Tuesday, September 05, 2023

AYUDA SA MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG PRICE CEILING SA BIGAS, IPINANUKALA SA KAMARA

Dapat maamyendahan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF para maibigay ang direct cash payments o ayuda sa mga magsasaka na apektado ng price ceiling sa bigas.


Sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto na sa ilalim ng RCEF, hindi kasama ang ayuda o direct payouts sa mga magsasaka at kailangan ipadaan pa ito sa Department of Agriculture.


Sa ilalim ng batas, ang pondo ng RCEF ay ginagamit para sa pagbili ng equipments, mga pataba at ibang kailangan ng mga magsasaka sa pagtatanim.


Ayon kay Recto, para ma-implement ang ala-conditional cash transfer sa mga magsasaka, amyendahan ang RCEF para payagan ang direct cash payments.


Nirerekuminda din ni Recto na pansamantalang bawasan ng Pangulo ang import duties.


Dagdag ni Recto, pwedeng kunin ito sa P38.56 billion pesos na koleksiyon sa rice import tariff mula January 2022 hanggang August 2023.


Sa taong ito, P80 million pesos ang arawang koleksyon ng Bureau of Customs mula sa 35 percent import duty sa bigas. wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG 2024 BADYET NG OP, WALANG BALAKID NA NAKAPASA SA PAGSUSURI NG KOMITE

 

Tinapos kahapon (ngayong Martes) ng Committee on Appropriations sa Kamara, ang pagdinig sa panukalang P10.645-bilyong badyet ng Office of the President (OP) para sa taong 2024. 


Sinabi ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co, chairman ng komite na ang pagkapangulo ay hindi lamang isang simbolikong taga-pamuno o tungkuling seremonyal kungdi ito ang sentro ng pamamahala. 


(Ayon naman kay Executive Secretary (ES) Atty. Lucas Bersamin, ang panukalang P10.645 bilyon na badyet ay naglalayong “To enable the President to fulfill his duties, (and) fund the various programs, activities and projects of the OP in fiscal year 2024. As citizens we must appreciate the OP’s role in shaping the present and future of our beloved Philippines.”)


Ang panukalang badyet ng OP ay bahagyang mas mataas kaysa sa 2023 na alokasyon nito na P10.615-bilyon. 


Sinabi ni Executive Secretary (ES) Atty. Lucas Bersamin na ang panukalang badyet ng OP ay sapat para sa pagkapangulo na matugunan ang mga hinihingi ng pagiging pinuno ng estado, pinuno ng pamahalaan, punong ehekutibo, at punong kumander.




“During these challenging times of rebuilding the nation from the effects of a global pandemic of significant scale, we are asking for a modest increase, but at a rate that is within the norm of prior fiscal years,” aniya. 


Idinagdag pa niya na ang pag-alis ng mga paghihigpit sa kalusugan ay nakapagbibigay ng pagkakataon para isagawa ng Pangulo ang mga gawain ng estado sa labas ng pisikal na limitasyon ng kanyang tanggapan, tulad ng higit pang mga pagpupulong at pakikipag-ugnayan sa pangulo, at iba pa. 


Dagdag pa rito, sinabi ni ES Bersamin na masasagot din ng pagsasaayos ng badyet ang mga kinakailangan sa logistik bilang pagkilala sa mga imbitasyon mula sa mga dayuhang lider na bumisita sa kanilang mga bansa, at ang paggawa ng mga diplomatikong inisyatiba na magbubunga ng mga pamumuhunan na lilikha ng trabaho na magpapabilis sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa pagkatapos ng pandemya. 


Papayagan din nito ang OP na buhayin ang pagpapatupad ng mga kinakailangang imprastraktura sa loob ng Palasyo na natigil dahil sa pandemya, gayundin sa unti-unting pagpapanumbalik at pagpapaganda ng mga pasilidad ng Mansion House sa Lungsod ng Baguio. 


Sa pamamagitan ng uri ng alokasyon, 72 porsyento o P7.746-bilyon ng panukalang badyet ng OP ay ilalaan sa maintenance and other operating expenses (MOOE), 16 porsyento o P1.676-bilyon sa capital outlay, at 12 porsyento o P1.284-bilyon sa personnel services, kasama ang Retirement at Life Insurance Premium (RLIP) at pensiyon. 


Pinahintulutan ni Komite ng Appropriations Senior Vice Chair at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang mga miyembro ng Minorya na magpahayag ng kanilang mga saloobin pagkatapos na tapusin ang pagdinig ng badyet ng OP. wantta join us? sure, manure...

PONDO NG PCG INTELLIGENCE FUNDS SA SUSUNOD TAON, IMINUNGKAHI SA KAMARA NA MADADAGDAGAN

Naitanong ni Antipolo Rep. Romeo Acop Jr. kay Philippine Coast Guard o PCG Commandant Artemio Abu sa budget briefing kahapon ng Department of Transportation o DOTr na tumagal ng higit labintatlong oras, kung magkano ang kanilang pondo para sa intelligence fund lalo at sila ang naatasang magbantay sa ating mga katubigan—lalo na sa West Philippine Sea


Tugon naman ni Abu na mula 2010, nanatili lang sa 10 million pesos ang kanilang intel fund.


Humingi aniya sila ng 144 million pesos para maipatupad ang atas sa kanila ng Pangulo na bantayan ang baybayin ng bansa, ngunit hindi napagbigyan.


Bunsod nito, ipinanukala  ni Acop na bawasan ang pondo ng Office of the Secretary at sa halip ay idagdag ito para sa intel ng PCG.


Ayon naman kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang 10 milyong pisong pondo para sa ahensya na nagbabantay sa ating teritoryo at nakakaranas ng panggigipit ng China ay dapat paglaanan ng sapat na pondo.


Kaya hiling nito sa komite na madagdagan ang budget ng PCG ng 100 million para sa kanilang intelligence fund.





Itinutulak ng ilang kongresista na madagdagan ang pondo ng Philippine Coast Guard sa susunod na taon, partikular sa kanilang intelligence fund.


Sa budget briefing ng Department of Transportation na tumagal ng higit labintatlong oras, natanong ni Antipolo Rep. Romeo Acop Jr. si PCG Commandant Artemio Abu, kung magkano ang kanilang pondo apra sa intel fund lalo at bilang tanod-bayan sila ang naatasang magbantay sa ating mga katubigan—lalo na sa West Philippine Sea


Ayon kay Abu mula 2010, nanatili lang sa 10 million pesos ang kanilang intel fund.


Humingi aniya sila ng 144 million pesos para maipatupad ang atas sa kanila ng Pangulo na bantayan ang baybayin ng bansa, ngunit hindi napagbigyan.


Bunsod nito, inihirit ni Acop na bawasan ang pondo ng Office of the Secretary at sa halip ay idagdag ito para sa intel ng PCG.


Ayon naman kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang 10 milyong pisong pondo para sa ahensya na nagbabantay sa ating teritoryo at nakakaranas ng panggigipit ng China ay dapat paglaanan ng sapat na pondo.


Kaya hiling nito sa komite na madagdagan ang budget ng PCG ng 100 million para sa kanilang intelligence fund.


Kabuuang 24 billion ang panukalang pondo ng PCG sa susunod na taon. 


#wantta join us? sure, manure...