Thursday, April 11, 2024

Muling siniguro ni House Committee on Appropriations Vice Chair at Makati City Rep. Luis Campos Jr sa mga public utility vehicle o PUV drivers na mabibigyan sila ng tulong pinansyal ngayong taon sa harap ng mataas na presyo ng gasolina. 



Ayon kay Campos, P2.5-B ang inilaang pondo ng Kongreso para sa tulong pinansyal sa mga tsuper sa ilalim ng 2024 national budget  


Kabilang sa mga mabibigyan nito ang mga tricycle driver, ride hailing at delivery service drivers. 



Bukod pa aniya rito ang P510-M tulong pinansyal para naman sa mga maliliit na magsasaka na gumagamit ng langis para sa pagpapatakbo ng makina na gamit sa agrikultura. 



Matatandaang noong nakaraang taon, nakatanggap ng tig sampu ng libong pisong tulong  pinansyal ang mga modern jeepney at UV express drivers. 


 Habang P6, 500 naman ang ipinagkaloob sa iba pang pampublikong tsuper, P1200 ang natanggap ng delivery riders at P1000  sa mga tricycle driver.

wantta join us? sure, manure...

Malakas at malinaw na mensahe ng pagkakasundo ng mga bansa tungo sa pagtataguyod ng rules-based order ang hatid ng makasaysayang trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan.



Ito ang pananaw ni House Speaker Martin Romualdez bago ang inaabangang pulong ng tatlong leader sa Washington, D.C. na inaasahang sesentro sa pagpapatibay ng "ironclad" na alyansa ng mga bansa at pagsusulong ng magkabahaging interes at paggalang sa rules-based international order.


Sinabi ni Romualdez na hindi lamang ito magsisilbing makapangyarihang simbolo ng pagkakaisa kundi isang panawagan na pagtibayin ang commitment sa pagtalima sa international law na siyang haligi ng pangmatagalang kapayapaan, stability at kaunlaran.


Umaasa rin ang House leader na ang lumalawak na suporta ng international community sa mga panawagan sa lahat ng partido na sumunod sa rules-based order at freedom of navigation ay makatutulong sa pagpapahupa ng tensyon sa West Philippine Sea.


Paliwanag nito, mahalaga ang pagpapalamig sa sitwasyon sa WPS para sa mga ordinaryong Pilipinong mangingisda na ang hanapbuhay ay lubhang naapektuhan ng isyu sa seguridad lalo na sa Exclusive Economic Zone.


Bukod dito, nagsisilbi umanong critical hub ang WPS para sa global commerce kung saan tinatayang limang trilyong dolyar na halaga ng kalakal ang dumaraan taun-taon na katumbas ng 60 percent ng global maritime trade at mahigit 22 percent ng total global trade.


Dagdag pa ni Romualdez, nakabubuti ang malayang paglalayag ng mga bansa sa kalakalan, komunikasyon at regional security kaya tiwala ito na ang pulong nina Pangulong Bongbong Marcos, US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida ay magiging produktibo sa pagpapatibay ng kooperasyon at pagtatanggol sa karapatan.

wantta join us? sure, manure...

May ayuda na matatanggap ang mga public transport drivers para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.



Ayon kay Congressman Luis Campos Jr., vice chairman ng House Committee on Appropriations, 2.5-billion pesos ang inilaan sa 2024 national budget.


Ito ay sa pamamagitan ng direct fuel subsidy para sa mga driver ng mga public utility vehicles kabilang ang tricycle, ride hailing at delivery service drivers.


Sabi ni Campos, may bukod pang pondo na 510-million pesos para sa financial assistance ng mga magsasaka na gumagamit ng produktong petrolyo para sa kanilang agricultural machinery.


Noong nakaraang taon, ang mga modern jeepney at UV express drivers ay nakatanggap ng tig-10 thousand pesos.


Base sa datos ng Department of Energy, as of April 2, nasa kabuuang P8.20 ang itinaas na ng presyo ng gasolina at P4.50 sa diesel.


wantta join us? sure, manure...

Tiwala ang mga lider ng Kamara na mabebenepisyuhan ang ekonomiya ng Pilipinas sa nakatakdang trilateral summit nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Bongbong Marcos.


Ayon kay House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., inaasahan na magkakasundo ang tatlong lider para palawakin ang economic cooperation na magreresulta ng dagdag na trabaho sa ating mga kababayan.


Para kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, ang Amerika at Japan ang  pinakamalaking trading partners ng ating bansa.


Sa panig ni House Deputy Speaker David Suarez tulong sa sektor ng militar ang maaasahan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos at Japan na pinagkukunan natin ng pinakamalaking source ng Offical Development Assistance.


Bukod sa benepisyong pang-ekonomiya, sinabi ng tatlong lider ng Kamara, makatutulong ang meeting sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Indo-Pacific region.


Matatandaan, ang South China Sea ay isang mahalagang pandaigdigang ruta ng kalakalan.

wantta join us? sure, manure...

Suportado ni House Committee on Transportation Vice Chairperson at Quezon Representative Reynante Arrogancia ang isinusulong na pagpapalawak sa motorcycle taxi program sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Ayon kay Arrogancia, posibleng ito na ang solusyon sa mga suliranin at kakulangan sa transportasyon lalo na sa rural areas kung saan naiiba ang sitwasyon kumpara sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.


Kailangan lamang aniya ng wastong training at proteksyon, mahigpit na pagpapatupad ng helmet at batas-trapiko, driving history screening at nararapat na pasahe.


Ipinaliwanag ng kongresista na sa mga probinsya ay karaniwang tricycle at motorsiklo ang uri ng transportasyon dahil hindi abot-kaya para sa mga residente ang pagrenta o pagbili ng sasakyan.


Limitado rin umano ang access sa digital platforms para sa pagbo-book ng transport vehicle at maging ang ruta ng mga pampasaherong jeepney ay hindi sapat.


Dagdag pa ni Arrogancia, dapat magtakda ng panuntunan para sa lahat ng motorsiklo na ipatutupad ng local government units at Philippine National Police.


Kabilang na rito ang paglalagay ng specific reflectorized markings at stickers, pagtatakda ng curfew sa mga motorsiklo partikular sa highway at residential areas at paglalatag ng rational route plan.

wantta join us? sure, manure...

Mga lider ng Kamara umaasa sa benepisyong pang-ekonomiya mula sa Biden-Kishida-Marcos summit



Kumpiyansa ang mga lider ng Kamara de Representantes na magbebenepisyo ang ekonomiya ng Pilipinas sa nakatakdang trilateral summit bukas nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, at Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.


“We expect the three leaders to agree on expanded economic cooperation among their nations. The economic advantages this summit could produce for us Filipinos are potentially enormous,” ani Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr..


Ganito rin ang paniwala ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe.


“We have to remember that the US and Japan are among our country’s biggest trading partners,” punto ni Dalipe.


Para naman kay Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez tulong sa sektor ng militar at pinansyal ang maaasahan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos at Japan.


“These two allies of ours are our largest and most generous sources of official development assistance,” ani Suarez.


Bukod sa benepisyong pang-ekonomiya, sinabi nina Gonzales, Dalipe at Suarez na makatutulong din ang pagpupulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Indo-Pacific region.


“Presidents Biden and Marcos and Prime Minister Kishida will surely discuss peace and stability in the region, particularly in the West Philippine Sea,” sabi ng mga mambabatas sa isang pahayag.


Ipinunto ng mga mambabatas na ang South China Sea ay isang mahalagang pandaigdigang ruta ng kalakalan.


“The international community should ensure freedom of navigation and overflight there. Peace in this area will contribute to the economic development of the region,” dagdag pa ng mga lider ng Kamara. (END)

wantta join us? sure, manure...

Isinulong ni House Deputy Majority Leader at ACT -CIS partyist Rep. Erwin Tulfo na imbestigahan ng Kamara ang nangyaring pambubugbog sa 17-taong gulang na babae na taekwondo newbie sa kaniyang training sa Bocaue, Bulacan.


Ang hirit na pagsisiyasat ay nakaploob sa House Resolution No. 1670 na inihain ni Tulfo, kasama sina ACT-CIS partylist Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Cong. Eric Go Yap, at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendell Tulfo.


Ayon kay Tulfo ang kanilang hakbang ay alinsunod sa deriktiba ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos matanggap ang ulat na nagtamo ng mga pasa at sugat ang 17-anyos na yellow belter na babae matapos itong ipa-sparring ng kanyang coach sa isang lalaki na mas mataas sa kanya at black belter sa taekwondo.


Sabi ni Tulfo, layunin ng pagdinig ng Kamara na ma-review at ma- evaluate ang mga existing regulations, practices, and standards sa mga Taekwondo community.


Binanggit ni Tulfo na nais ding mabusisi ni Romualdez kung sino ba ang mga nagbabantay at tumitingin sa mga training sessions, hindi lamang sa Taekwondo kundi maging sa ibang sports tulad ng basketball, swimming, football, tennis, at iba pa. 


#######

wantta join us? sure, manure...

Iminungkahi ni Manila 3rd district representative Joel Chua sa PAGASA ang pagtatakda ng signal level sa inilalabas nitong heat index.


Ayon kay chua, katulad ng bagyo ay dapat mayroon ding katapat na signal number 1, 2, 3, at danger level ang heat index sa bansa.


Kaugnay nito ay iginiit ni Chua na dapat may katapat naman na aksyon ang mga lokal na pamahalaan sa bawat heat index level.


Napuna ni Chua na ang heat index na inilalabas ngayon ng PAGASA ay walang kaakibat na babala kung ano ang maaaring maging epekto at dapat na aksyon ng publiko at mga local government units.


Sabi ni Chua, makabubuting magpasa ng mga ordinansa o magpatupad ng mga patakaran ang bawat LGUs kaugnay sa hakbang para sa bawat heat index level upang maproteksyunan ang kanilang mamamayan.


#######


wantta join us? sure, manure...