Wednesday, January 25, 2023

AMIYENDA SA MGA BATAS HINGGIL SA HALALAN, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Marapat lamang na maamiyendahan na ang mga electoral laws sa bansa upang maka-adopt tayo sa kasalukuyang panahon at makabagong teknolohiya.


Ito ang inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasabay ng paglulunsad ng Register Anywhere Project o RAP@HREP, katuwang ang Commission on Elections o Comelec.


Sinabi ni Romualdez sa kayang talumpati na top most priority ng Kamara ang pagpasa ng batas para sa citizen involvement sa iba’t ibang aktibidad ng pamahalaan.


Ngunit nakikita umano ngayon ng Kapulungan ang kagyat na pangangailangan na magsulong ng mga pagbabago sa iba’t ibang batas ukol sa halalan para makasabay sa panahon at advancements ng teknolohiya.


Ayon sa House Speaker, kukuha ang Kamara ng guidance mula sa Comelec kaugnay sa mga lehislasyon lalo na ang dapat na ayusin o palakasin partikular sa “electoral reforms.”




Naniniwala naman si Romualdez na ang sistema ng RAP ng Comelec ay nagtitiyak ng “equality” o pagkaka-pantay-pantay, at nagpapasalamat ang mga kongresista sa poll body dahil napili ang Batasan Pambansa bilang “venue” ng proyekto.


At sa pamamagitan ng partnership na ito ng Kamara at Comelec sa RAP, mas maseserbisyuhan ang publiko sa pangmatagalan.



wantta join us? sure, manure...