KOMBINASYON NG NARCO AT POGO POLITICS, MAITUTURING NA ‘MASAMANG PANGITAIN’ PARA SA ATING BANSA — REP BARBERS
Nananawagang muli si Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers na tuluyan nang ipagbawal ang operasyon sa bansa ng offshore gambling, partikular ang pinamamahalaan o pinatatakbo ng mga Chinese nationals dahil bukod sa mayroon itong seryosong banta sa pambansang seguridad at kaakibat din nito ang iba’t-ibang mabibigat na kasong kriminal.
Dismayado si Rep Barbers dahil na sapul niya nang mag-privilege speech umano siya noong taong 2017 kung saan una niyang isiniwalat ang mga masasamang aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at hanggang sa kasuluyan ay walang naging pagbabago at mas lalung lumalala pa ang sitwasyon.
Nilinaw ng Mababatas mula sa Mindanao na bukas siya sa pagpasok sa ating bansa ng China at Chinese para sa lehitimo at legal na pamumuhunan o pagnenegosyo ngunit tahasang sinabi nito na hindi naman maaaring dalhin ng mga ito ang kanilang basura na tila sinasadya pang dito sa ating bansa itapon.
Ani Barbers, walang katuturan at mas lalong napapansin ng Lipunan ang negatibong dala ng POGO sa pagtatangka ng PAGCOR na pabanguhin ang imahe ng POGO, isa na rin ang pagpapalit sa bago tawag dito.
Samantala, hinamon naman ni Barbers ang Filipino-Chinese community na patunayan ang kanilang katapatan sa Pilipinas partikular ang pagiging bukas sa pagkondena at paglaban sa Chinese nationals na sangkot sa illegal drugs at pambu-bully sa West Philippine Sea (WPS) at iba pang marahas at karumal-dumal na gawain o aktibidad.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO