...

kath

Welcome para kay 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez ang pagbibigay prayoridad ng adminsitrasyong Marcos sa Motorcyle Taxi Bill.


Kasunod ito ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na aralin ang mungkahi na gawing legal ang motorcycle taxi, na kasalukuyang ginagamit ng mas maraming commuter sa bansa.


Sinundan naman ito ng direktiba ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara tutukan ang pagtalakay sa House Bill 3412 na inihain ni Gutierrez at kapwa party-list representative na si Bonifacio Bosita.


Ayon kay Gutierrez malaking bagay na mismong ang Pangulo at House Speaker na ang nagbigay ng kumpas na gawin itong prayoridad.


Aminado ang mambabatas na dalawang kongreso nang tinatalakay ang panukala ngunit nananatili pa ring nakasalang sa technical working group.


Naka apekto rin ang pagpapalawig ng DOTR ng kanilang pilot study sa program ana dapat ay natapos na bago pa tumama ang COVID-19 pandemic.


Umaasa naman si Gutierrez na kung magtutuloy-tuloy ang takbo ng kanilang pagtalakay sa panukala ay posibleng matapos at mapagtibay nila ito bago ang State of the Nation Address ng Pangulo sa Hulyo.


Positibo rin ang kongresista na kahit ang DOTR-TWG ay makapaglalabas na rin ng resulta ng kanilang pilot study.


“So ang nangyari po doon nag-extend po ulit yung pilot study by the TWG ng DOTR. So yung original na dapat deadline is before COVID na na-extend up to this point naging last year na dapat pero nag-extend sila.” sabi ni Gutierrez


“But with this prioritization na mismong sinabi ng Presidente, sinabi ng Speaker, we are hopeful… different bills have moved at different paces but hopefully in the next few months yung sa House version would be done…if granted tuloy yung priority nito, hopefully before SONA at the very least I would say.” dagdag ng 1-Rider party-list solon.


##


wantta join us? sure, manure...

Hajji

May agam-agam ang Joint Foreign Chambers of the Philippines sa ilang kataga na nakapaloob sa planong amiyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.


Sa liham ng Joint Foreign Chambers of the Philippines kay House Speaker Martin Romualdez, nagpahayag ito ng suporta sa pag-alis sa restrictive provisions ng Saligang Batas dahil magdudulot ito ng mas mataas na foreign direct investment o FDI inflow sa bansa.


Pero ang mga katagang "unless otherwise provided by law" sa pag-amiyenda sa mahigpit na economic provisions ay maaaring hindi umano magpadala ng malinaw na mensahe ng direktang pagbabago para sa mga dayuhang mamumuhunan.


Sa kabila nito, naniniwala ang JFC na makatutulong pa rin ito sa pagtugon sa mga pagbabago sa global economy mula nang mabuo ang 1987 Constitution kabilang ang paglagda sa free trade deals at paglahok sa free trade blocs.


Paliwanag ng joint foreign chamber, binibigyang-diin nito ang pangangailangan ng malayang paggalaw ng kapital pagkakaroon ng patas na playing field sa pagitan ng foreign at domestic investors nang walang restrictions.


Idinagdag pa sa liham kay Romualdez na kinikilala ng foreign chambers ang mandato ng gobyerno na protektahan ang pambansang interes sa pamamagitan ng pagpapataw ng ilang restrictions sa FDI.


Karamihan anila sa national economies ay gumagamit ng legislation o executive regulations kung saan agad na naipatutupad ang adjustment sa regulatory environment para sa FDI upang makasabay sa pagbabago sa teknolohiya at tatalima sa requirements ng international treaties.


Ang JFC ay binubuo ng American, Australian-New Zealand, Canadian, European, Japanese at Korean chambers pati na ang Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters.

wantta join us? sure, manure...

hajji 

Sinuportahan ng economic managers ng administrasyong Marcos ang hakbang ng Kamara na amiyendahan ang restrictive economic provisions ng Konstitusyon.


Sa pag-arangkada ng diskusyon sa Committee of the Whole para sa Resolution of Both Houses Number 7, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na kinikilala nila ang kahalagahan ng pag-update sa economic provisions ng Saligang Batas.


Upang makamit aniya ang "ambitious" na pagpapababa sa single-digit level ng kahirapan sa bansa sa taong 2028 ay kakailanganin ang pagbuhos ng investments sa physical at social infrastructure at human capital.


Ipinunto ni Balisacan na sa mga nakalipas na dekada ay naungusan na ng mga kapitbahay na bansa Southeast Asia ang Pilipinas dahil sa pagbagsak ng foreign direct investment o FDI inflows dulot ng masyadong mahigpit na probisyon.


Bilang miyembro ng academic community at estudyante ng Philippine economic development, napag-aralan umano nila na ilang beses nagmintis ang pagkakataon para sa bansa na makahikayat ng FDI upang iangat ang productivity at competitiveness nito.


Gayunman, nilinaw ni Balisacan na hindi economic Charter Change ang nag-iisang solusyon sa mga hamon sa ekonomiya.


