Monday, May 22, 2023

REP. DONG GONZALES, JR., NANUMPA BILANG BAGONG SENIOR DEPUTY SPEAKER NG KAMARA

Nanumpa na kahapon bilang bagong senior deputy speaker ng Kamara si Pampanga Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales, Jr.


Sa sesyon kahapon, magkasabay na dumating sa bulwagan ng kapulungan  sina House Speaker Martin Romualdez at Gonzales.


Magkasama rin ang dalawa na lumapit at nag-mano kay Pampanga 2nd district rep. at Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.


Kung matatandaan, noong nakaraang Miyerkules, May 17 ay nagpatupad ng balasahan sa liderato ng Kamara kung saan nagpalit ng posisyon si Gonzales at Arroyo.


Bunsod umano ito ng planong coup d’ etat laban kay Speaker Romualdez, bagay na mariing itinanggi ni Arroyo.


Maliban sa pamilya ni Gonzales, umakyat din sa rostrum para sumaksi sa kaniyang panunumpa si Arroyo.


Matapos naman ng panunumpa ni Gonzales ay nagkaroon ng pagpupulong ang LAKAS-CMD at PDP-Laban congressmen upang lumagda sa isang alyansa sa pagitan ng dalawang partido.


#wantta join us? sure, manure...