Friday, July 21, 2023

22 July 2023 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Maupay nga aga / Mayak a abak / Marhay na aga / Maabug ya kaboasan / Mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI LGEN ROMEO BRAWNER / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN ARVIN LAGAMON / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ wantta join us? sure, manure...

MGA MAAARI PANG MANGYARI SA SONA 2023, PINAGHANDAAN NG KAPULUNGAN


Handang handa na ang Kapulungan ng mga Kinatawan at pinaghandaan rin ang mga maaari pang mangyari sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, ika-24 ng Hulyo 2023, upang tiyakin ang kaligtasan ng mga dadalo sa anumang kagipitan na maaaring mangyari sa okasyon. 


Ayon kay House Engineering and Physical Facilities Department (EPFD) Executive Director (ED) Engr. Renato Dela Torre, ang evacuation plan ng Kapulungan ang isa sa mga nangungunang paghahanda para sa SONA 2023. 


Ang evacuation plan ay kinabibilangan mga emergency scenarios, tulad ng lindol, sunog, at maging terorismo. Binigyang-diin ni ED Dela Torre na isang mahigpit na koordinasyon sa Legislative Security Bureau (LSB) ang kanilang itinatag, upang epektibong mapangasiwaan ang ang iba’t ibang senaryo sa kagipitan, dahil ang LSB ang siyang responsable sa pagpapatupad ng evacuation plan. 


Sa ilalim ng plano, ang mga kawani ng iba’t ibang departamento ay itinalaga sa kanilang mga tungkulin para epektibong maipatupad ang evacuation. 


“Public awareness regarding safety measures is taken seriously,” aniya. 


Sa pinal na pulong ng iba’t ibang mga ahensya na isinagawa noong ika-17 ng Hulyo 2023, Tinukoy ni Deputy Secretary-General  (DSG) Atty. Grace Andres na ang HRep Evacuation Plan ang isa sa walong (8) collaterals na kabilang sa mga ipinamahaging SONA 2023 invitations sa mga panauhin. 


Sinabi ni ED Dela Torre na ang paghahanda ng EPFD sa SONA 2023 ay isinagawa ilang buwan na ang nakakaraan, sa Bulwagan ng Kapulungan, mga kalsada sa loob ng Batasan Complex, bakuran at mga gusali, sound system at electrical works. 


Idinagdag niya na layon ng EPFD  na makipagtulungan sa House Media Affairs and Public Relations Service (MAPRS) para makalikha ng isang video presentation para sa mga emergency procedures. 


Sa tuwing suspensyon ng sesyon ay ipalalabas sa mga Plenary Hall screens ang naturang video para sa kamalayan, kaalaman, at impormasyon ng mga panauhing dadalo sa SONA. wantta join us? sure, manure...

Pagbuhos ng imvestment pledges, pagpapakita ng kumpiyansa sa ekonomiya ng Pilipinas at Polisiya ni PBBM - Speaker Romualdez.


Inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang pagbuhos ng investment pledges sa unang quarter pa lamang ng 2023 ay patunay sa potensyal ng ekonomiya ng bansa at pagkilala sa polisiyang inilatag ni Pang Ferdinand R. Marcos, Jr.


Batay sa mga ulat, natriple pa ang naaprubahang investment sa unang quarter ng taon, mara sa mga ito ay mula sa ibang bansa.


Ang P698 billion investments na ito ay 203 porsyentong mas mataas kaysa sa P230 billion noong nakaraang taon ayon sa Board of Investments.


“It is a clear vote of confidence in the Philippine economy's potential and prospects and affirms the soundness of the economic and fiscal policies of President Bongbong Marcos geared towards the attainment of his vision to bring our country to upper-middle income status by 2025,” sabi ni Speaker Romualdez.


“Likewise, this development signals that the world is responding positively to the President’s vigorous campaign to promote the Philippines as a prime destination for investment and a recognition of our steadfast pursuit of sustainable and inclusive growth,” dagdag ng opisyal.


Tinukoy din nito ang pahayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual na magiging premier investment destination ng Asya ang Pilipinas.


