MGA NATAMO NG PILIPINAS, PINALAWIG NG PAGKIKITA NINA PBBM-VP HARRIS SA KANYANG PAGBISITA SA BANSA β SPEAKER ROMUALDEZ
Sinabi ngayong Martes (oras sa US) ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang pagkikita nina Pangulong President Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. at US Vice President Kamala Harris ay nagpalawig sa mga natamo ng bansa, sa mga inisyatiba para sa pagsulong ng ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa, na inanunsyo noong siya ay bumisita sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Nakipagkita sina Pangulong Marcos at ang kanyang may-bahay, First Lady Louise Araneta-Marcos kay VP Harris at kanyang asawa, Second Gentleman Dough Emhoff, sa Number One Observatory Circle, sa Washington D.C., ang opisyal na tahanan ng vice president ng Estados Unidos.
Ang First Couple ay sinamahan sa pulong nina Speaker Romualdez, Ambassador Jose Manuel Romualdez, at House senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.
βIt is heartening to note that during the meeting over coffee between President Marcos and VP Harris, the two officials reiterated their commitment to secure and advance the mutually beneficial initiatives she announced when she visited the Philippines,β ani Speaker Romualdez.
βIt boosts our hope and confidence that effort to bolster the time-tested ties between the US and the Philippines would ultimately benefit the Filipino people in terms of increased foreign investments that would generate more jobs, livelihood as well as business opportunities for our people,β dagdag niya.
Sa naturang pulong kay Pangulong Marcos, sinabi ni VP Harris na siya ay nagagalak na sila ay β(were) able to continue to do the work that we have that is a priority around our mutual prosperity and security.β
Kooperasyon sa Enerhiya
Matatandaang noong Nobyembre nang nakaraang taon ay bumisita si VP Harris sa Pilipinas upang patatagin ang ugnayang ekonomiya at seguridad sa pagitan ng dalawang bansa.
Inanunsyo niya rin ang ibaβt ibang mga inisyatiba hinggil sa hakbang sa pagbabago ng klima, seguridad sa enerhiya at nagsusustining imprastraktura, at iba pa.
Kabilang sa mga inisyatibang may kaugnayan sa enerhiya ay ang pagtatatag ng bagong high-level policy dialogue na nakatuon sa pagpapaunlad ng mga bagong uri ng kooperasyon sa enerhiya, kasama na ang potensyal na mga proyekto sa short at long-term energy planning, offshore wind development, grid stability at power transmission.
Gayundin, kalaunan ay isiniwalat ng tanggapan ni Harris ang pagbubukas ng mga negosasyon sa civil nuclear cooperation agreement, na susuporta sa nonproliferation priorities at mga inisyatiba sa seguridad ng zero-emission energy ng Pilipinas.
βThe availability of cheap and reliable supply of electricity is indispensable in our effort to attract investments that would create more jobs and livelihood opportunities for our people and so he is exploring all viable alternatives, including renewables and nuclear energy, to achieve this end,β ayon kay Speaker Romualdez.
βI am confident that President Marcosβ official visit to the US would further advance his administrationβs efforts in the area of energy security,β dagdag niya.
Noong Lunes, isang top US nuclear energy firm NuScale Power Corporation ang nagpahayag sa pulong nila ni Pangulong Marcos, ng kanilang interes na mamuhunan sa Pilipinas at inihayag ang kanilang mga plano upang pag-aralan kung saan sila makakahanap ng lugar sa bansa para sa kanilang advanced Small Modular Reactor (SMR).
Sinabi ng mga opisyal ng NuScale na aabot sa halagang $6.5B hanggang $7.5B puhunan ang kanilang ilalagak sa 430 Megawatts na enerhiya para sa bansa hanggang taong 2030.
Kabilang sa mga nakatakdang pulong ni Pangulong Marcos sa mga US business interests sa Martes ay ang pulong sa mga kinatawan ng isa pang US developer at supplier ng SMR, kasama na ang mga nagmamanupaktura ng mga solar panels.
Kooperasyon sa Depensa
Samantala, sa kanyang pagbisita sa Pilipinas, iginiit ni Harris ang kamay na bakal na pangako ng Washington na ipagtatanggol ang Pilipinas sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty.
Ayon sa kanya, βan armed attack on the Philippines armed forces, public vessels, or aircraft in the South China Sea would invoke U.S. Mutual Defense commitments,β at binigyang-diin ang hindi matatawarang suporta ng US sa Pilipinas.
Nang matanong ng mga mamamahayag sa Amerika sa βongoing provocations of China,β sinabi ni Pangulong Marcos na nananatili itong pangunahing alalahanin ng kanyang administrasyon.
