Thursday, February 16, 2023

SIBUYAS QUEEN, IDINIIN SA TAAS PRESYO NG SIBUYAS

joy

Kagagawan umano ng tinaguriang ‘Sibuyas Queen’ kung bakit tumaas nang todo ang presyo ng ibinebentang sibuyas sa bansa.


Ito’y matapos ilantad ng isang magsasaka ng sibuyas ang modus ng tinaguriang “Mrs. Sibuyas” sa pagharap nito sa pagdinig sa Kongreso nitong Martes.


Isiniwalat ni Israel Reguyal, chairman ng Bonena Multipurpose Cooperative, sa mga mambabatas ng House Committee on Agriculture and Food, na bumibili ng bultu-bultong sibuyas ang isang Lilia Leah Cruz, na tinawag ng kanyang mga kritiko bilang “Mrs. Sibuyas.”


Sinabi ni Reguyal na nag-aangkat ng bultu-bultong sibuyas si Cruz para bigyang-katwiran ang pag-aangkat ng mga ani.


“Kapag panahon po ng bilihan sa storage ang gagawin po niya, bibilhin niya po ang lahat ng laman nung nasa storage.’Pag nabili na po ang lahat ng sibuyas ito na po ang Department of Agriculture, magpapalabas na ng import permit doon po kami patay, kaya nga po ito ‘yung napakabigat sa amin,” pahayag ni Reguyal.


Nang ipilit ng mga mambabatas si Reguyal na pangalanan kung sino ang maaaring kasabwat ni Cruz sa Bureau of Plant Industry, humingi siya ng closed door executive session sa mga mambabatas na pinagbigyan naman ng panel kung saan ipinagkaloob ito kay Cruz, na naroroon din sa pagdinig nitong Martes.


Una nang sinisi ni Reguyal si Cruz sa pagkawala nito ng humigit-kumulang P30 milyon para sa sibuyas noong 2012.


“Siya po ang lumugi sa akin ng napakalaki eh,” diin ni Reguyal.

Sinabi ni Reguyal na binayaran lamang ni Cruz ang 15,000 sa 80,000 sako ng sibuyas na kanyang nabili. Sinabi ni Reguyal na kailangan niyang ibenta ang real estate property para mabayaran ang mga magsasaka na nagdeposito ng kanilang ani ng sibuyas sa kanya.


Sinabi naman ni Sagip Party List Rep. Rodante Marcoleta sa kanyang bahagi na binayaran ni Cruz ang mga magsasaka ng mga talbog na tseke, na sinabi ni Cruz na naayos na.


“I invoke my right to remain silent,” tugon ni Cruz kasabay ng paggiit na may katibayan siya na naayos na ang mga tseke.

“Sorry po your honor, that time po kasi matagal na kaya ‘di ko po ma-recall ‘yung naging operation po that time pero settled na po ito,” idinahilan ni Cruz.


Inihayag ni Reguyal sa mga mambabatas na aabot sa P168 milyong halaga ng sibuyas ang nasira noong nakaraang taon lamang habang nakaimbak sa isang bodega sa Marilao, Bulacan. Nasira anya ang mga sibuyas dahil nabuo ang yelo habang nasa imbakan.


“Nag-file na po kami ng kaso sa kanila dahil po sa aming pagkakaalam ay dahil po sa kapabayaan nila, na-over, nasobrahan po sa lamig nagyelo po ‘yung sibuyas,” ayon kay Reguyal.


Sinabi ni Reguyal sa mga mambabatas na kailangan nilang itapon ang mga sibuyas dahil sa pagkasira, pero kailangan din nilang magbayad ng mga bayad sa pag-iimbak. Ang mga sibuyas ay nagmula sa mga magsasaka na nagdeposito ng kanilang mga sibuyas sa kanya.


Ipagpapatuloy ang pagdinig sa Kamara sa susunod na linggo.


wantta join us? sure, manure...

RESOLUSYONG DIDEPENSA SA POSIBLENG IMBESTIGASYON NG ICC KAY DATING PANGULONG DUTERTE, INIHAIN SA KAMARA

isa

Pinangunahan ni dating Pang. At ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang paghahain ng isang resolusyon na humihimok sa Kamara na depensahan si dating Pang. Rodrigo Duterte laban sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC ukol sa “crimes against humanity” dahil sa kontrobersyal na giyera kontra ilegal na droga.


Sa House Resolution 780, nakasaad na marapat na magdeklara ng “unequivocal defense” ang Mababang Kapulungan bilang suporta kay dating Pres. Duterte.