Nararapat din umano na tugunan ang problema sa mataas na presyo ng kuryente, kakulangan sa connectivity infrastructure, mabagal na bureaucratic processes, inconsistent na local at national regulations at nakababahalang "learning poverty" at malnutrisyon.


Kapwa naniniwala naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Trade and Industry na makakamit ng pag-amiyenda sa economic provisions ang kaunlaran, matatag na pananalapi, paglikha ng maraming trabaho at access sa modern utilities.

wantta join us? sure, manure...

P438M INILAAN PARA KALKULAHIN ANG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH NA NASA TECH-VOC TRACK


Naglaan ng kabuuang P438.16-milyon ang pamahalaan sa 2024General Appropriations Act (GAA), upang pondohan ang pagkalkula sa mga mag-aaral ng senior high school (SHS) na nasa technical-vocational livelihood (TVL) track, ayon kay House Committee on Basic Education and Culture chairman at Pasig City Rep. Roman Romulo ngayong Lunes. 


Ipinahayag ito ni Romulo sa pagpapatuloy ng Komite ng kanilang deliberasyon sa House Bill 8242, na inihain ni Zambales Rep. Doris Maniquiz, na naglalayong ilibre ang mga mag-aaral sa senior high school (SHS) na nasa ilalim ng SHS TVL track, at iba pang SHS tracks na nangangailangan ng mga sertipikasyon para sa pagbabayad ng mga assessment fees. 


Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng Special Provision No. 8 ng 2024 GAA, ang Technical Education and Skills Development Authority ay may inilaang P438.16-milyon para sa Senior High School Assessment at Certification Support Program. 


Magkatuwang na gagawa ng mga tuntunin ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), at TESDA para sa pagpapatupad ng naturang programa. 


Ayon kay Romulo, ang mga mag-aaral sa senior high school sa ilalim ng TVL Track ng DepEd ay hindi lamang makakakuha ng diploma mula sa DepEd, kungdi maging ang National Certificate (NC) mula sa TESDA kung sila ay makakapasa sa competency exam. 


Sinabi ni Dr. Leila Areola, Director IV ng DepEd Bureau of Learning Delivery, na kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral na malibre sa pagbabayad ng assessment fees, at pinag-uusapan na rin ito aniya sa TESDA. 


“Most likely, it will be how many of our learners will be getting into this assessment so we’ll get to find out whether that amount is going to cover all our learners in the senior high school,” ayon kay Areola. 


Sinabi naman ni TESDA Policy and Planning Division chief Ma. Linda Andrade na dinadraft na nila ang magkasanib na memorandum circular para dito. 


Tinanong ni Romulo kung posible ba para sa isang graduating na mag-aaral na mabigyan ng diploma kahit walang NC, at tumugon si Areola na nangyayari ito kapag nabigo ang isang mag-aaral na pumasa sa assessment exam. 


Sinabi ni Romulo na ang sitwasyon ay hindi makakabuti para sa mga mag-aaral ng tech-voc kumpara sa estudyante na nasa academic track. 


“(In) the new academic track, lahat nung units na kinukuha niya kailangan ipasa niya di ba para mabigyan ninyo ng diploma. Pero sa TVL Track lumalabas makapasa siya ng 22 of the 33 or 32 subjects, magga-graduate siya. Di ba unfair yun sa lahat ng strands ng academic track? In the sports track, and Arts and Design? Di ba unfair yun because effectively, magbibigay kayo ng diploma sa isang magtatapos ng Grade 12 kahit hindi siya pasado sa assessment sa kanya sa TechVoc. That will be the consequence of the response you had that it is possible to give a diploma kahit walang NC,” aniya. 


Ipinaliwang ni Areola na sa umiiral na mga kautusan ng DepEd, ang pagkuha ng NC ay hindi pa isang rekisitos. Iginiit ni Romulo na ang paninindigan ng K to 12 noong 2013 ay two-fold: college-ready at job-ready.

wantta join us? sure, manure...

ISANG ‘FRUITFUL’ NA DISKUSYON SA RBH 7, IPINANGAKO NG HOUSE COMMITTEE OF THE WHOLE


Ipinaliwanag ng mga miyembro ng Kamara sa isang pulong-balitaan ngayong Lunes ang kahalagahan ng pagpupulong bilang committee of the whole, na tatalakay sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na nagpapanukala ng mga amyenda sa mga Articles XII, XIV at XVI ng 1987 Konstitusyon. 


Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez, aasahan ng mga Pilipino ang isang “very fruitful, enlightening, exhaustive and inclusive discussion and deliberation” sa panukala. "(In convening the Committee of the Whole) we wanted to have the participation of all 300 plus Congressmen in the deliberation, because being the voice of their respective sectors and their respective districts, it is important that they also give their opinions and they also give their ideas when it comes to amending the Constitution," aniya. 


Bagama’t may direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Senado na pangunahan ang pagtalakay sa mga pagbabago sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon, binigyang-diin ni Suarez ang kahalagahan ng pagkilala sa opinyon ng bawat miyembro ng Kamara. 