βAs concerned as you could possibly be. It is one of the major issues that we have to face back home,β ani Pangulong Marcos.
Idinagdag ni Pangulong Marcos na ang mga hakbang para paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na makatulong sa pangangalaga ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Sa isang kalatas sa opisyal na pagbisita ni Pangulong Marcos na inilabas, sinabi ng White House na ang US at Pilipinas ay magtutulungan upang pag-ibayuhin ang tactical na kakayahan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) sa karagatang nasasakupan ng bansa.
Sinabi rin sa kalatas na layon ng US na ilipat sa AFP ang dalawang Island-class patrol vessels, dalawang Protector-class patrol vessels, at tatlong C-130H aircraft, habang hinihintay ang mga rekisitos sa applicable congressional notification.
#######
HINDI MATATAWARANG SUPORTA NG KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN SA ADYENDA NI PBBM PARA SA MAUNLAD NA PILIPINAS, TINIYAK NI SPEAKER ROMUALDEZ SA FIL-AM COMMUNITY
Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Filipino-American community ang hindi matatawarang suporta ng Kapulungan ng mga Kinatawan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na matupad ang kanyang mga pangarap sa isang maunlad na bansa para sa mga Pilipino.
Sinamahan ni Speaker si Pangulong Marcos at ang kanyang delegasyon sa pulong sa Fil-Am community sa Ritz-Carlton Hotel sa Washington, D.C. matapos ang bilateral meeting niya kay US President Joe Biden.
βThe House of Representatives will continue working hand-in-hand with President Marcos to advance his legislative, policies, and initiatives geared towards job creation, improved business climate, and a better life for all Filipinos,β ani Romualdez.
Inilatag ni Romualdez ang mga kaganapan sa opisyal na pagbisita ni Pangulong Marcos sa US, sa pamamagitan ng ibaβt ibang pagpupulong sa mga opisyal ng US at mga American business leaders.
βThis is our way of thanking all our overseas Filipino workers for their invaluable contributions to the economic growth of our country and for showcasing to the world the solid work ethic, talent, and the good nature of all Filipinos,β dagdag niya.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang pasasalamat sa mga Filipino overseas workers sa ipinadadala nilang pera sa kanilang mga pamilya na nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas, lalo na noong panahon ng pandemyang sanhi ng coronavirus.
Sinabi ni Speaker Romualdez ang positibong nakamit ng bansa sa pulong ng dalawang pinuno, lalo na nang inanunsyo ni President Joe Biden na magpapadala siya ng presidential trade and investment mission sa Pilipinas na inaasahang makakalikha ng mas maraming trabaho at paglago ng ekonomiya.
βThe prospect of a presidential trade and investment mission fills the nation with hope and optimism for a brighter future,β ani Speaker Romualdez.
Sinabi niya rin na nakahanda ang Kapulungan na magpasa ng mga kinakailangang lehislasyon na gagabay sa mga papasok na kalakalan at pamuhunan mula sa US, na resulta ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Marcos, at tiyakin na ito ay pakikinabangan ng sambayanang Pilipino.
βWe have already manifested our solid commitment to support the prosperity agenda of President Marcos by passing the necessary measures to help establish the Philippines as an ideal destination for foreign investments. We will continue to do so,β ayon kay Speaker Romualdez.
Noong mag-adjourn ang Kapulungan para sa bakasyon sa panahon ng Semana Santa, inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang 23 sa 31 panukalang batas na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bilang mga prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos, habang ang mga natitirang walong panukala ay kasalukuyang sumasailalim na sa deliberasyon.
Ilan sa mga panukalang may kaugnayan sa ekonomiya sa prayoridad na talaan ng LEDAC na inaprubahan ng Kapulungan ay kinabibilangan ng E-Governance Act / E-Government Act, Internet Transaction Act / E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law, at ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery.
Bukod sa 31 panukala na nasa listahan ng LEDAC, sinabi ni Speaker Romualdez na tinukoy ng Kapulungan ang 21 panukala na nais nilang iprayoridad, kung saan ay sampu rito ang ieendorso ng LEDAC. Ang apat rito ay β Maharlika Investment Fund bill, Ease of Paying Taxes Act, LGU Income Classification, at Amendment to Universal Health Care Act β na pasado na sa ikatlo at huling pagbasa.
Kasama rin sa prayoridad ng Kapulungan ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, na nananawagan ng constitutional convention para amyendahan ang mga βrestrictiveβ na probisyong pang-ekonomiya ng Charter, upang makahikayat ang bansa ng mas maraming dayuhang pamuhunan, at ang implementing measure nito, ang HB No. 7352.
