Tuesday, May 07, 2024

SOLON AFFIRMS PHILIPPINES’ FAVORABLE INTERNATIONAL POSITION ON WPS DISPUTE

1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez declared yesterday that the Philippines holds a favorable position on the international stage regarding its dispute with China over the West Philippine Sea (WPS).


Rep. Gutierrez also emphasized the collective responsibility of Filipinos in preserving the nation’s sovereignty and territorial integrity.


(“To all our kababayan, ‘yung issue po ng WPS, seryoso po ito. Let’s not let politics muddle the issue. Panalo po tayo sa international stage, atin ito,” Gutierrez said during the regular press conference at the House of Representatives, referring to the WPS.)


He urged the Filipinos to do what we can on our part to preserve this territory of ours.


Gutierrez issued the statement following President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s declaration that the Philippines has no intention of using water cannons, despite ongoing Chinese aggression in the WPS.


THIS IS TERENCE MORDENO GRANA, REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

Hindi na dapat na patagalin pa ng Kamara ang pagpasa sa panukalang dagdag-sweldo para sa mga manggagawa sa pribadong sektor. 


Ito ang sinabi ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP, ngayong bisperas ng muling pagdinig ng House Committee on Labor and Employment ukol sa wage hike bills. 


Sa isang statement, sinabi ng TUCP na umaasa sila na wala nang “delay” at tutugon na ang komite sa matagal nang panawagan ng mga manggagawa na itaas ang sahod. 


Sa halip din na umasa sa “empty assurances” ng Department of Labor and Employment o DOLE patungkol sa dagdag-sahod na kung matutupad man ay tiyak na barya-barya lamang, sinabi ng TUCP na dapat isabatas na ang taas-sweldo para sa Bagong Pilipinas. 


Matatandaan na isinusulong ni House Deputy Speaker at TUCP PL Rep. Raymond Mendoza ang P150 na dagdag para sa mga minimum wage ng mga kawani sa private sektor. 


Maliban sa panukalang ng TUCP, may iba pang wage hike bills na nakahain sa Kamara na nasa pagitan ng P150 hanggang P750. 


Samantala, ikinalugod ng TUCP ang utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa regional wage boards na rebyuhin ang wage rates sa gitna ng mataas na inflation rate.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO

Pinatitiyak ng mga kongresista sa National Food Authority na mataas ang kalidad ng bigas na maibebenta sa publiko sakaling maisakatuparan ang mas abot-kayang presyo sa kada kilo nito sa merkado.


Sa pulong balitaan sa Kamara, umaasa si PBA Party-list Representative Margarita Nograles na hindi lolokohin ng NFA ang taumbayan lalo't madali na lamang itong maisusumbong sa pamamagitan ng social media.


Punto ni Nograles, kahit sa simpleng pamamahagi ng hindi magandang klase ng bigas sa kanilang distrito ay nagagalit na ang constituents.


Nakasisiguro rin si Davao Oriental Cheeno Almario na hindi hahayaan ng NFA na maging substandard ang mga iaalok na produkto dahil malinaw ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos at mayroong oversight functions ang Kongreso na magbabantay sa kanila.


Idinagdag pa ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez na mahalaga ang whole-of-government approach sa pagsugpo sa pinangangambahang korapsyon sa NFA bilang isa sa pangunahing hakbang ng gobyerno sa pagpapababa ng presyo ng bigas ang maibalik ang kapangyarihan nito sa procurement.  


Mababatid na sa isinusulong na amiyenda sa Rice Tariffication Law ay ibabalik na ang mandato ng NFA na bumili at magbenta ng mas murang bigas sa mga consumer.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO

Pasado na sa House Committee on Agriculture and Food ang panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law o RTL.


Sa pagdinig ng komite sa pamumuno ni Quezon Rep. Mark Enverga, nagmosyon ni Abono PL Rep. Robert Raymund Estrella na ipasa na ang “substitute bill” ng panukala “subject to style.”


Ayon kay Estrella, hindi na makapaghintay ang taumbayan na magkaroon ng sapat at murang mga bilihin, lalo na ng bigas.