Bukod pa rito, binanggit niya na mahalaga rin para sa Kamara na talakayin ang kanilang counterpart measure, imbes na awtomatikong pagtibayin kung ano ang magiging pasya ng Senado kaugnay ng mga kritikal na panukala. 


"So para magkaroon ng mas magandang output, it is vital for us, for the House to come up and to have our own deliberations on RBH 7 because this will really show the true intention of congressmen when it comes to amending the Constitution," dagdag niya. 


Binigyang-diin naman ni Isabela Rep. Faustino Dy V na ito na ang pinakamagandang pagkakataon para sa Kamara na talakayin ang RBH No. 7 bilang committee of the whole.


"And at the end of the day, ang boboto naman po dito, ang huling may say po dito, ay ang taong-bayan. So let us begin the deliberations, i-propose po natin kung anong mga amendments or economic provisions na dapat palitan, and at the end of the day, ang ating mga kababayan naman po ang boboto para dito," ayon kay Dy. 


Ipinapalagay naman ni Taguig City Rep. Amparo Maria Zamora na ang committee of the whole ay isang magsaganang panimula sa mga pagsisikap na maamyendahan ang Konstitusyon. 


Binanggit niya na mga dalubhasa at mga resource persons ay inanyayahan upang linawin at sagutin ang mga katanungan ng mga mambabatas, upang magarantiya ang komprehensibong diskusyon sa paksa.

wantta join us? sure, manure...

Grace 

Welcome para sa mga lider ng House of representatives ang pagsuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang mga restrictive economic provisions sa 1987 Constitution.


ayon kay Taguig 2nd District Rep. Amparo Maria Zamora ang suporta ni PRRD ay umaayon sa layunin ng mga nauna at kasalukuyang 19th congress kaugnay sa Charter Change.


natuwa naman si Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy na ang pahayag ng suporta ng dating pangulo ay sumabay pa sa pagsisimula ngayong araw ng pagdinig ng House Committee of the Whole ukol sa Resolution of Both Houses number 7.


Umaasa naman si Deputy Speaker and 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez na bukod kay dating pangulong duterte ay magbabago na rin ng sentemyento para pumabor sa economic chacha ang kanyang mga supporters.


sabi naman ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles mainam na kaisa na ngayon si Duterte sa hangad na mabusisi ang Saligang Batas para maging daan sa pagpapalawak ng mga pamumuhunan sa bansa para sa kapakanan ng mga manggagawa.


narito ang mga pahayag nina Representatives Zamora, Dy, Suarez at Nograles.


Taguig 2nd District Rep. Amparo Maria Zamora

5:30 - 5:46

IN… siguro po nakikita ng ating well-respected

OUT… 19th Congress



Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy

5:51 - 5:56

IN.. Of course, it is a welcome development of former President Duterte 

OUT… supporting [economic] Charter change,



Deputy Speaker and 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez

6:31 - 6:39

IN.. we are very happy with 

OUT… by his supporters



Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles

7:50 - 8:09

IN… Natutuwa rin tayo at nakikiisa 

OUT.. ng ating mga manggagawa.”

######

wantta join us? sure, manure...

kath 

Pinagtibay ng Kamara sa sesyon ang House Concurrent Resolution 23.


Layon nitong bawiin o i-recall mula sa Office of the President ang Senate Bill 2221 at House Bill 7325 o Magna Carta of Filipino Seafarers.


Nakuwestyon naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kung bakit kinailangan i-recall ang naturang panukala.


Sa pagliwanag naman ni House Deputy Majority Leader Janette Garin, sinabi nito na mayroong probisyon sa panukala patungkol sa hurisdiksyon na kailangan ayusin.


Kaya marapat lang aniya na balikan ng Kongreso ang bicameral committee report at itama ang naturang problema


“Apparently, the Joint Committee Report in relation to the Magna Carta for Filipino Seafarers has a loss pertaining to problems on jurisdiction, hence the need to bring this back to Congress and the Senate for them to again reconvene and perfect this little imperfection,” saad ni Garin


Sumangayon naman si Rodriguez sa paliwanag ni Garin.


Aniya, taliwas sa inaprubahang bersyon ng Kamara may probisyon sa enrolled bill kung saan inililipat ang hurisdiksyon ng pagresolba sa mga dispute ng mga seafarer mula sa Department of Labor and Employment, patungo sa International Labor Organization.


Giit ni Rodriguez, kung ganito ang mangyayari ay iniaalis nito ang ating karapatan na magdesisyon sa mga kaso.


“I think we have to be clear why there is — and everyone deserves here to know before we approve a resolution like this […] And I think the reason why, as I was informed, is that this particular enrolled bill, contrary to our own bill in the House, would transfer jurisdiction on disputes on seafarers from the DOLE to the [ILO], a diminution of our sovereignty and a diminution of our rights to be able to decide on cases.” sabi ni Rodriguez.


##

wantta join us? sure, manure...