Kailangan naman ani Romualdez na samantalahin ng gobyerno ang positive momentum na ito upang tunay na magresulta sa aktwal na pamumuhunan at mapakinabangan ng mga Pilipino ang bunga.


“We must continue to work hand in hand with the private sector to create an enabling environment that fosters job creation, economic diversification, and innovation,” saad ni Romualdez


Muling tiniyak ni Romualdez na tututukan ng Kamara ang mga panukala na magsasakatuparan sa hangarin ng Pangulo na mapa-angat ang ekonomiya ng bansa, mapababa ang presyo ng batayang bilihin at pataasin ang purchasing power ng bawat Pilipino.


Una na niyang siniguro na sa pagsisimula ng 2nd regular session ng 19th Congress mabils aaksyunan ng House of Representatives ang bagong mga priority bills na napagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at pagtitibayin bago matapos ang taon.


Sa pagtatapos ng 1st regular session ng 19th Congress, 33 mula sa 42 priority measures ng Marcos Jr. administration na ang napagtibay ng Kamara.


“It is through collaborative efforts between the legislative and executive branches that we can solidify the Philippines' position as a preferred investment destination in the region,” diin ng House leader.


Sa ulat pa ng BOI, ang 155 na proyekto bahagi ng investment pledges ay 43 prosyentong mas mataas kumpara sa 106 na proyekto mula January hanggang June 2022.


Oras na maisakatuparan ito, 29,964 na karagdagng trabaho ang malilikha, o 96 prosyentong mas mataas kumpara noong nakaraang taon.


P393 billion ang ipinangakong investment ng German companies, sinundan ito ng Singapore (P16.8 billion), the Netherlands (P3.57 billion), France (P2.04 billion) at United States (P1.9 billion).


Ang Western Visayas (Region 6) ang pinaka makikinabang mula sa inaasahang P306 billion na ilalaang investments. Sinundan ito ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) na may P164 million, Ilocos (P55.5 billion), Central Luzon (P28.7 billion) at Metro Manila (P25.6 billion).


Higit sa tatlo sa apat na bahagi o katumbas ng 76.83 percent, ng investment approvals ay may kinalaman sa renewable energy kung saan 30 dito ay solar, habang nagkakahalgaa ng P536.5 billion ang para sa wind at biomass projects.


Walo ang patungkol sa information and technology na may halagang P95.5 billion.


Kumpiyansa naman ang BOI na sa magandang itinatakbo nito ay makakamit nila investment approval target ngayon taon na nagkakahalaga ng P1.5 trillion. 


##wantta join us? sure, manure...

KAPULUNGAN NASA PRE-SONA LOCKDOWN NA SIMULA NGAYONG ARAW HANGGANG LINGGO


Isinailalim sa lockdown mode ang Kapulungan ng mga Kinatawan simula ngayong Huwebes, hanggang Linggo, bilang bahagi ng paghahanda sa kaligtasan at seguridad para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, ika-24 ng Hulyo 2023. Tanging ang mga mahahalagang tauhan ng Kapulungan na itinalagang papasok sa trabaho ang maaaring makapasok sa loob ng Batasang Pambansa. Sa panghuling SONA 2023 Inter-Agency Coordination Meeting na ginanap noong ika-17 ng Hulyo 2023, sinabi ni House Secretary-General Reginal Velasco na ang mga kapwa niya opisyal ay mananatili sa HREP hanggang Linggo, ika-23 ng Hulyo, upang matiyak na maayos ang lahat para sa SONA. “We will be here until Sunday to ensure everything will be alright for the SONA. There will be smaller groups (within the inter-agency) that can meet to address specific concerns,” ani Sec-Gen Velasco. Itinalaga niya si Major General Napoleon Taas (Ret.), House Sergeant-at-Arms (SAA), bilang point of contact para sa lahat ng mga katanungang may kinalaman sa seguridad, habang ang mga pagsasaayos at iba pang alalahanin ay maaaring iparating kay Deputy Secretary General (DSG) Atty. Grace Andres ng Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPAD). Sinabi ni DSG Andres sa parehong pulong na epektibo ngayong araw ng lockdown, hindi na magkakaroon ng anumang karagdagang pagsusuri sa antigen para sa mga kinakailangang empleyado ng Kapulungan na papasok sa kanilang tungkulin. “Yung antigen test last Monday (July 17) will suffice for those who will be reporting during lockdown days,” aniya. 