Walang kumontra sa mosyon ni Estrella, at agad na inaprubahan ang substitute bill ng RTL amendments.


Kabilang sa mga itinutulak ng panukala ay maibalik sa National Food Authority o NFA ang mandato na bumili at magbenta ng abot-kayang bigas sa merkado.


Sinabi ni Enverga na diretso na sa House Committee on Ways and Means ang panukala para sa “tax provisions,” at inaasahang maipapasa kaagad.


Sa panig ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing, na vice chairperson ng House Agriculture Panel --- ang substitute bill ay produkto ng maraming oras na deliberasyon at konsultasyon.


Pagtitiyak niya sa stakeholders, ikukunsidera ng komite ang lahat ng inputs na nakalap sa mga pagdinig, hanggang sa makabuo ng “best bill” na mai-aakyat sa plenaryo ng Kamara.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Dumipensa si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong mula sa mga paratang na pinababayaan ng administrasyong Marcos Jr. ang Mindanao.


Aniya bilang residente ng Mindanao at mula sa BARMM, masasabi niyang tinupad ng pangulo ang campaign promise nito.


Tinukoy nito na apat na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ang ginanap sa Mindanao at may tatlong iba pa na nakatakdang gawin partikular sa Zamboanga City, Davao del Norte at maging sa Tawi-Tawi na kauna-unahan sa BARMM.


Maliban din aniya sa social services ay binigyang prayoridad ng Pangulo ang imprasktraktura.


Pinagtuunan din aniya ng pansin ng administrasyonang rehabilitasyon ng Marawi na sa matagal na panahon ay hindi pa rin natapos ang rehabilitasyon.


Isa pa sa patunay aniya na pinahahalagahan ng administrasyon ang Mindanao ay ang pagbibigay importansya sa peace process.


—SOT ADIONG—


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

MULING PAGSUSURI SA RICE TARIFFICATION LAW, IPINAGPATULOY NG LUPON SA KAMARA


Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kamara hinggil sa panukalang pag-amyenda sa Republic Act (RA) 11203, o Rice Tariffication Law (RTL) ngayong Lunes, hinimok ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang Kagawaran ng Agrikultura (DA), na masusing saliksikin ang dahilan sa pagsirit ng halaga ng bigas, ilang taon matapos na maisabatas ang RTL. Binanggit niya na ang rice inflation ay labis na nagresulta sa negatibong antas, matapos na kagyat na maisabatas ang RTL at nanatiling mababa, na muli na namang tumaas noong nakaraang taon. “Ano ang mga pagbabago? Ano ang mga nangyayari ngayon Mr. Secretary? Kase nag-aamyenda tayo ng batas, hindi natin alam kung bakit. Yun ang tanong. Tinitira natin ang batas but we don't know why, what is causing the 24.4% rice inflation,” tanong niya. Tinukoy ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga dahilang panglabas, tulad ng kompetisyon sa ibang mga bansa, at ang pagbagsak ng halaga ng piso laban sa dolyar, na siyang dahilan ng pagsirit ng presyo ng bigas. Ipinunto niya na kulang ang kapangyarighan ng DA upang direktang impluwensyahan at bawasan ang presyo ng bigas, dahil kinokontrol ng mga lokal na traders ang pagpepresyo nito, at nanawagan sa pagbabalik ng kapangyarihan ng DA sa pag-aangkat ng bigas. Hiniling rin ni Laurel ang pagpapalawig ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2030, paglikha ng Rice Industry Development Program Management Office para mapangasiwaan ang RCEF, at ang alokasyon ng rice import tax income na lalagpas sa P15-bilyon sa ibat ibang mga inisyatiba sa agrikultura. Nanawagan si ABANG LINGKOD Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano sa Komite na suriin ang Administrative Order (AO) 20, s. 2024 na inisyu ng National Economic and Development Authority's (NEDA) para maiayos ang mga prosesong administratibo, at tanggalin ang mga sagabal na non-tariff sa pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura. Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, ang AO 20 ay ipinatupad nang walang konsultasyon sa mga magsasaka at mga may kaugnayang nagsusulong nito. Kinumpirma ni NEDA OIC-Director Rory Dacumos ang pahayag ni Briones, at sinabing ang inter-agency committee na nagbalangkas ng AO 20 ay binubuo lamang ng mga ahensya ng pamahalaan, at inaming walang magsasaka ang isinama sa proseso. Hindi rin kasama ang Kalihim ng DA sa pagtalakay para sa pagpapalabas ng AO 20 noong Abril 2024. “From what I understand, this discussion was going on before my time pa, but while I was in office since November last year, I was not consulted personally,” ayon kay Laurel. Binabalangkas ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kamara, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ang mga amyenda sa RTL, upang pabagalin ang pagtaas ng halaga ng bigas, at isulong ang tuloy-tuloy na industriya ng bigas. Ang mga panukalang amyenda ay nakasaad sa mga House Bills 212, 405, 1562, 9030, 9547, at House Resolution 1614. Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanyang sesertipikihan ang mga amyenda sa RTL bilang urgent.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Pinuna ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang aniya'y patuloy na pagsisinungaling, pagpapakalat ng maling salaysay at propaganda ng Chinese government upang pahupain ang tensyon at maiwasan ang sigalot sa West Philippine Sea.


