Monday, January 23, 2023

DIGITAL TRANFORMATION BILLS, ISASAMA SA MGA TOP PRIORITY MEASURE SA PAGBABALIK SESYON NG KAMARA NGAYONG TAON

Sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso ng Pilipinas ngayong araw, kabilang sa mga top priority bills ng Kamara ang pagpasa sa e-governance/e-government act na may layuning magpapabilis sa digital transformation ng atong bansa.


Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na mamadaliin nila ang pagpasa sa mga proposed measure na ito upang maisakatuparan ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Davos, Switzerland na dapat nang maipatupad ang digital evolution sa bansa.


Ayon sa lider ng Kapulungan, layun ng Pangulo na makasabay ang Pilipinas sa ibang mga bansa pagdating sa digitalization.


Binanggit din aniya ng Chief Executive na aaksyunan nito ang mabagal na internet connectivity at cybersecurity issues sa bansa at ang pag-digitalize ng ating burukrasya.



wantta join us? sure, manure...