ALOK NG BANSANG PORTUGAL NA TUMULONG PARA MASUGPO ANG ASF SA BANSA, INIHAYAG NI SPEAKER ROMUALDEZ
Inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang alok na tulong ng bansang Portugal para tuluyang masugpo ng Pilipinas ang African Swine Flu o ASF.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ito ang mensahe sa kanya ng mag-courtesy call si Portuguese non-resident Ambassador to the Philippines Maria Cardoso.
Tinukoy din ni Romualdez ang pahayag ni Portougal honorary consul in Manila na si Ramon C. Garcia, Jr. na mayroong organisasyon ng pork producers sa Portugal ang nais ding magpadala ng mga eksperto sa Pilipinas para turuang sanayin ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry kung paano masusugpo ang ASF.
Nangako si Romualdez na i-endorso niya sa Malakanyang at sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang nabanggit na alok ng Portugal para sa atin upang matuldukan ang pagkalat ASF.
Binanggit ni Romualdez na ayon kay Ambassador Cardoso, may isang kompanya sa kanilang bansa ang handang magpadala ng mga eksperto para magtungo dito sa Pilipinas at tulungan tayong labanan ang ASF.
Sabi ni Romualdez, ibinida ni Ambassador Cardoso na ang Protugal ay isa sa dalawang bansa sa Europe na matagumpay na nakaresolba sa ASF.
Tinukoy ni Romualdez na base sa mga reports, nitong June 1 ay umaabot na sa 15 probinsya sa bansa ang may mga aktibong kaso ng ASF.