Kasunod ito ng inihayag ng isang Chinese Embassy official na mayroon umanong bagong modelo o gentleman's agreement na naglalayon ng "confidence-building measures" upang maiwasan ang hidwaan sa WPS.


Ayon kay Barbers, nililinlang nito ang mga Pilipino upang pagtakpan ang kanilang panghihimasok, pambu-bully sa mga sundalo at pagsira sa marine resources.


Suportado rin nito ang paninindigan ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na itigil na ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang "charade" o palaisipan na mayroong umiiral na bagong modelo.


Mayorya aniya ng mga Pinoy ang may kamalayan na dumadagsa ang Chinese nationals sa bansa na sangkot sa pang-eespiya at nagpapanggap na POGO workers, estudyante, retiradong sundalo at overstaying tourists na pinopondohan ng money laundering at shabu shipments.


Giit ng mambabatas, noong una ay gentleman's agreement kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ayungin Shoal ang pinalulutang samantalang ngayon ay may modelo ng kasunduan na kumpirmado umano ng AFP Western Command, National Security Adviser at Defense Chief.


Dagdag pa ni Barbers, ginagamit ng China ang gawa-gawang verbal agreements upang mabigyan ng katwiran ang kanilang presensya at pambobomba ng water cannon sa mga barko ng Philippine Coast Guard at BFAR sa WPS.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

KATATAGAN NG MGA PILIPINO SA KABILA NG TUMATAAS NA HALAGA NG MGA BILIHIN AT NAGBABAGANG INIT NG PANAHON, PINURI NG MAMBABATAS


