Speaker Romualdez inatasan si Rep. Tulfo na tutukan ang relief efforts sa mga lubhang naapektuhan ng lindol
Inatasan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si House Deputy Majority Leader for Communications and ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo upang alamin ang lawak ng pinsala at tulungan ang mga lubhang naapektuhan ng magnitude 6.8 lindol sa katimugang bahagi ng Mindanao noong Biyernes.
Kasalukuyang nasa Estado Unidos si Romualdez kasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang official business doon.
Ayon kay Speaker Romualdez ang pinsalang dulot ng lindol ay nangangailangan ng komprehensibo at agarang tugon sa pangangailangan ng mga nasalanta.
"With deep concern and a sense of urgency, we address the impact of the earthquake on Southern Mindanao. Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo will assume a crucial role on my behalf, assessing the damage and identifying essential resources to support the affected communities," sabi ni Speaker Romualdez
Buong puso namang tinanggap ni Tulfo ang responsibilidad na iniatas sa kanya at nagpasalamat kay Speaker Romualdez sa tiwalang ibinigay nito sa kaniya.
“Our focus will be on understanding the immediate needs of the affected areas and ensuring a coordinated and efficient response to aid in the relief and recovery process,” saad ni Tulfo.
Nakatakdang dumating si Tulfo sa General Santos City sa Linggo ng umaga para personal na makipag-ugnayan sa ground commander ng Tingog partylist at makipagpulong kina General Santos City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao at Sarangani Gov. Rogelio “Ruel” Pacquiao.
Kasunod ng pagtama ng lindol sinabi ni House Deputy Secretary General Sofonias "Ponyong" P. Gabonada na agad umaksyon ang tanggapan ni Speaker Romualdez at Tingog partylist Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre upang ayusin ang pagpapalabas ng P20 milyong tulong para sa mga nasalanta.
Kasabay nito ay ang paghahanda ng 5,000 food packs bilang paunang tulong sa dalawang distrito lubhang naapektuhan ng lindol.
Magpapadala rin ani Gabonada ng construction materials sa dalawang distrito para matulungan ang mga nasalanta na kumpunihin ang kanilang mga bahay.
Kapwa naghahanda na rin aniya ang Davao City at GenSan Tingog Teams para sa pamamahagi ng naturang relief goods na inilaan para sa distrito nina Reps. Steve Chiongbian Solon at Loreto Acharon ng Saranggani at South Cotabato.
Aktibo rin aniyang nakikipag-ugnayan ang tanggapan ng House Speaker sa the Department of Public Works and Highways (DPWH) at kinatawan ng mga distrito para sa maagap na paglalabas ng kanilang quick response funds na magagamit sa pagsasaayos ng mga nasirang tulay, eskuwelahan at iba pang pampublikong istruktura.
(END) wantta join us? sure, manure...