Wednesday, November 30, 2022

PAGBABALIK NG ORIHINAL NA PONDO NG NTF-ELCAC SA 2023 GAB,ISUSULONG NG KAMARA

Sinabi ni House Appropriations committee chair at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na makikipag-ugnayan sila sa kanilang Senate counterpart para maibalik ang tinapyas na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC para sa susunod na taon.


Dagdag pa ni Co na ito ay salig sa atas ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos


Ayon pa sa solon, kinikilala ng Kamara ang mahalagang papel ng NTF-ELCAC para tuluyang masugpo na ang insurgency sa bansa.


Sa isinumiteng National Expenditure Program ng ehekutibo, P10 billion ang inilaan para sa barangay development program na nasa ilalim ng NTF-ELCAC.


Kasabay nito, hinimok ni Co ang NTF-ELCAC na gawing mabilis ang pagpapatupad sa kanilang mga proyekto at makipag ugnayan sa ibang government agencies na mayroong mas kakayanan na magpatupad ng mga programa.

wantta join us? sure, manure...