Monday, January 30, 2023

PRESIDENTIAL SON NA SI VINNY, NASISILBE BILANG INTERN LAMANG SA OFFICE OF THE HOUSE SPEAKER

Kinumpirma ng tanggapan ng Lider ng Kamara na ang presidential son na si William Vincent "Vinny" Marcos ay nagsisilbi bilang "intern" ng opisina ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. 


Ang kompirmasyon ay isinagawa kasunod ng ulat na si Vinny ay itinalaga bilang "Special Assistant of the Speaker."


Batay sa pahayag, si Vinny na  pinakabatang anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay sasailalim sa training para sa "legislative processes."


Siya ay ime-mentor ukol sa iba't ibang arawang trabaho sa Kamara, kabilang dito ang papel at interaksyon ng mga komite at departamento sa proseso ng lehislasyon.


Inaasahan namang si Speaker Romualdez mismo ang magsu-supervise at titingin sa training ni Vinny Marcos.


Ito ay katulad ng ginawa noon sa kanyang kuya na si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander Marcos.


wantta join us? sure, manure...