Thursday, November 02, 2023

Speaker Romualdez binati ni GMA sa mataas na rating



Binati ni dating Pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mataas trust rating na nakuha nito sa survey ng OCTA Research.


“I would like to congratulate House Speaker and Lakas President Martin Romualdez on the recent OCTA Research Report reflecting a +6% increase in Trust Rating to 60%,” ani Arroyo.


Ang pagbati ay idinaan ni Arroyo sa isang press statement na ipinadala sa mga mamamahayag.


Nakakuha si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating at 61 porsyentong satisfaction rating sa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4. (END) 


Speaker Romualdez binati ni GMA sa mataas na rating



Binati ni dating Pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mataas trust rating na nakuha nito sa survey ng OCTA Research.


“I would like to congratulate House Speaker and Lakas President Martin Romualdez on the recent OCTA Research Report reflecting a +6% increase in Trust Rating to 60%,” ani Arroyo.


Ang pagbati ay idinaan ni Arroyo sa isang press statement na ipinadala sa mga mamamahayag.


Nakakuha si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating at 61 porsyentong satisfaction rating sa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4. (END) wantta join us? sure, manure...

Mataas na rating ni Speaker Romualdez patunay ng kanyang epektibong pamumuno—Dalipe



Ang mataas na rating na nakukuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay patunay umano ng epektibo ang pamumuno nito sa Kamara de Representantes, ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.


Sinabi ni Dalipe na naging totoo na ang Kamara ay “House of the People” sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez dahil nakasentro sa publiko at mahihirap ang mga ginagawa nito.


“The latest result of the OCTA poll survey is proof of Speaker Romualdez's solid and effective leadership. This is the fruit of the collective strength and unwavering commitment of every Member of the House of Representatives,” ani Dalipe.


“His collaborative and unifying leadership allowed the House of the People to ensure the swift passage of people-centered and pro-poor legislation,” dagdag pa ni Dalipe.


Sinabi ni Dalipe na ang  “first-in- last-out” brand ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagsilbing inspirasyon sa mga miyembro ng Kamara at Secretariat upang magsumikap sa pagtatrabaho.


"These ratings are a testament to the dedication and teamwork of the hardworking members of the House with Speaker Romualdez serving as an example to all. The House of Representatives has become the true embodiment of the House of the People under Speaker Romualdez,” sabi ni Dalipe.


Ayon kay Dalipe ang survey ay gagamitin ng Kamara bilang gabay sa mga gagawin nitong polisiya ng gobyerno.


Kinilala rin ni Dalipe ang mga mahahalagang panukala na naipasa ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez.


“Speaker Romualdez's commitment to aligning legislative work with the needs and aspirations of the Filipinos is a testament to his dedication to their welfare,” dagdag pa ni Dalipe.


Sa survey ng OCTA na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating at 61 porsyentong approval rating.


Mas mataas ito 6 porsyento sa nakuha ni Speaker Romualdez sa survey noong Hulyo. 


Noong 2022 ang trust rating ni Speaker Romualdez ay 38 porsyento lamang at ang kanyang performance rating ay nasa 44 porsyento lamang. wantta join us? sure, manure...