#####
WALANG KAPAGURANG PAGSISIKAP NI PBBM SA MURA AT MAAASAHANG ENERHIYA PARA SA MGA PILIPINO, PINURI NI SPEAKER ROMUALDEZ
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Lunes (oras sa Washington) ang walang kapagurang pagsisikap ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr., na tuparin ang kanyang pangako, nang mura at maaasahang enerhiya para sa mga Pilipino.
Ito ay matapos na magpahayg ng interes ang isang top nuclear energy firm na nakabase sa Estados Unidos na mamuhunan sa Pilipinas matapos na makipagpulong kay Pangulong Marcos sa Washington D.C., Lunes ng umaga.
Isa si Speaker Romualdez sa mga opisyal na sinamahan ang Pangulo sa kanyang pulong.
Sa naturang pulong, ang NuScale Power Corporation na nakabase sa Oregon, na nagdidisenyo at nagbebenta ng mga small modular reactors (SMRs) ay nagpahayag na plano nilang magsagawa ng pag-aaral kung saang lugar sila maaaring magtayo para sa kanilang sistema sa Pilipinas.
βThis positive development proves the unrelenting commitment of President Marcos to fulfill his promise to the Filipino people of ensuring the availability of cheap and reliable energy,β ani Speaker Romualdez.
Binanggit ni Speaker na sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos, ay nangako ang punong ehekutibo na ang enerhiya ang magiging βkey sectorβ sa pagtutulak niya ng paglago sa ekonomiya, at paglikha ng maraming trabaho ng kanyang administrasyon.
Ang pulong ng Pangulo noong Lunes sa NuScale ay nabuo sa paunang pag-uusap na kanilang isinagawa noong Setyembre nang nakaraang taon sa New York, habang dumadalo siya noon sa United Nations General Assembly.
βAdequate and cheaper energy source of power is crucial to sustaining our robust economic growth. But the President is very much aware that building additional energy generation capacity takes years to accomplish and it is prudent that we should continuously explore alternativesβincluding the use of nuclear powerβto achieve this goal,β ayon kay Speaker Romualdez.
Noong Marso, inaprubahan ng Komite ng Nuclear Energy ang pinag-isang substitute bill para sa isang comprehensive atomic regulatory framework, na lumilikha sa Philippine Atomic Regulatory Commission.
βOn our end at the House of Representatives, we are working hard to pass measures that would provide the necessary legal framework and policies to encourage the development of alternative power sources in support of the Presidentβs vision for our nationβs energy security,β dagdag niya.
Bukod pa rito, binanggit ni Speaker Romualdez ang pag-apruba ng panukalang Waste-to-Energy, na kabilang sa 23 prayoridad na panukala na inaprubahan ng Kapulungan, mula sa 31 panukala na tinukoy ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) bilang prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos.
Gayundin, mayroong ilang panukala sa Kapulungan na kasalukuyang sumasailalim sa deliberasyon sa mga Komite, na naglalayong isulong ang paggamit ng malinis at renewable energy, tulad ng solar o wind power.
Samantala, sinabi ni Speaker Romualdez na ang pulong sa NuScale ay βvery promisingβ dahil ang Small Modular Reactor ay kauna-unahan at natatanging uri na nakatanggap ng pag-apruba sa disenyo mula sa US Nuclear Regulatory Commission.
Ang naturang kompanya ay may mga proyekto sa Utah, Romania, Indonesia, at Poland na nagbibigay ng ligtas, maaasahan at cost competitive na malinis na enerhiya sa mga konsyumer.
Inaasahang mamumuhunan ang NuScale sa Pilipinas ng halagang $6.5B hanggang 7.5B para sa 430MW para sa bansa hanggang taong 2031.
Kasama sa mga opisyal ng NuScale na dumalo sa pulong sina Clayton Scott, executive vice president for business, at Cheryl Collins, director for sales. Kasama ng Nuscale ang kanilang lokal partner na si Enrique Razon, na kumakatawan sa Prime Infrastructure Capital, Inc. (Prime Infra).
Bukod kay Speaker Romualdez, ang ilan pang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas na kasama ni Pangulong Marcos sa mga business meeting ay sina dating Pangulo at ngayoβy senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Trade Secretary Alfredo Pascual, Energy Secretary Raphael Lotilla, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., Communications Secretary Cheloy Garafil, at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
####
SA MAKASAYSAYANG PULONG NINA BIDEN-MARCOS, PINAKAMALAKI ANG PAG-ASA SA PAGLAGO NG EKONOMIYA NG BANSA β SPEAKER ROMUALDEZ
βA picture of a brighter future for US-Philippines relations.β
Ito ang paglalarawan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa makasaysayang pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand βBongbongβ R. Marcos Jr. at US President Joe Biden sa White House, at sinabing napakalaki ng pag-asa para sa paglago ng ekonomiya ng bansa, sa nasaksihang pagpapalakas ng ugnayang US-PHL.