Kabilang sa mga kasama ni Arroyo sa resolusyon na ito ay sina --- Reps. Carmelo Lazatin, Jr., Aurelio Gonzales, Anna York Bondoc-Sagum, Jose Alvarez, Mary Mitzi Cajayon-Uy, Richard Gomez, Wilton Kho, Loreto Amante, Edward Hagedorn, Edwin Olivarez, Eric Martinez, Eduardo Rama, Jr., Dale Corvera, Zaldy Villa, Ma. Rene Ann Lourdes Matibag, Mohamad Khalid Dimaporo, Johnny Pimentel at Marilyn Primicias-Agabas.


Kanilang iginiit ang “remarkable accomplishments” ni Duterte sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga, “insurgency” at terorismo, maging sa katiwalian at kriminalidad kaya naging mas mabuti, kumportable at mapayapa umano ang buhay ng mga tao.


Binigyang-diin din nila na ang “judicial system” sa Pilipinas ay gumagana naman at “independent.” 


Anila pa, sinabi noon ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na insulto at hindi katanggap-tanggap ang gusto ng ICC na imbestigahan si Duterte at ang anti-drug campaign.


Sa statement ni CongW. Arroyo, nais niyang matiyak ang patas na hustisya para sa lahat, dahil siya ay minsan na umanong nabiktima ng “unfair investigation at prosecution” noong administrasyong Aquino.


wantta join us? sure, manure...

KATAYUAN NG MGA PROYEKTONG RILES NG DOTr TINALAKAY NG KAPULUNGAN, PAGSASAAYOS NG MGA NAANTALANG PROYEKTO HINIMOK NA TAPUSIN NA NG AHENSYA / DAHILANG DEPEKTIBONG NGA BAGON NG LRT 1 CAVITE EXTENSION, INAMIN NG DOTR SA PAGDINIG SA KAMARA

Nagkaroon ngayong Huwebes ng briefing ang Komite ng Transportasyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Department of Transportation (DOTr), hinggil sa katayuan ng mga isinasagawa nilang mga proyekto sa mass transportation sa sektor ng riles. 


Ayon kay Rep. Romeo Acop, ang namumuno ng Komite, na marami sa mga proyekto ng riles ng DOTr ay wala nang eksaktong petsa ng pagtatapos kaya hinihikayat niya ang ahensya na bumuo ng mga paraan upang harapin ang mga pagkaantala ng proyekto. 


Binigyang-diin niya ang magiging epekto ng pagkaantala nito sa sambayanang Pilipino, “If there is substantial delay, there will be substantial fines or penalties,” dahil karamihan sa mga proyektong ito ay foreign-funded, o tinustusan sa pamamagitan ng pangungutang, aniya “these fines and penalties could be passed to the Filipino taxpayers.” 


Sinabi ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez na ang LRT Line 1 Cavite Extension Project ay nasa 68.88 percent overall progress rate noong ika-31 ng Enero 2023. 


Simula noong ika-31 ng  Enero 2023, ang pangkalahatang pag-unlad ng iba pang mga proyekto ay ang mga sumusunod: 1) LRT Line 2 East Extension Project, 99.80 percent; 2) MRT Line 3 Rehabilitation Project, 96.65 percent; 3) MRT Line 7, 66.07 percent; 4) Metro Manila Subway Project Phase 1, 37.48 percent; 5) Unified Grand Central Station, 79.72 percent; 6) North-South Commuter Railway (NSCR) System, 55.70 percent. 


Ipinaliwanag ni USec. Chavez na karamihan sa mga pagkaantala ay dahil sa mga usapin sa right-of-way acquisition. 


Iniulat din ni USec. Chavez na 80 sa 120 Light Rail Vehicles (LRVs) na binili para sa LRT Line 2 East Extension noong 2017 ay may pagtagas ng tubig, na nag-udyok sa pamahalaan na ipagpaliban ang pagbabayad sa supplier nito habang nakabinbin ang pagsusumite ng rectification plan. 


“Ang nasa terms of reference po ay dapat ang bawat bagon ay continuous laser welded. Iyon ho ang nakalagay pero ang ginamit po ng ating contractor ay sealant,” aniya. 


Kinumpirma rin ni USec. Chavez na pansamantalang ititigil ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon ngayong taon dahil sa mga alinlangan sa kaligtasan at paggastos. 


Ayon sa Undersecretary, ang pagpapatigil ay maaantala ang konstruksyon ng NSCR project. 


