Wednesday, November 22, 2023

Panukalang National Nuclear Energy Safety Act pasado na sa Kamara


Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na sususog sa pagnanais ng administrasyong Marcos na malinang ang paggamit ng nuclear energy sa bansa.


Ang panukalang Philippine National Nuclear Energy Safety Act o House Bill (HB) No. 9293 ay nakakuha ng 200 kontra pitong boto at dalawang abstentions sa sesyon ng plenaryo nitong Miyerkules. 


Layunin ng panukala na makagawa ng legal framework na siyang mangangasiwa sa paggamit ng nuclear energy sa bansa.


Kasama sa HB No.9293 ang pagtatayo ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o PhilATOM. 

 

"The PhilATOM shall have sole and exclusive jurisdiction to exercise regulatory control for the peaceful, safe, and secure uses of nuclear energy and radiation sources in the Philippines," ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. 

 

"This is the first step toward realizing our dream of energy security. We share this bold but promising vision of President Ferdinand 'Bongbong' R. Marcos Jr. to look into nuclear energy seriously," dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Kabilang sa mga pangunahing may-akda ng panukala sina Reps. Mark Cojuangco, Gloria Macapagal Arroyo, Aurelio Gonzales Jr., Manuel Jose Dalipe, Sonny Lagon, PM Vargas, Ralph Recto, Jurdin Jesus Romualdo, LRay Villafuerte, Joey Salceda, Robert Ace Barbers, Eleandro Jesus Madrona, Erwin Tulfo, Franz Pumaren, Ron Salo, Dan Fernandez, Divina Grace Yu, Mario Vittorio Mariño, Rufus Rodriguez, Carlito Marque, Mohamad Khalid Dimaporo, Jeyzel Victoria Yu, Gus Tambunting, at iba pa.


“Indeed, to embrace change is to embrace the future," saad pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


Sa ilalim ng panukala ang regulatory functions ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ay ililipat sa PhilATOM. 


Ang regulatory function ng Radiation Regulation Division of the Center for Device Regulation, Radiation, Health and Research ng Department of Health – Food and Drug Administration ay ililipat din sa PhilATOM.


Itatayo rin ang PhilATOM Council na siyang gagawa ng mga polisiya sa paggamit ng nuclear energy sa bansa.


"The PhilATOM Council shall be the highest body of the Authority. The PhilATOM Council shall be comprised of the DG (director general) and the DDGs (deputy director generals). The DG shall be the Chairperson of the PhilATOM Council," sabi sa panukala.


Inaatasan din ang PhilATOM na makipag-ugnayan sa International Atomic Energy Agency (IAEA) na nakabase sa Vienna, Austria, ng sentro ng kooperasyon sa mundo sa larangan ng nukleyar.


"The Authority shall establish a system of control over radioactive sources and devices in which such sources are incorporated to ensure that they are safely managed and securely protected during their useful lives and at the end of their useful lives, by the recommendations and guidance of the International Commission on Radiological Protection and implementation of the relevant requirements of the IAEA," sabi pa sa panukala. (END) wantta join us? sure, manure...

Panukalang mabigat na parusa sa preso na mahuhulihan ng iligal na droga, armas inaprubahan ng Kamara


Bilang na ang mga araw ng mga convicted drug lord na patuloy sa kanilang iligal na gawain kahit na nasa loob ng bilangguan.


Ito ay matapos na aprubahan ng Kamara de Representantes ang pagpapataw ng 40 taong kulong at P10 milyong multa sa mga bilanggo na mahuhulihan ng iligal na droga at iba pang kontrabando.


Sa botong 208, kinatigan ng mga mambabatas ang pag-apruba sa House Bill (HB) No. 9153, o "Contraband Detection and Control System Act."


Kasama sa panukala ang paglikha ng detection at control system sa mga kulungan upang mahuli ang mga lalabag.


“This will have a chilling effect on our PDLs (persons deprived of liberty). At the same time, we're telling them that we're sincere and serious in giving them a new life away from danger, that is why we're helping them get rehabilitated," sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


"We mean business here because these crimes have always been recurring in practically all administrations. We have to have a culture of discipline and order once and for all. We also hope to reduce, if not end, gang wars inside prison facilities," diin ni Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 kongresista


Pangunahing iniakda ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chair ng House Committee on Dangerous Drugs, ang panukala.


Inilatag sa panukala ang 11 kategorya ng kontrabando gaya ng iligal na droga, armas, pampasabog, alcohol o nakalalsing na inumin, sigarilyo, tabako, vape, lahat ng uri ng currency at pera, electronic communication devices, at luxury items gaya ng appliances, pang-sugal, at alahas.


