Wednesday, December 28, 2022

PAG-UPGRADE SA SISTEMA NG MGA TELCO, KAILANGANG ISAGAWA

Umapela si Congressman Ron Salo ng Kabayan Partylist sa Natioal Telecommunications Commission o NTC at sa mga telco na pabilisin ng mga ito ang kanilang sistema matapos mag-trending sa social media ang mga reklamo dahil sa pahirapan sa pagpapa-rehistro ng subscriber identity module o SIM.


Batay sa mga report, nag-crash ang registration systems ng mga telco at hindi na-accommodate ang dagsa ng mga nais magparehistro.


Nag-take effect kahapon ang Republic Act 11934 o SIM Registration Law.


Pinuri ni Salo ang ating mga kababayan na gustong makasunod sa isinasaad ng batas bagamat may 180-day period o hanggang Abril pa para makasunod sa SIM registration.


Apela ni Salo sa NTC at mga telco na patuloy na i-improve ang kanilang sistema para maging madali sa ating mga kababayan na makapagpa-rehistro ng kanilang mga SIM card.


Idinagdag pa ni Salo na pwede rin ikunsidera na palawigin ang 180-day registration period kung kinakailangan lalo na kung patuloy na nagkaka-aberya ang sistema ng mga telco.



wantta join us? sure, manure...