Nagpugay si Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo sa katatagan ng mga Pilipino sa harap ng tumataas na halaga ng mga bilihin at matinding init ng panahon, sa idinaos na flag raising ceremony sa Kamara ngayong Lunes. “Hindi nagpapatinag ang mga Pilipino kailanman. In the face of challenges, from the rising prices of goods to the scorching heat of the sun, we endure, we adapt and most importantly, we flourish. Ang pinakamatibay na ebidensiya nito, ngayong buwan ng Mayo, sunod sunod ang mga fiesta ng mga Santacruzan o Flores de Mayo. Sa gitna ng mga mabibigat na problems, kinakaya pa natin maging maligaya. Ganyan ang Pilipino,” ayon kay Quimbo. Sinabi ng senior vice chairperson ng Komite ng appropriations sa Kamara, na ang mga pyesta at mga pagdiriwang ay nagbabahagi ng saya, inilalapit ang mga mamamayan sa kanilang mga mahal sa buhay, at iniuugnay sa kanilang mga pinanggalingan. Kinilala rin ni Quimbo na ang mga aktibidad na ito ay magandang paraan upang isulong ang turismo at lumikha ng kita, at idinagdag na, “additional income always pave the way for more possible solutions to problems.” Binanggit niya ang masayang Ati-Atihan sa Aklan, ang maningning na Sinulog Festival sa Cebu, at ang makulay na Panagbenga sa Lungsod ng Baguio, bilang mga kilalang pyesta sa bansa. Hinimok ni Quimbo ang mga nag-oorganisa na muling tingnan ang mga pagdiriwang ng pyesta, at ibagay ito sa nagbabagong panahon. “Pag-isipan natin kung mahalaga ba ang mga values na iiwan ng mga fiesta lalong lalo na sa mga kabataan ganun din sa mga nakatatanda. Kung masyadong makaluma o hindi na napapanahon pwede na sigurong lumipat sa Version 2.0,” aniya. Ibinahagi niya kung papaano ang taunang Shoe Festival sa Lungsod ng Marikina ay nagbibigay ng mga oportunidad sa mga lokal na gumagawa ng sapatos, upang itanghal ang kanilang mga kalidad na produkto. “Bawat taon, nabibigyan po ng pagkakataon ang mga sapatero upang ipagmalaki ang mga de kalidad at naggagandahan nilang mga sapatos. Sa kasamaang palad, marami na pong pagawaan ng sapatos ang nagsara dahil mas mura ang imported na sapatos mula sa ibang bansa tulad ng China. Hence, we recognize that celebrating our artisanship and artistry goes beyond this annual celebration,” ani Quimbo, at idinagdag na ang mga nagbabagong polisiya, at maagap na mga hakbang na tunay na nagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na tagagawa ang kinakailangan upang lubos na masuportahan ang industriya ng sapatos at iugnay sila sa pandaigdihang merkado. Nanawagan siya sa bawat isa na lumahok sa mga pagdiriwang ng mga kapyestahan. “Fiestas cannot be counterproductive. Dapat magkasama lahat, dapat i-enjoy natin ito. The important thing is festivals promote the spirit of unity,” aniya. Ang flag raising ceremony ngayong Lunes ay inorganisa ng Administrative Department na pinamumunuan ni OIC-Deputy Secretary General Atty. Jennelyn Go-Sison at ng Congressional Policy and Budget Research Department, sa pamumuno ni  Dr.  Romulo Emmanuel Miral Jr. Nagtanghal rin ang Administrative Department Choir at ang Metro Manila Development Authority Drum and Bugle Corps sa aktibidad.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Positibo si House Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez na kikilos din ang Senado para sa panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law o RTL.


Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Suarez na magandang “development” ang pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na kanyang sesertipikahang “urgent” ang RTL amendments.


Naka-linya aniya ito sa direktiba ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na amyendahan ang RTL para mapababa ang presyo ng bigas para sa mga Pilipino.


Giit ng kongresista, ramdam ng lahat na ang pangunahing hamon na hinaharap ng bansa ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, at ang pag-amyenda sa RTL ay isang “sure step” para magkaroon ng mas “competitive prices” para sa mga mamamayan.


Ayon pa kay Suarez, ang sertipikasyon ng Presidente ay dapat na mag-trigger o magsilbing mensahe sa Senado na aksyunan na rin agad ang panukala, lalo’t nakatakdang mag-sine die adjournment ang Kongreso sa May 24.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa panukalang amyenda sa RTL, kung saan isa sa mga isinusulong ay maibalik sa National Food Authority o NFA ang mandato na magbenta ng abot-kayang bigas sa publiko.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Nirerepaso na ng National Food Authority o NFA ang lahat ng kanilang proseso at ginagawa ang mga kinakailangang hakbang para mapuksa o mabawasan ang sinasabing katiwalian sa kanilang tanggapan. 


Ito ang inihayag ni NFA acting administrator Larry Lacson, sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food patungkol sa panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law o RTL. 


Una rito, tinanong ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing ang NFA kung ano ang masasabi nila hinggil sa mga agam-agam na maibalik sa kanila ang mandato na makapagbenta ng bigas sa merkado. 


Ayon kay Suansing, kaya ayaw o medyo tagilid sa ilang sektor o mga senador na tanggapin ang RTL amendments ay dahil sa katiwalian sa NFA. 


Tanong ni Suansing, kung maibabalik nga sa NFA ang naturang mandato, papaano matitiyak na may “safeguards” sa gitna ng mga alegasyon ng kurapsyon. 


