Wednesday, January 17, 2024

SI REP LAGMAN ANG DAPAT MAGPALIWANAG SA KORTE SUPREMA HINGGIL SA P449 BILYONG UNPROGRAMMED FUNDS — CHAIRMAN CO

milks Kung may dapat magpaliwanag sa Korte Suprema dapat kasama si Albay Congressman Edcel Lagman.


Buwelta ito ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co, Chairman ng House Committee on Appropriations matapos idulog sa Korte Suprema ng grupo ni Lagman ang pagkuwestiyon sa P449 billion pesos na unprogrammed funds sa 2024 national budget.


Ayon kay Co, miembro si Lagman ng bicameral conference committee noong tinatalakay ang 2023 proposed national budget at kasama siya sa nag-apruba ng unprogrammed funds na may kaparehong halaga noong nakaraang taon.


Ngayon anya na hindi na siya miembro ng bicam, tinatawag nya nang “illegal” ang unprogrammed funds.


Dagdag pa ni Co, naging miembro si Lagman ng Appropriations Committee ng halos labing-limang taon pero hindi siya nagreklamo sa unprogrammed appropriations - bakit ngayon lang?


Sa dalawampu't pitong pahinang petisyon na inihain ng grupo nina Congressmen  Lagman, Gabriel Bordado at Mujiv Hataman, kinukuwestiyon ang excess funds dshil lagpas umano ito sa ceiling ng National Expenditure Program na dapat ay 281 billion pesos lamang.


Pinangalanan bilang respondents sina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Senator Sonny Angara, Congressman Elizaldy Co, Executive Secretary Lucas Bersamin, Budget Secretary Amenah Pangandaman at National Treasurer Rosalia De Leon. wantta join us? sure, manure...

hajji Tinutulan ni dating House Speaker at ngayo'y Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez ang planong pag-amiyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng People's Initiative.


Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni Alvarez na dating tagasuporta ng pagbabago sa Saligang Batas at paglipat sa Federal Form of Government kung bakit nagbago na siya ng tono.


Punto ng kongresista, noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay malinaw ang babaguhin at may draft ng Konstitusyon kaya kahit sino ay maaaring silipin dahil wala umanong itinatago.


Di tulad ng isinusulong na Charter Change ngayon, sinsero at hindi aniya makasarili ang hakbang sa ilalim ng administrasyong Duterte lalo't may anti-political dynasty provision, pagbubukas ng bansa sa foreign investments at may consultative committee na binubuo ng mga eksperto sa pangunguna ni dating Chief Justice Reynato Puno. 

Ang Cha-Cha sa kasalukuyang administrasyon ay self-serving at matatawag umanong "Politiko's Initiative".


Iginiit ng dating Speaker na hindi maintindihan ang direksyong nais tahakin ng gobyerno at hindi malinaw ang makabubuti at mararamdaman ng karaniwang mamamayan.


Dagdag pa ni Alvarez, mistulang pinupuwersa umanong mamalimos ang mga Pilipino at nililinlang dahil kailangan munang pumirma sa signature campaign para sa People's Initiative bago ibigay ang mga programang pinondohan ng buwis ng bayan. wantta join us? sure, manure...