"This will serve as a deterrent to those inmates or detention prisoners where drugs and crimes have been a part of their lives – inside or outside of prison. The measure will put a stop to their nefarious activities, where they are transacting drug deals even inside prison," ani Barbers. 

 

Sinomang magtatangkang magpasok o magpuslit ng iligal na droga armas at pampasabog ay papatawan ng 20  taon hanggang 40 taong pagkakakulong at mula na P5 milyon hanggang P10 milyon.


Para sa mahuhulihan ng iba pang kontrabando, anim hanggang 12 taong pagkakakulong at multa na P1 milyon hanggang P5 milyon ang ipapataw.


Kung sangkot naman dito ang opisyal ng gobyerno, jail authority o empleyado, mahaharap din sila sa perpetual absolute disqualification sa paghawak sa anomang posisyon sa gobyerno at babawiin din ang kanilang retirement benefits at naipong leave credits.

 

Kabilang din sa ituturing na iligal na kagamitan ang mga gamit na may banta sa kaligatasan, seguridad at kalusugan ng mga tao sa correctional institusyon o anomang maaaring magamit para sa pagpa-plano, pagtulong at pagsasagawa ng pagtakas.


Kumpiyansa si Barbers na mahihinto ang paglipana ng mga kontrabado sa mga kulungan oras na ang mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan na namamahala sa alinmang correctional, custodial, o detention facility ay makapagpapatupad ng CDCS. 

 

Bahagi nito ang modernong teknolohiya, mga device o unit tulad ng handheld at walk-through metal detectors, X-ray scanners, at K9 units.

 

"All personnel in charge of the entry to correctional, custodial or detention facilities shall conduct an effective contraband detection and control procedure using CDCS technologies and devices, in addition to the traditional methods of searching any person, including their personal effects and belongings, entering such facilities," nakalahad sa panukala

 

Nakasaad sa Section 7 ng panukala ang mga ipinagbabawal na gawain gaya ng: a) pagpasok o pagtatangkang ipasok ang kontrabando sa alinmang correctional, custodial, o detention facility; b) Tumulong para ipasok ang kontrabando; c) pagkakaroon o tangk ang pagkakaroon ng kontrabando habang pinagsisilbihan ang sintensya at d) kabiguang magrehistro bago pumasok sa correctional, custodial o detention facility. (END) wantta join us? sure, manure...

Napagdesisyunan ng mababang kapulungan ng kongreso at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na palawigin hanggang Biyernes ang libreng sakay 


Bunsod ito ng pag anunsyo ng grupong Manibela na magsasagawa rin sila ng tigil pasada mula ngayong Miyerkules hanggang Biyernes.


Nabatid na nitong Lunes nagsimula ang tatlong araw na  transport strike ng grupong  Piston


Habang limang bus naman naman ang idineploy ng Kamara para maibsan ang hirap sa pagsakay ng mga commuters na apektado ng tigil pasada sa Metro Manila


Ang limang bus ay nag iikot sa mga sumusunod na ruta Sucat-Baclaran ; Pasig Monumento- Quiapo, Philcoa Dona Carmen; Paranaque City hanggang City hall ; Antipolo- Quiapo wantta join us? sure, manure...

Kampanya laban sa expired, pekeng ‘8’ plaka ikinasa



Nagkasundo ang Kamara de Representantes at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghuli sa mga sasakyan na gumagamit ng expired o pekeng 8 plaka, ang protocol plate na ginagamit ng mga kongresista.


Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco nagpulong ang mga opisyal ng Kamara at MMDA kagabi, Nobyembre 21.


“I met with MMDA Acting Chairman Atty. Romando S. Artes, where we discussed that using unauthorized and illegal special plates should not be tolerated as it threatens public safety and undermines the integrity of the vehicle registration system,” ani Velasco.


“The House leadership is committed to upholding the law and ensuring vehicle identification plates' proper and lawful use,” dagdag pa nito.


Batay sa polisiya ng Kamara, tanging ang mga kasalukuyang kongresista lamang ang dapat gumamit ng plakang 8.


Hiniling ni Velasco sa mga mambabatas na isuko sa kanyang tanggapan ang kanilang mga lumang 8 plate.


Nauna rito, lumabas sa mga ulat na mayroong sasakyan na dumaan sa EDSA Bus lane at sinabi umano ng drayber na ang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang kongresista. wantta join us? sure, manure...

Kampanya laban sa expired, pekeng ‘8’ plaka ikinasa


Nagkasundo ang Kamara de Representantes at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghuli sa mga sasakyan na gumagamit ng expired o pekeng 8 plaka, ang protocol plate na ginagamit ng mga kongresista.


Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco nagpulong ang mga opisyal ng Kamara at MMDA kagabi, Nobyembre 21.


“I met with MMDA Acting Chairman Atty. Romando S. Artes, where we discussed that using unauthorized and illegal special plates should not be tolerated as it threatens public safety and undermines the integrity of the vehicle registration system,” ani Velasco.


“The House leadership is committed to upholding the law and ensuring vehicle identification plates' proper and lawful use,” dagdag pa nito.


Batay sa polisiya ng Kamara, tanging ang mga kasalukuyang kongresista lamang ang dapat gumamit ng plakang 8.


Hiniling ni Velasco sa mga mambabatas na isuko sa kanyang tanggapan ang kanilang mga lumang 8 plate.


Nauna rito, lumabas sa mga ulat na mayroong sasakyan na dumaan sa EDSA Bus lane at sinabi umano ng drayber na ang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang kongresista. wantta join us? sure, manure...

Libreng sakay ng Kamara-MMDA palalawigin hanggang Biyernes



Palalawigin hanggang Biyernes ang libreng sakay na ibinibigay ng Kamara de Representantes at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong apektado ng libreng sakay.


Ang pagpapalawig ng libreng sakay ay bunsod ng pahayag ng grupong Manibela na magsasagawa rin ito ng transport strike mula ngayong araw, Miyerkoles hanggang sa Biyernes.


“Rest assured that the House of the People is committed to alleviating any inconvenience caused to commuters by this transportation disruption,” sabi ng pahayag na inilabas ng Office of the Speaker.


Nakipag-ugnayan ang Office of the Speaker kay MMDA acting Chairman Atty. Romando S. Artes upang makapagbigay ng libreng sakay sa mga apektadong pasahero bunsod ng transport strike na inilungsad ng PISTON mula Lunes hanggang Miyerkoles.


Ayon kay Artes ang mga bus na nagbibigay ng libreng sakay ay may rutang SUCAT-Baclaran, Pasig-Momumento-Quiapo, Philcoa-Doña carmen, Parañaque City to City Hall, at Antipolo-Quiapo. (END) wantta join us? sure, manure...

Inaasahang bibilis pa ang biyahe ng mga motorista na patungo ng Ilocos Norte.


Ito'y sa sandaling makumpleto ang extension project ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX.


Sa pagdinig ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle, ipinresinta ni DPWH Public-Private Partnership Service Officer-in-charge Director Pelita Galvez proyekto na magsisimula sa bayan ng Rosario sa La Union hanggang Laoag City, Ilocos Norte.


Hahatiin ito sa apat na phases kung saan ang phase 1 ay mula Rosario hanggang San Juan na may habang 59.4 kilometers; San Juan hanggang Candon City sa phase 2; Candon hanggang Vigan sa phase 3 at Vigan City hanggang Laoag sa phase 4.


Sinabi ni Galvez na sa sandaling matapos ay mababawasan ang travel time ng mga biyahero sa apatnapung minuto mula sa kasalukuyang isa't kalahating oras.


Sasailalim sa comparative bidding o Swiss Challenge ang proyekto at ang posting ng advertisements para sa PPP Prequalification ay itinakda sa November 24.


Dagdag pa ng DPWH, target nilang i-award ang proyekto sa winning bidder bago matapos ang Mayo ng susunod na taon ngunit maaaring mas mapaaga kung walang "challenger" sa original proponent. wantta join us? sure, manure...

Libreng sakay ng Kamara-MMDA palalawigin hanggang Biyernes



Palalawigin hanggang Biyernes ang libreng sakay na ibinibigay ng Kamara de Representantes at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong apektado ng libreng sakay.


Ang pagpapalawig ng libreng sakay ay bunsod ng pahayag ng grupong Manibela na magsasagawa rin ito ng transport strike mula ngayong araw, Miyerkoles hanggang sa Biyernes.


“Rest assured that the House of the People is committed to alleviating any inconvenience caused to commuters by this transportation disruption,” sabi ng pahayag na inilabas ng Office of the Speaker.


Nakipag-ugnayan ang Office of the Speaker kay MMDA acting Chairman Atty. Romando S. Artes upang makapagbigay ng libreng sakay sa mga apektadong pasahero bunsod ng transport strike na inilungsad ng PISTON mula Lunes hanggang Miyerkoles.


Ayon kay Artes ang mga bus na nagbibigay ng libreng sakay ay may rutang SUCAT-Baclaran, Pasig-Momumento-Quiapo, Philcoa-Doña carmen, Parañaque City to City Hall, at Antipolo-Quiapo. (END) wantta join us? sure, manure...

KARAGDAGANG PAMANTAYAN UPANG MAGAMIT ANG MGA UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS, PAGIGING MATIBAY SA PAGBABAGO NG KLIMA, IBA PANG MGA MAHAHALAGANG PANUKALA, APRUBADO SA IKALAWANG PAGBASA  


Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ngayong Martes sa Ikalawang Pagbasa ang House Bill (HB) 9513, na naglalayong magbigay ng karagdagang pamantayan sa paggamit ng mga unprogrammed appropriations, upang magamit nang lubos ang labis na pondo na hawak ng mga government-owned or-controlled corporations (GOCCs). 


Sa ilalim ng panukala, ang mga unprogrammed funds ay maaaring magamit kung, bukod sa iba pang mga pamantayan, ang mga pondo na ito ay natukoy na higit pa sa kasalukuyang mga gastos sa administratibo at pagpapatakbo ng GOCCs, mga obligasyon sa benepisyo, o mga pangangailangan sa reserba. Aamyendahan ng panukalang batas ang Republic Act 11936, o ang 2023 General Appropriations Act. 


Ang HB 9084, o ang panukalang "Climate Change Resilience Act" ay inaprubahan din sa Ikalawang Pagbasa. 


Ayon kay Committee on Climate Change Chairperson at Bohol Rep. Edgar Chatto, layunin ng panukalang batas na palakasin ang kakayahan ng bansa na makayanan, at maging akma sa mga epekto ng climate change. 


"Under this bill, a climate change resiliency and adaptability program shall be developed and implemented to enhance our country's adaptation to the impacts of climate change," aniya. 


Bahagi ng programa ay isama ang (1) bukas na pagbabahagi ng datos sa mga nagsusulong, (2) Probabilistic Climate Risk Assessment, (3) multi-level national educational plan on climate resilience, (4) pagpuno sa mga patlang sa pagitan ng pagbabago ng klima at kalusugan, (5) mga kritikal na serbisyo tulad ng tubig, kalinisan at kalinisan system, at (6) ecosystem protection strategies. 


Ang iba pang mga panukalang batas na naipasa sa Ikalawang Pagbasa ay (1) HB 9134, strengthening the Mechanical Engineering protection, (2) HB 9292, o ang panukalang Personal Financial Literacy Course sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) Curriculum Act, at (3) HB 9305, o pagpapalawak ng paggamit ng legal assistance at Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) Fund. 


Pinangunahan nina Deputy Speakers Antonio Albano at Yasser Alonto Balindong ang plenaryo ngayong Martes. wantta join us? sure, manure...

Isa Umali / Nov. 22



Umusad na sa Mababang Kapulungan ang mga panukalang nagsusulong na mapagbuti ang “mental health services” sa ating bansa. 


Sa pagdinig ng House Committee on Health, inaprubahan ang consolidation ng iba’t ibang House Bills na may kinalaman sa usapin ng mental health. 


Kabilang dito ang pagtatayo ng mental health centers sa bawat lalawigan at rehiyon; pagkakaroon ng mental health consultation desks at hotlines; mas komprehensibong Philhealth coverage para masakop ang lahat ng mental health disorders; pagpapalakas ng hakbang para maiwasan ang suicide sa hanay ng mga kabataan; at marami pang iba. 


Ayon kay House Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II, may-akda ng House Bill 429 --- napapanahon nang maisabatas ang mga panukala lalo’t ang mga mental health illness ay nakaka-apekto sa lahat ng “age groups.” 


Pero nakalulungkot aniya na dumarami sa hanay ng mga kabataan ang naaapektuhan, dahil sa limitadong suporta at “interventions.” 


Batay aniya sa World Health Organization --- 10% ng “children and adolescent” ay nakararanas ng mental health disorder, at mayorya sa kanila ay hindi humihingi ng tulong o hindi nakatatanggap ng tulong at atensyon. Lumabas din na ang suicide ay ika-apat na rason ng kamatayan sa nasa edad 15 hanggang 19. 


Habang sa local scene, sinabi ni Gonzales na base sa National Statistics Office --- ang mental health illness ay ikatlo sa “most common form of morbidity” sa hanay ng mga Pilipino. 


16% ng mental disorders ay nakaka-apekto sa mga bata. Ngunit ang malungkot, nasa 5 lamang ang ospital ng gobyerno na mayroong “psychiatric facilities” para sa mga kabataan, at 84 general hospitals naman ang may psychiatric units. 


Dagdag ni Gonzales, aabot lamang sa 60 ang child psychiatrist na nagpa-practice sa Pilipinas, at karamihan ay nasa urban areas gaya ng Kalakhang Maynila. wantta join us? sure, manure...