Wednesday, June 07, 2023

BUREAU OF IMMIGRATION MODERNIZATION ACT, PASADO NA SA KAMARA

Ipinasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang Bureau of Immigration Modernization Act ng Kamara bago ito nag-adjourn sine die nitong nakaraang linggo.


Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lubos na mahalaga ang panukalang ito kaya walang dudang nakalista sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC. 


Inaasahang mapagbubuti nito ang Bureau of Immigration o BI, maisusulong ang propesyunalismo, itataas ang sweldo at benepisyo ng mga BI officials at employees, at mas ma-i-improve ang travel experience ng mga bumibiyahe habang hinihigpitan ang border security.


Sa HB08203, mayroong Immigration Trust Fund o ITF na gagamitin para sa information technology projects ng BI at mapaghusay ang kakayahan ng immigration officers at ang pondo nito ay magmumula sa annual income hango sa fees, fines, at penalties. wantta join us? sure, manure...