PAGHAHANDA SA SONA 2023 MAGPAPATULOY SA LOCKDOWN PERIOD – SEC-GEN VELASCO


Patuloy ang pagsisikap na maging maayos ang paghahanda ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Huwebes para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa ika-24 ng Hulyo 2023. Ang lockdown ay nagsimula ngayong araw hanggang Linggo, ika-23 ng Hulyo 23. "The idea there is to reinspect everything. Not just the security, but all the equipment, all the personnel. Tapos meron diyan mga simulation exercises. So para pagdating ng Monday, perfect 'yong lugar and 'yong personnel," ani Secretary General Reginald Velasco sa isang panayam ngayong araw. Sinabi pa ni Sec-Gen Velasco na bukod sa SONA, naghahanda rin ang mga kawani ng Kapulungan para sa pagbubukas ng Second Regular Session ng ika-19 na Kongreso. "Monday morning, we re-open our doors kasi may session, 'yong beginning of the Second Session of the 19th Congress. So as early as 5 AM, magbubukas uli tayo for the personnel and essential staff na kailangan doon sa opening ng session," aniya. Kabilang aniya sa mga karagdagang paghahanda ay ang pagsubok sa kagamitan at sound system, inspeksyon sa ruta ng bisita, mga pamamaraan sa paglilinis at kaayusan, at iba pang maaaring pagbabago sa huling minuto. Pahihintulutan din ang mga organisasyon ng broadcast media na subukan ang pagtanggap ng signal ng Radio Television Malacañang (RTVM) sa Linggo, mula ala 1 hanggang alas 3 ng hapon sa panahon ng lockdown. wantta join us? sure, manure...

Kongreso bukas sa pakikipagtulungan sa ibang parlyamento



Bukas ang Kongreso ng Pilipinas na makipagtulungan sa parlyamento ng ibang bansa sa mga usapin ng magkatugmang interes, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


“I would like to emphasize that we are very interested in establishing relations with our counterparts in other countries, through Parliamentary Friendship Associations and similar initiatives,” ani Speaker Romualdez sa kanyang pakikipag-usap sa mga foreign diplomat na dumalo sa isinagawang briefings sa diplomatic immunity at privileges sa Maynila.


“I hope those of you whose countries do not yet have such initiatives will consider making a recommendation to your legislators,” sabi pa ng lider ng Kamara na kumakatawan sa unang distrito ng Leyte.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ikalulugod nito at ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makipagtulungan sa kanila sa larangang ito.


Ginamit din ni Speaker Romualdez ang pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa diplomatic corps na tumulong sa mga miyembro ng Kamara na bumisita sa kanilang mga bansa upang mapalakas ang pakikipag-ugnayan ng Kongreso ng Pilipinas sa parlyamento ng ibang bansa.


“Through your efforts, inter-parliamentary ties that have become dormant are once again re-kindled and the bonds of friendship are forged even stronger. For this, we thank you,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Muli umanong aasa ang Kamara sa kanilang tulong para sa pagho-host ng Pilipinas ng Asia-Pacific Parliamentary Forum sa Nobyembre at ang unang BIMP-EAGA (Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area) Parliamentary Forum na gaganapin sa susunod na taon.


Ang briefing ay inorganisa ng DFA at dinaluhan ng mga diplomat sa Maynila at mga tauhan ng DFA.


Sa kanyang talumpati, binanggit ni Speaker Romualdez ang mantra ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na: “The Philippines is a friend to all and enemy to none.”


Aniya ang mga immunity at prebilihiyo na ibinibigay ng gobyerno sa mga diplomat ay pagpapahiwatig ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa ibang bansa.


“They provide you with the necessary access and facilitation that you need to carry out your duties as envoys. More importantly, these also express, in a way, our appreciation of your countries’ grant of the same privileges and immunities to our own diplomats who are stationed abroad, pursuant to the principle of reciprocity in international relations,” sabi pa ng lider ng Kamara.


Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang DFA sa pagsasagawa ng briefing at nagpasalamat kay DFA Secretary Enrique Manalo sa pag-imbita sa kanya.


“The world does not stand still. Bilateral relations evolve as they must, necessitating that immunities and privileges be periodically reviewed and updated to make sure that they are reflective of the current environment, and continue to serve the best interests of all parties involved,”  dagdag pa ni Speaker Romualdez.


##wantta join us? sure, manure...

KAAYUSAN SA MEDIA PARA SA SONA 2023, KUMPLETO NA


Nakipagpulong ngayong Martes ang Media Affairs and Public Relations Service (MAPRS) ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa mga miyembro ng HRep-accredited media para isapinal ang coverage arrangement para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Ika-24 ng Hulyo 2023. Ibinahagi ni MAPRS Director Joaquin Romeo Santiago ang bagong polisiya sa media coverage ni Secretary General Reginald Velasco ng Kapulungan, para sa umaga bago ang aktuwal na SONA, at ang mga susunod na inaabangang kaganapan. Ayon pa sa kanya, nagbigay din ang Radio Television Malacañang (RTVM) ng kaunting panahon bago ang SONA sa mga television network para masubok ang RTVM feed sa kanilang mga channel. Gaya ng mga nagdaang taon, nabigyan din ng mga puwang ang mga accredited media organizations, kung saan maaari nilang subaybayan ang mga opisyal ng gobyerno na maglalakad sa red carpet sa Batasan Complex para sa SONA. Ang mga kinatawan mula sa ilang organisasyon ng media ay may nakalaan ding mga upuan sa Plenary Hall bilang mga panauhin ng SONA. wantta join us? sure, manure...

Maharlika Fund dagdag na pagkukunan ng pondo ng hindi nagtataas ng buwis, nangungutang—Speaker Romualdez



Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund (MIF) Act na dagdag umano sa maaaring pagkunan ng pondo para sa mga itatayong imprastraktura nang hindi kakailanganing magtaas ng buwis o mangutang.


Sinaksihan ni Speaker Romualdez, isa sa pangunahing may-akda ng MIF sa Kamara, ang paglagda ng Pangulo sa bagong batas sa Malacañang.


“As an additional vehicle for financing, the MIF is expected to widen the fiscal space in the near- to medium-term as it reduces heavy reliance on local funds and development assistance as the main financing mechanisms for infrastructure projects,” ani Speaker Romualdez. 


“It is envisioned to enable the government to execute and sustain high-impact and long-term economic development programs and projects without imposing new or higher taxes,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Ipinaliwanag ng lider ng Kamara na ang pagkakaroon ng alternatibong mapagkukuhanan ng pondo ay nangangahulugan na mas maraming mailalaang pondo para sa social services gaya ng pang-edukasyon at pangkalusugan.


“The MIF is not only beneficial but necessary at this point in time. While the Philippines can offer investment opportunities, given that we are still a growing economy, we see that the cost of debt has risen, making the need to explore other vehicles to attract equity financing such as Maharlika Investment Corp. (MIC)/MIF urgent,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“The MIC/MIF is an investment for the future that we need to start building now. It is an ideal vehicle that is well-positioned to bring in investments as the Philippine economic outlook remains robust amid the global economic slowdown,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Ayon kay Speaker Romualdez ang mga international investor gaya ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) at ilang kompanyang nakabase sa Amerika ay nagpahayag na ng interes sa MIF.


“Certainly, there will be more interest once the MIF is officially launched. These investments mean more development projects in various parts of the country, more jobs and livelihood for the Filipinos, and a better future for generations to come,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


Kumpiyansa si Speaker Romualdez na ang MIF law ay magiging isa sa landmark legislation ng 19th Congress.


“The Fund intends to allow for profitable investment development projects while also ensuring that there is flexibility in the market activities of the MIC/MIF,” sabi pa ni Speaker Romualdez na kumakatawan sa unang distrito ng Leyte.


##wantta join us? sure, manure...