βWe have found a wellspring of new hope for the Filipino people as President Biden and President Marcos Jr. discuss plans for a brighter future together. With a first-ever presidential trade and investment mission on the horizon, the Philippines can expect job creation and economic growth,β ayon kay Speaker Romualdez, na personal na nakasaksi sa makasaysayang pulong sa pagitan ng dalawang Pangulo, habang sinasamahan niya ang Pangulong Marcos Jr. sa White House.
βIt is a promising partnership for progress and prosperity. What will follow is renewed confidence in the Philippines when it comes to investments, not only from the United States but from the rest of the world as well. This is a powerful message, seeing the two leaders discuss prosperity for our people,β dagdag niya.
Ang pag-asa ng pinuno ng Kapulungan ay nagmula sa bilateral meeting ngayong Lunes sa pagitan nina Pangulong Marcos at President Biden sa White House, upang pagtibayin at mas patatagin ang uganayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi niya na nagkasundo ang dalawang pinuno na ipagpatuloy ang pagpapalawig sa kasunduan at kooperasyon sa lahat ng usapin, kabilang ang pagpapadala ng Amerika ng kauna-unahang presidential trade and investment mission sa Pilipinas, na inaasahang lilikha ng maraming trabaho at paglago ng ekonomiya sa bansa.
βAmidst the positive outcome of the meeting between President Biden and President Marcos, the Philippine government expresses its eagerness for the upcoming job creation opportunities and looks forward to a continuous and fruitful partnership with the United States,β ani Speaker Romualdez.
βThe prospect of a presidential trade and investment mission fills the nation with hope and optimism for a brighter future," aniya.
Para sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sinabi ni Romualdez na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para ipasa ang mga lehislasyon na magpapahintulot at hihikayat ng pamuhunan sa kalakalan, na magreresulta sa US presidential trade mission.
βThis is our mandate and promise to the Filipino people: we will make sure that whatever investments we shall obtain from this mission shall find fertile ground in our economy. We will ensure that these will benefit millions of Filipino citizens,β ayon kay Speaker.
Nauna nang inilatag ng mambabatas mula sa Leyte ang mga kaganapan sa opisyal na pagbisita ni Pangulong Marcos sa US sa mga sunod-sunod na pulong at pakikipag-ugnayan sa kanyang mga counterparts sa bansa, kabilang ang mga pribadong pinuno ng mga negosyante.
####
Isa Umali / May 2
Humirit si House Committee on Constitutional Amendments chairman at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na i-recall o pauwiin sa Pilipinas ang ambassador ng ating bansa na nasa Beijing, China.
Ito ay kasunod ng insidente sa Ayungin shoal kamakailan, kung saan muntikan nang magkabanggan ang BRP Malapascua ng Philippine Coast Guard o PCG at isang barko China Coast Guard o CCG.
Punto ni Rodriguez, maliban sa paghahain ng diplomatic notes --- dapat nang i-utos ang pagpapabalik sa Pilipinas kay Ambassador Jaime Flor Cruz.
At hindi aniya dapat pabalikin sa Beijing si Cruz hanggaβt walang tugon mula sa gobyerno ng China o paghingi ng tawad ukol sa kanilang harassment at pambu-bully sa West Philippine Sea, o pagtutuwid sa kanilang maling asta.
Binanggit din ni Rodriguez ang daan-daang protest notes, pero bibingi-bingihan o dedma rito ang China.
Noong 2022 lamang, 193 na protest notes ang naihain sa Beijing, kasama na ang 65 sa ilalim ng Marcos administration.
Ngunit hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang pangha-harass at pambu-bully ng CCG at iba pang barko ng China sa PCG at mga Pilipinong mangingisda sa sarili nating teritoryo.
βββ-
LAYUNIN NI PBBM NA PALAKASIN ANG UGNAYANG PH-US PARA SA KAPAYAPAAN NG REHIYON NG INDO-PACIFIC, SUPORTADO NG KAPULUNGAN AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Lunes, ganap na sinusuportahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang mga inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na isulong ang pangangalaga ng kapayapaan sa rehiyon ng Indo-Pacific, bilang pangunahing paksa ng talakayan sa kanyang pakikipagpulong kay US President Joe Biden.