Idinagdag niya na ang mga pag-aaral sa pagsakay ay isinagawa upang magbigay ng mga alternatibo sa mga commuters na maaapektuhan ng pagpapatigil.




kath

Inamin ni DOTr Usec for Railway Cesar Chavez na isa sa dahilan ng delay sa pagtakbo ng LRT Line 1 Cavite Extension ay ang depektibong mga bagon.


Sa pulong ng House Committee on Transportation kaugnay sa railway project updates, sinabi ni Chavez na walompu sa 120 na bagon ay may water leak.


“The reported 120 trains for LRT Line 1. The 80 trains that arrived in Manila is not yet operational because there is a water leak issue. We want to inform the committee this early, that this is one of the causes of the delay on the rolling of these trains in the LRT Line 1.” Pagbabahagi ni Chavez.


Dahil aniya dito nag desisyon ang Marcos Jr. administration na huwag bayaran ang Spanish-Japanese contractor na Mitsubishi-CAF (Construcciones y Auxiliar de Ferrocariles)


Inatasan na rin aniya ng gobyerno na magsumite ito ng rectification plan.


Aminado si Chavez na hindi nagkaroon ng factory acceptance test sa naturang mga bagon dahil sa panahon ng pandemya at hindi makapunta sa Spain para i-test ito.


“So sa pagpasok ng Marcos administration, nag-decide po tayo na huwag magbayad sa Mitsubishi CAF…So ang desisyon ng Department of Transportation immediately upon learning this July 2022, wag ituloy ang bayad. Hanggat hindi nila narerectify…ang ginawa po natin inatasan sila na magsubmit ng kanilang rectification plan para sundin po kung ano ang nasa kontrata.” saad ng Undersecretary.


Pagtitiyak pa ni Chavez na ang contractor ang sisingilin sa gastos sa repair ng naturang mga bagon at inaaral na rin ang liquidation damages dahil sa delay.


Hanggang nitong January 31, 2023 nasa 68.8% na ang kabuuang progress rate ng proyekto.




kath

Tiniyak ng Department of Transportation na pinaghahandaan nila ang epekto sa mga mananakay ng nakatakdang tigil operasyon ng Philippine National Railways o PNR


Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, nakikipag-ugnayan na sila sa LTFRB para sa pagbibigay ng alternatibong transportasyon sa mga pasahero ng PNR.


Sa kasalukuyan, nasa 20,000 hanggang 25,000 aniya ang ridership ng PNR.


2,000 sa mga pasehero ay biyaheng Alabang-Calamba habang ang mayorya ay biyaheng Makati hanggang Tutuban.


Pagkatapos ho ng pandemic, bumaba ho yan sa 20,000. Ngayon nasa highest is 25 [thousand], hirap pa ho silang makakuha. Pero saan nanggagaling ang mga pasahero yung Alabang to Calamba that’s only about 2,000 sa isang araw….Ang mas marami nating pasahero ay mula dito ho sa Makati going to Tutuban, yun ho ang ina-address natin.” saad ni Chavez.


Plano ng DOTr na pansamantalang ipatigil ang operasyon ng PNR upang mapabilis ang konstruksyon ng South Commuter Railways Project.


##


wantta join us? sure, manure...

FORMER JAPANESE PRIME MINISTER YUKIO HATOYAMA , NAG-COURTEST CALL KAY SPEAKER ROMUALDEZ



Nangako si House Speaker Martin Romualdez na tutulungan ang nasa 12,000 na magsasaka ng tubo sa Nasugbu, Batangas na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. o CADPI.


Sa ginanap na pulong sa office of the House Speaker, masusing pinakinggan ni Speaker Martin Romualdez ang hinaing ng mga sugarcane farm workers sa pangunguna nina Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform Spokesman Christian Bearo, Pagkakaisa ng

mga Manggagawang Bukid sa Tubuhan o Pamatu Batangas First District President Nasiancino “Sonny” Roxas, at iba pa.


Batid at Kinikilala ng House Speaker ang kahalagahan ng mga ginagampanang tungkulin ng mga magsasaka sa bansa.

Kailangan aniyang masiguro ang kanilang kapakanan upang matiyak ang ating food security.


Giit ni Speaker Romualdez, Nararapat lamang na mapabuti ang kalagayan ng ating mga magsasaka sa tubuhan nang sa gayuy mapanatili ang sapat na suplay ng asukal.


