PANUKALANG MAGPAPATAW NG KAPARUSAHAN SA MGA SANGKOT SA ROAD RAGE, IPAPASA NA SA KAMARA
Pag-iisahin na ng Committee on Transportation ang mga panukalang batas na naglalayong tukuyin at parusahan ang mga taong sangkot sa kaso ng road rage upang ipasa na ito sa plenaryo at talakayin sa plenaryo.
Sinabi ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na napansin niya kung papaano ang mga kaso ng road rage ay naging normal na asal na ng ilang motorista, dahil walang opisyal na tuntunin na nagbabawal o nagpaparusa sa mga sangkot dito.
Ayon sa kanya, ang pagsusupindi o pagwawalang-bisa ng lisensya lamang ang tanging kaparusahan na ipinapataw sa mga motorista na nasasangkot sa road rage.
Nais ng mambabatas na matuldukan na ang mga ito dito sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na magpaparusa ng pagkakakulong at penalty sa sinumang motorista na magwawala sa kalsada.