βThe House of Representatives stands solidly behind President Marcos in his effort to further bolster the long-standing relationship between the Philippines and the United States with the end in view of ensuring peace and stability in the Indo-Pacific region,β ani Romualdez.
Isa si Speaker Romualdez sa mga opisyal na Pilipino na mainit na tumanggap kay Pangulong Marcos sa kanyang pagdating sa Estados Unidos sa Joint Base Andrews airport sa Maryland.
Sa isang panayam ng mga mamamahayag ng Pilipinas sa kanyang byahe sa US, sinabi ni Pangulong Marcos na sa kanyang panawagan para sa βevolutionβ ng ugnayang PH-US, ay nilalayon niyang linawin ang papel ng US na nais nilang gawin, sa kabila ng namumuong tensyon na nararanasan sa rehiyon ng Indo-Pacific.
Idinagdag ng Pangulo na sa kanyang pulong kay Biden, kanyang ipaliliwanag na ang pangunahing interes ng Pilipinas ay pangalagaan ang kapayapaan ng rehiyon.
βGeopolitical tensions and apprehensions of possible hostilities in the region will have an adverse effect on our aspirations for sustained economic growth and prosperity. It is to everyoneβs benefit to ensure that conflicts are resolved through diplomatic and peaceful means,β dagdag ni Speaker Romualdez.
Lumipad si Speaker patungong US sa kalagitnaan ng Abril, upang ilatag ang mga magiging kaganapan sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa kanyang pakikipagpulong sa mga pangunahing mambabatas ng US, para mas higit na talakayin ang ibayong pagpapalakas ng alyansa sa seguridad at ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang bansang Tsina ay naghahanda ng kanilang lakas-militar sa rehiyon at nagpahayag ng pangamba sa iginawad ng pamahalaan ng Pilipinas na akses ng US sa apat na karagdagang base militar sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Subalit tiniyak ni Pangulong Marcos sa Beijing na ang mga karagdagang lugar ng EDCA ay hindi nangangahulugan ng banta sa Tsina, kung saan ay may hindi pagkakaunawaan sa Pilipinas hinggil sa mga inaangking teritoryo sa karagatan sa rehiyon.
βWe work for peace. We will not encourage any provocative action by any country that will involve the Philippines by any other country. We will not allow that to happen. We will not allow the Philippines to be used as a staging post for any kind of military action,β Ayon kay Pangulong Marcos sa naturang panayam.
Isiniwalat rin ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay nauna nang kumilos upang itaguyod ang high-level communication line sa Tsina, upang maiwasan na maulit ang mga insidente, tulad ng katatapos na muntikanang banggaan ng mga barko ng coast guard ng Pilipinas at Tsina sa Ayungin Shoal.
βWe hope that such high-level communication lines can be established the soonest possible time as it would go a long way to avoid any unfortunate incidents in the West Philippine Sea,β ani Speaker Romualdez.
βMalacanangβs timely action signifies our sincerity to resolve any dispute peacefully, consistent with the Presidentβs foreign policy of being a friend to all and enemy to none,β dagdag pa niya.
Nauna nang nagpahayag si Romualdez ng tiwala na palalalimin ng pulong sa pagitan ni Pangulong Marcos at President Biden ang ugnayang ekonomiya at kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa, na magreresulta sa pinaigting na pamuhunan sa bansa mula sa US, kabilang na ang mas maraming trabaho at oportunidad sa negosyo para sa ating mamamayan.
Noong 2021, ang US ang ikatlong pinakamalaking trading partner ng Pilipinas, top export market, at ikalimang major import source, samatala, ang Pilipinas naman ay ika-30 sa top trade partners ng US.
Ang US din ang ikalimang pinakamalaking source of foreign investments ng Pilipinas noong 2021, lalo na sa larangan ng IT-BPM, electronics, real estate, konstruksyon, transportasyon at storage sectors.
Nakipagpulong rin si Speaker Romualdez at ang kanyang delegasyon sa kanilang US counterparts, upang isulong ang Pilipinas bilang natatanging investment destination para sa mga negosyo ng US, habang ipinagmamalaki ang pananaw ng bansa sa isang masaganang erkonomiya.
Si Speaker Romualdez ay sinamahan sa kanyang mga pagpupulong sa mga mambabatas ng US, nina House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, House Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio "Dong" Gonzales Jr., Navotas City Rep. Tobias "Toby" Tiangco, Agusan del Norte 1st District Rep. Jose "Joboy" S. Aquino II, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel "Babe" del Gallego Romualdez, House Secretary General Reginald "Reggie" Velasco, at House Sergeant-at-Arms PMGEN. Napoleon Taas.
###
wantta join us? sure, manure...