NATANGGAL NA HEPE NG PULIS, NA-CONTEMPT NG KOMITE AT IPINAKULONG
Ipinag-utos kanina ng Committee on Public Order and Safety sa Kamara na i-contempt ang dating Lucena City police chief na si Lt. Col. Reynaldo Reyes at tuluyang pagdetine sa kanya sa Batasan Complex sa loob ng 30 araw.
Sinabi ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen "Caraps" Paduano na na-contempt si Reyes dahil sa paglabag niya sa paragraph c, (Section 11) ng House Rules, na nagsasaad na, “refusal to truthfully answer relevant queries by the committee members.”
Maaaring umapela si Reyes sa pasya ng Komite sa susunod na pagdinig.
Binanggit ng mga miyembro ng Komite ang mga walang katiyakang sagot ni Reyes, habang tinatanong siya sa isang insidente na kinasasangkutan ng walong intelligence officers noong ika-25 ng Mayo, sa tahanan ng isang 52-anyos na si Renelyn Rianzales, isang saksi sa kaso na dinidinig sa Komite.
Ang kaso ay hinggil sa nangyaring karahasan, panggigipit, pamemeke at ibang pang krimen na nangyari bago, habang at matapos ang halalang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) noong 2023.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO
na iniulat nina Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez, at Basilan Rep. Mujiv Hataman, alinsunod sa House Resolutions 1479 at 1497, ayon sa pagkakasunod.
Nangyari ang pagsalakay, dalawang araw matapos ang una niyang pagharap sa pagdinig ng Komite.
Luhaang isinalaysay ni Rianzales kung papaano sumalakay sa kanyang tahanan ang mga nakamaskarang kalalakihan habang nakatutok ang mga baril sa kanya at dalawa niyang apo.
Ayon sa kanya, hinahanap nila ang isang "Jonathan." Inaasahan ng mga miyembro ng Kamara na alam ni Reyes, na siyang hepe ng pulisya sa lugar, ang detalye ng ginawang pagsalakay.
Itinuturing ni Suarez na ang nangyaring pagsalakay sa tahanan ng saksi ay isang aksyon na, “tramples on the very essence of our legislatives process. This tramples upon the very essence of our democracy. This tramples upon the very essence of finding and ferreting out the truth.”
Sumang-ayon ang mga miyembro ng Komite, at itinuring na ang pagsalakay noong ika-25 ng Mayo ay isang, "insult to the institution" at nangakong poprotektahan ng husto ang mga saksi.
Binanggit ng Komite ang mga kadudadudang impormasyon na iprinisinta ng mga resource persons sa pagtalakay sa HR 1497, na inihain ni Hataman, na pinaiimbestigahan ang umano'y mga pandaraya, anomalya, at iba pang mga iregularidad sa ginanap na Barangay at SK elections sa Basilan noong ika-30 ng Oktubre 2023.
Nagbabala si Fernandez sa mga resource persons na magpakatotoo sa harap ng Komite.
“Be careful on what you are stating on this hearing… very crucial itong pinag-uusapan natin because we are trying to find out kung sino sa inyo ang mga nagsisinungaling,” aniya.