Pinasalamatan naman ng House Leadership ang tila walang kapaguran at walang humpay na pagtatrabaho ng ating mga magsasaka.


-----------


..former Japanese Prime Minister, nagcourtesy call sa Liderato ng Kamara...


Bumisita sa House of Representatives ang dating Prime Minister ng Japan.

Kasama ni Former Japanese Prime Minister Yukio  Hatoyama na nagcourtesy call kay House Speaker Martin Romualdez ang maybahay nito na si Miyuki Hatoyama.


Sa larawang ipinadala ng Office of the House Speaker makikitang kinamayan ni Romualdez ang dating Japanese Prime Minister.

Matatandaan na kamakailan lamang nagtungo sa Japan si Pang. Bong2 Marcos Jr para sa kanyang limang araw na working visit doon.


wantta join us? sure, manure...

SUBSTITUTE BILL SA E-GOVERNANCE, APRUBADO NG KOMITE

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Information and Communications Technology sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco ang substitute bill sa 20 mga panukala na magpapasimula sa paglipat ng pamahalaan sa e-governance sa panahong digital, para sa layuning paglikha sa Philippine Infostructure Management Corporation, at karampatang mga pondo para dito.  


Ipinaliwanag ni Rep. Tiangco na ang panukala ay naglalayong magtatag ng "isang epektibong plano sa e-government na lilikha ng mas mahalaga at makabuluhang mga serbisyo sa pamamagitan ng interoperability at paggamit ng lubos sa mga mapagkukunan na bahagi ng mga kapangyarihan at tungkulin ng Department of Information and Communications Technology (DICT),” pagdaragdag niyan na mababawasan ang katiwalian dahil sa limitadong interbensyon ng tao sa mga transaksyon ng pamahalaan.  


Itinataguyod ng panukalang batas ang paggamit ng ICT sa pagbabago ng mga proseso, operasyon, at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan bilang isang mas nakasentro sa mamamayan, magkakaugnay at tapat na pamamahala. 


Sasaklawan ng panukalang batas ang lahat ng tanggapan ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatura, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, unibersidad at kolehiyo ng estado, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng pamahalaan, pati na rin ang iba pang mga instrumentalidad nasa bansa man o sa ibang bansa, na nagbibigay ng mga serbisyong sumasaklaw sa negosyo at mga transaksyong walang kaugnayan sa negosyo katulad ng tinukoy sa panukalang Batas. 


Inilarawan ni Rep. Tiangco ang substitute bill, bilang prayoridad na panukalang batas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pangunahing iniakda ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, bilang mas pulido at tumutugon sa panawagan ng pagbabagong digital. 


Isinalaysay niya kung paano tinalakay ang panukalang batas sa limang pagpupulong ng Technical Working Group (TWG), bukod sa dalawang focus group discussion na isinagawa ng DICT at ng Presidential Legislative Liaison Office, ayon sa pagkakabanggit, na naglalayong pagtugmain ang mga probisyon ng iba't ibang panukalang batas hinggil sa paksa at makagawa ng isang pinong substitute bill. 


Ang mga inihain na panukala sa kaugnay na paksa ay ang mga HBs 3, 277, 1809, 2568, 2683, 2731, 2902, 2963, 2978, 3421, 3612, 4115, 4137, 4261, 4262, 3563, 4776, 4499, 6882 at 7056 na iniakda ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Reps Luis Raymund 'LRay' Villafuerte Jr., Dean Asistio, Deputy Speaker Ralph Recto, Reps. Virgilio Lacson, JC Abalos, Joey Sarte Salceda, Michael Romero, Ph.D., Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, Reps. Paolo Duterte, Harris Christopher Ongchuan, Gus Tambunting, Christopherson 'Coco' Yap, Arnolfo 'Arnie' Teves, dating Rep. Rex Gatchalian, Reps. Eduardo Rama, at Lordan Suan, ayon sa pagkakasunod. 


Si Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan ang nagmosyon para aprubahan ang substitute bill dahil ito ay masusi nang napag-usapan sa TWG at sa pulong ng araw na iyon. 


Pinasalamatan ni Rep. Tiangco ang Committee Vice Chair, at ang mga kasapi ng TWG na sina Reps. Kiko Benitez, Bryan Revilla, at Migs Nograles, gayundin si DICT Secretary Ivan Uy sa kanilang partisipasyon sa pagpipino ng panukala.  


Inaprubahan din ng Komite ang kaukulang ulat ng Komite sa panukalang batas.


wantta join us? sure, manure...