Friday, November 03, 2023

SPEAKER ROMUALDEZ, NANINIWALANG MAGAGAMIT NG BAGONG KALIHIM NG DA ANG MALAWAK NITONG KARANASAN SA AGRICULTURE AT FISHERIES SECTOR NG BANSA

Kombensido si House Speaker Martin Romualdez na magagamit ng bagong kalihim ng Department of Agriculture na si Francisco Tiu Laurel, Jr. ang malawak na kaalaman at background nito sa pribadong sektor tungo sa pagpapaangat ng agriculture at fisheries sectors sa bansa.


Sinabi ni Romualdez na maraming maiaambag ang innovation, efficiency, stratehiya at pagiging competitive na dala ng pribadong sektor sa sandaling mapagsanib-puwersa sa gobyerno.


Ayon sa lider ng Kamara, naipamalas ni Secretary Laurel ang potensyal ng private enterprises sa pagsusulong ng food security, paglago ng ekonomiya at pag-usbong ng teknolohiya sa agrikultura.


Tiwala rin si Romualdez na makatutulong ang firsthand experience ni Laurel sa management ng large-scale operation lalo na sa usapin ng supply chain, market demand at global trends.


Idinagdag pa ni Romualdez na sa pamamagitan nito ay ibayong maitataguyod ang partnerships sa pagitan ng gobyerno at ng private entities. 



(na higit sa negosyo ay maipapaabot ang economic growth sa grassroots level upang maramdaman ng ordinaryong Pilipino.)

(Ayon pa sa aHouse Speaker, parehong nauunawaan ni Laurel ang pagbalanse sa kikitain at kapakanan ng publiko kaya aasahan ang mga polisiya na magkakaloob ng patas na kompensasyon sa mga magsasaka at mangingisda, access sa modernong teknolohiya at oportunidad sa kaunlaran.)



Umaasa naman si Romualdez na masusundan ng bagong kalihim ang nasimulan at ang umano'y solidong pundasyon na iiwanan ni Pangulong Bongbong Marcos sa DA. wantta join us? sure, manure...

Mainit ang pagtanggap ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa pagkakatalaga kay Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture.


Ayon kay Lee, handa silang makipagtulungan kay Laurel sa pagtugon sa hinaing ng mga magsasaka at maitaguyod ang kanilang kapakanan.


Umaasa ang kongresista na maipagpapatuloy ni Laurel ang umano’y magagandang programa na nasimulan ni Pangulong Bongbong Marcos upang mapabuti ang agriculture sector.


Mayroon na aniyang magagandang hakbang ang administrasyon sa loob ng mahigit isang taon bagama’t nananatiling marami at mabigat ang mga hamon na kinahaharap.


Kinilala naman ng Magsasaka Party-list ang tatlumpung taong karanasan ni Laurel sa industriya bilang pangulo ng Frabelle Fishing Corporation.


Malawak umano ang kaalaman ng bagong kalihim sa fishing sector at ang kanyang dedikasyon at paniniwala ang magsusulong ng innovation, paglakas ng productivity at pagtitiyak sa sustainability ng agricultural practices.


Susuportahan naman ng party-list ang pagbuo ng mga polisiya na hindi lamang tututok sa pangangailangan ng mga magsasaka kundi magpapalakas din sa food security at economic stability. wantta join us? sure, manure...

Kamara tuloy ang laban kontra hoarders, price manipulators


Pinuri ng isa sa mga lider ng House committee on agriculture and food ang ulat na bumaba ng hanggang P10 ang kada kilo ng sibuyas at siniguro na magpapatuloy ang Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Ronualdez sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator.


“We commend the efforts of the Department of Agriculture (DA) in stabilizing the retail prices of essential commodities, and we welcome as good news its report that the retail price of onions has decreased by P10 per kilo, with the cost of the red bulbs going down to P130 per kilo from the previous P140 per kilo,” sabi ni Deputy Majority Leader Rep. David Suarez (2nd Dist., Quezon Province).


“Buoyed by this development, and upon the instruction of Speaker Martin Romualdez, the House Committee on Agriculture and Food will intensify its investigation on hoarders and price manipulators not only of onions but of other staple food items like rice,” ani Suarez.


Tinuran ni Suarez na malinaw ang atas ni Speaker Romualdez na susuportahan ng Kamara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na all-out war laban sa mga sangkot sa smuggling, hoarding at pagmamanipula ng presyo.


“Our mission order is clear: there is no room for smugglers, hoarders and price manipulators under this administration,” diin nito.


Ayon kay Suarez patunay na epektibo ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan ng ehekutibo at Kamara de Representantes laban sa mga mapagsamantala, ang pagbaba sa presyo ng sibuyas at pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa artipisyal na kawalan ng suplay ng sibuyas.


“The continuing reduction in the price of onion is a testament to the effectiveness of our strategies against price manipulation and profiteering. However, it does not signify the end of our mission. The Speaker said there will be no let-up in our committee investigation until we break down the cartels responsible for hoarding and artificial shortages of basic commodities,” wika pa ni Suarez.


Kinilala rin ng mambabatas ang masinop na pagbabantay ng DA na nagresulta sa mas abot kayang presyo ng sibuyas, bawang at iba pang bilihin.


Positibo rin ang pagtanggap ng mambabatas sa anunsyo ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na mayroong sapat na suplay ng gulay, kabilang ang patatas hanggang sa unang bahagi ng 2024.


Pinuri rin ni Suarez ang inaasahang paghupa ng presyo ng patatas at ang malaking bawas sa presyo ng lokal na sili na mula P800 kada kilo noong Setyembre ay bumagsak na lang sa P350 kada kilo.


“However, while we celebrate these gains, we remain committed to ensuring that no individual or entity takes undue advantage of our citizens. The recent controversy surrounding the onion crisis in 2022, where prices skyrocketed to as high as P720 per kilo, serves as a stark reminder of the challenges we face,” dagdag pa ni Suarez.


“The House Committee on Food and Agriculture will leave no stone unturned in our pursuit to protect consumers from unscrupulous traders. We are committed to working hand-in-hand with the DA and other relevant agencies to ensure that the Filipino people are safeguarded from price manipulations and hoarding activities,” sabi pa nito.


Sinabi ni Suarez na dapat ipagpatuloy ng ehekutibo ang pagsasampa ng kaso at pagpapanagot sa mga sangkot sa kartel at siguruhin na makukulong ang mga ito.

wantta join us? sure, manure...