PAGSASAGAWA NG COMPREHENSIVE STUDY UKOL SA MENTAL HEALTH NG MGA ESTUDYANTE, ISINUSULONG SA KAMARA
Iminungkahi sa pamahalaan ng isang mambabatas sa Kamara na magsagawa ito ng malalimang assessment at comprehensive study sa estado ng mental health ng mga estudyante.
Sa inihaing House Resolution 900 ni Deputy Speaker at Las PiƱas Congresswoman Camille Villar, pinaalalahanan nito ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang agad na kumilos kasunod ng ulat na tumaas ang suicide cases sa hanay ng mga mag-aaral sa kasagsagan ng pandemya.
Sinabi ng lady solon na kailangang magkaroon ng mga pag-aaral at bumuo ng mga hakbangin ang Department of Health, Department of Education at Philippine Statistics Authority kung paano masosolusyunan ang mga isyung pangkalusugan sa sektor ng edukasyon at maging sa overall population ng bansa.
Naniniwala si Villar na dapat madaliin ng pamahalaan ang pagtatatag ng dagdag na mental health units sa mga paaralan, ospital, at sa mga rural at urban areas.
Mahalaga din ani Villar na agarang magpatupad ng mga proactive effort upang mapagtuunan ng pansin ang kanilang mental health and well-being, maiwasan ang pagkakaroon ng mental health disorders, mapahusay ang kanilang overall mental health access at mabigyan sila ng therapy services sa mga paaralan at komunidad na makatutulong upang matuldukan ang mental health crisis na kinakaharap ng ating education sector.