Monday, June 05, 2023

ATTY. GIBO TEODORO, NINOMBRAHAN NI PBBM BILANG BAGONG DND SECRETARY

Ipinahayag ng Presidential Communications Office ang paghirang ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kay Atty. Gilbert “Gibo” Teodoro bilang kalihim ng tanggulang pambansa o secretary of national defense, alinsabay sa pagnombra kay Dr. Teodoro Herbosa bilang secretary of health.


Ang paghirang sa mga kalihim ay isinagawa matapos nakipag-pulong si PBBM kina Teodoro at Department of National Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez kahapon.


Matandaang si Teodoro ang humawak ng tanggulang pambansa bilang secretary noong termino pa ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. wantta join us? sure, manure...

KAHALAGAHAN NG MGA OFW, MULING KINILALA NI SPEAKER ROMUALDEZ

Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa.


Sinabi ni Speaker Romualdez sa  isang Filipino community sa Jeju, South Korea na ang kanilang mga pagsisikap at mga importanteng kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas ay tunay na kinikilala ng bansa, bagay na kanilang pinahahalagahan kung kaya’t sila ay nagkaroon ng mga pag-uusap.


Ayon sa lider ng Kamara, ang mga OFW ay mahalaga lalu na sa administrasyong Marcos Jr. na kinilala silang tunay na mga bayani ng Republika.


Sina Romualdez, Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at iba pang kongresista ay nasa South Korea upang dumalo sa 18th Jeju Forum na ginanap sa Jeju Island, Korea.


Nakausap ni Romualdez ang kaniyang counterpart na si South Korea National Assembly Speaker Kin Jin-pyo upang mas lalo pang mapagtibay ang ugnayan ng Pilipinas at South Korea. wantta join us? sure, manure...