Thursday, June 15, 2023

PAGTATATAG NG INTER-AGENCY BODY NA TUTUGON SA NAGBABADYANG KRISIS SA PATUBIG, INAPRUBAHAN NG KAMARA

Aprubado na ng Committee Public Works and Highways sa Kamara de Representantes, na pinamumunuan ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo Sr. ang panukalang magtatatag ng isang inter-agency body na magpapatupad sa implementasyon ng isang komprehensibong master plan, na tutugon sa nagbabadyang krisis sa patubig. 


Batay HB06345, imamandato sa inter-agency body ang pagmungkahi, pagbalangkas at paglatag ng mga patakaran para sa implementasyon ng nasabing malawakang plano at ang ahensiya ay magkakaron ng kapangyarihang ipatawag ang anumang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga ahensya sa pribadong sektor, na makakatulong na solusyunan ang krisis. 


Inaprubahan din ng naturang komite ang HR00601 at isinama ang nilalaman nito sa HB06345. 


Ang HR00601, na inihain ni Bulacan Rep. Lorna Silverio, ay humihimok sa pamahalaang nasyonal na kagyat na buuin ang isang inter-agency task force na magpaplano, maglalatag at magbabalangkas ng isang komprehensibong Master Plan para tugunan ang napipintong krisis sa patubig.


Ang pag-apruba ay ginawa bago nag-adjourn sine die ang Kongreso.






Inendorso ng mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pag-apruba sa panukala, sa idinaos na pagdinig ng Komite noong ika-31 ng Mayo 2023. Ipinaliwanag ni Rep. Lorna Silverio (3rd District, Bulacan), may-akda ng HB 6345, na ang bansa, sa nakalipas na dalawang dekada, ay nakaranas ng kabi-kabilang kakulangan sa tubig na nakaapekto sa mga kabahayan, mga komunidad at sa buong kapuluan. “Given the vital importance of water to the everyday lives, leaders of the nation should be alarmed and should act today to avert a devastating water shortage. Even with the La Niña season, when there is supposed to be an abundance of water supply, the nation, particularly the National Capital Region (NCR), experiences water shortages that adversely impact on communities and business operations.” 


Ikinalungkot ni Rep. Silverio na ang pagpasok ng EI Niño phenomenon ay lubos na nakaapekto sa kalagayan, na nagpatuyo sa mga tradisyunal na pinagkukunan ng tubig, at naglimita sa kanilang kakayahan na makapagsuplay ng kinakailangang tubig ng patuloy na lumalaking metropolis. 


Idinagdag niya na, “While water rationing is a stop-gap solution, a long-term solution that will assure a sustainable supply of clean, potable water must be put in place urgently.” wantta join us? sure, manure...