Saturday, February 18, 2023

1 - sp TANGKANG PAGPATAY KAY LANAO DEL SUR GOV. MAMINTAL ADIONG, MARIING KINONDENA NI 1SP-SPEAKER ROMUALDEZ

grace

Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang tangkang pagpatay kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong, Jr. nitong Biyernes kung saan nasawi ang apat nitong security officer habang isa ang sugatan.


Ayon kay Romualdez, ang ganitong karahasan ay walang puwang sa ating sibilisadong lipunan.


Kaugnay dito, nananawagan si Romualdez sa mga otoridad na kilalanin at pananagutin sa lalong madaling panahon ang mga salarin at ang utak ng krimen.


Idinagdag pa ni Romualdez na kailangang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at maibalik ang katahimikan at kaayusan sa Lanao del Sur kung saan naganap ang pananambang.


Nagpahayag naman ng pakikiramay si Romualdez sa pamilya ng mga biktima at nangakong tutugon sa kailangan nilang tulong.


#######

wantta join us? sure, manure...