MGA MIYEMBRO NG MEDIA AT KAMARA, NAGPULONG PARA SA SONA 2023 COVERAGE
Nakipagpulong ang mga miyembro ng quad-media sa Media Affairs and Public Relations Service-Press and Public Affairs Bureau (MAPRS-PPAB) ng Kamara upang talakayin ang mga kailangan para matiyak ang mas maayos na coverage ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na ika-24 ng Hulyo.
Binibigyang kahalagahan sa meeting ang mga pangangailangan para sa security ng Pangulo at nakisuyo naman ang mga miyembro ng media na dumalo sa pulong na mabigyan sila ng mas magandang pwesto na malapit sa Bulwagan ng Kamara.
Noong 2022, inokupahan ng mga accredited media ang isang kuwarto ng South Wing Annex sa Batasan Complex.
Tiniyak ni MAPRS Director Joaquin Santiago sa mga dumalo na kinikilala ng pamunuan ng Kamara ang kahalagahan ng kanilang media partners, para sa maayos nilang pag-uulat sa mga kaganapan ng SONA.
Ang ilan pang tinalakay sa meeting ay ang pagbabahagi sa mga reporters ng telephone lines, pagpwesto ng media sa north at south lobbies, mga usapin sa kalusugan at seguridad na ipatutupad sa araw ng SONA, parking para sa mga pasilidad ng broadcast, at iba pa.