Inamin ni Lacson na mahirap magbigay ng assurance. Pero nire-review na aniya ang lahat ng mga patakaran para matugunan ang katiwalian. 


Dagdag ni Lacson, hindi kumikilos ang NFA ngayon nang labas sa kanilang trabaho o nang walang approval ng NFA council na mainam para sa “check and balance.” 


Kinumpirma rin ng opisyal na pinalalakas ng NFA ang kanilang internal audit gaya sa hanay ng kanilang mga kawani na nagkakamali upang sa tanggapan pa lamang nila ay naaaksyunan na agad ang isyu. Sa katunayan aniya, may mga nakalinya na rito at iniimbestigahan. 


Apela na lamang ni Suansing sa NFA, tukuyin ang “sources” ng kurapsyon, at imbestigahan ang mga nangyayari sa ground.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon na humihimok sa Department of Education o Deped na ibalik ang lumang school calendar para sa mga basic education schools sa bansa. 


Sa sesyon ngayong Lunes, inadopt ang House Resolution 1650 na akda sa pangunguna ni House Committee on Basic Education and Culture chairperson at Pasig Rep. Roman Romulo. 


Dito, tinukoy ang lumang school calendar na nagsisimula sa buwan ng Hunyo, at nagtatapos ng Marso. 


Ang hakbang ng Kamara ay kasunod na rin ng pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang maibalik ang lumang school calendar sa 2025. 


Ayon sa Presidente, ito ay mas makabubuti para sa mga estudyantye. 


Nitong mga nakalipas na linggo, maraming mga paaralan ang nagsuspinde ng face to face classes at sa halip ay nagpatupad ng “online classes o asynchronous” dahil sa matinding init ng panahon.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

Tinawag ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jefferson Khonghun na “unfair” ang pagdawit ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa ilang opisyal ng Philippine National Police o PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP sa umano’y tangkang pagpapatalsik ng kampo ni dating Pang. Rodrigo Duterte kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. 


Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Khonghun na alam naman ng lahat na si Trillanes ay binansagang “Pambansang Marites.” 


Hindi aniya maganda na isinasangkot ni Trillanes ang mga heneral ng pulisya at militar sa umano’y “ouster plot” kay Pang. Marcos Jr. 


Dagdag ni Khonghun, hindi dapat idinadamay ni Trillanes ang PNP at AFP, na kapwa importanteng sangay na nagpapatupad ng mga batas. 


Banat nga ni Khonghun, “huwag idamay sa mga Marites na ganito lalo na kung walang ebidensya.” 


Una nang sinabi ni Trillanes na mayroong mga aktibong senior PNP officials na nagre-recruit umano para sa planong pagpapatalsik kay Pres. Marcos Jr.


———— MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO ————— This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

PAGTATAYO NG LIGHTHOUSE SA AYUNGIN SHOAL, IPINANUKALA SA KAMARA

Isinusulong nina Cavite 2nd district Rep. Lani Mercado-Revilla, Cavite 1st district Rep. Ramon Jolo Revilla III, at AGIMAT PL Rep. Bryan Revilla sa Kamara na magtayo ng “lighthouse” sa Ayungin Shoal at maglaan ng pondo para rito. 


Sa HB10226 ng mga Revilla, nakasaad na inirekumenda noon ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na magkaroon ng “proactive measure” gaya ng pagtatayo ng lighthouse sa Ayungin Shoal, tugon sa pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea. 


Ayon sa kanila, pabor sila kay Carpio lalo’t hindi na sapat ang diplomatic protests laban sa China. 


Kaya naman nararapat anila na palakasin pa ang presensya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal at magtayo ng lighthouse doon.




Kapag naging ganap na batas ang House Bill ng mga Revilla, ang DPWH ang mangunguna sa konstruksyon ng lighthouse sa Ayungin Shoal; habang ang Philippine Coast Guard o PCG naman ang magiging responsable sa pag-mentina nito. 


Kailangan din na makipag-ugnayan ang DWPH at PCG sa National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA; Department of Transportation; at Armed Forces of the Philippines para sa epektibong implementasyon.


wantta join us? sure, manure...