Monday, November 13, 2023

Kamara pinagtibay resolusyon ng pasasalamat kay PBBM sa suporta nito sa kapulungan



Pinagtibay ng Kamara de Representantes noong Lunes ng hapon ang isang resolusyon na nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hindi matatawarang suporta nito sa kapulungan.


Ang House Resolution (HR) No. 1436 ay nagpapahayag ng pasasalamat kay Pang. Marcos sa pagsuporta nito upang magawa ng Kamara ang mga panukala na magpapalabas at magpapa-unlad sa bansa.


Ang resolusyon ay pangunahing inakda nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre. 


Ang iba pang may-akda ay sina Representatives Roberto V. Puno, Robert Ace S. Barbers, Michael John R. Duavit, Antonio T. Albano, Brian Raymund S. Yamsuan, Johnny Ty Pimentel, Albert S.Garcia, Tobias Reynald M. Tiangco, Jose S. Aquino II, Elizaldy S. Co, Luis Raymund F. Villafuerte Jr., at Eleandro Jesus Madrona.


Ayon sa mga may-akda simula nang manungkulan noong Hunyo 30, 2022, itinulak ni Pang. Marcos ang pangangailangang magkaisa at magsama-sama upang umunlad ang bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga polisiya na makapagpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino.


Sinabi ng mga may-akda na ang Kamara ay kaisa ni Pang. Marcos sa pagpasa ng mga batas na kinakailangan upang maging maganda ang kinabukasan ng Pilipinas.


“Through the unfailing guidance and decisive leadership of President Marcos, the House of Representatives triumphantly accomplished its sworn duty to enact vital legislative measures and pursue the President's socio-economic agenda and SONA priority measures, and instituted the needed reforms to boost the economy, create more jobs and livelihood opportunities, and improve the living conditions of the Filipinos,” sabi ng mga may-akda.


Sinabi ng mga mambabatas na marami ng nagawa ang Kamara sa kalahati ng termino nito partikular sa pagtaguyod ng mga prinsipyo ng integridad, pagiging lantad, at may pananagutang pamamahala, paghahangad ng malaking paglago ng ekonomiya, at pag-ahon sa mga Pilipino mula sa kahirapan.


Ang maayos at kahanga-hanga umanong relasyon ng Kamara kay Pang. Marcos ay nagbalik sa tiwala ng publiko at nagpaganda ng imahe ng Mababang Kapulungan.


“The House of Representatives recognizes President Marcos’s esteemed ability to steer and inspire this august chamber to move forward as a dynamic, efficient, and focused government arm upon which the entire Filipino nation rests its trust, hopes, and aspirations,” sabi pa ng mga may-akda.


Nanawagan din ang mga may-akda ng resolusyon sa iba pang institusyon na sumama sa kanilang pagsuporta sa liderato, mga programa, at direktiba ng Pangulo upang muling umangat ang Pilipinas.


Pinagtibay ng Kamara ang resolusyon dalawang araw bago ang nakatakdang pagdalo ni Pang. Marcos sa ika-30 Leaders’ Summit of the Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa San Francisco, California. (END) wantta join us? sure, manure...

MAGNA CARTA PARA SA MGA MANGGAGAWA SA PANAHON NG SAKUNA, INAPRUBAHAN AYON SA PRINSIPYO

 

Inaprubahan ngayong Lunes ng Sub-Committee on Disaster Response sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa ilalim ng Komite ng Disaster Resilience, ang substitute bill para sa mga panakulang lehislasyon sa Magna Carta para sa mga manggagawa sa pampublikong disaster risk reduction and management (DRRM), batay sa prinsipyo. 


Ito ang mga House Bills 3108, 4112, 4490, 5105, 5405, 5545, 5650, 6029, 6739, 7778, 8738 at 9073. 


Tinalakay ng sub-committee na pinamumunuan ni MALASAKIT@BAYANIHAN Rep. Anthony Rolando Golez Jr., ang mga pangunahing alalahanin sa DRRM, lalo na ang dagdag suweldo ng mga manggagawa sa DRRM, ang pagpapababa sa bilang ng mga contract of service (COS), ang pagsama ng plantilla items sa limitadong personnel services ng mga yunit ng lokal na pamahalaan (LGUs), at ang pagpapatibay ng mga mekanismo para sa pagsunod ng LGU, kasama ng mga parusa sa hindi pagsunod.  


Iminungkahi ni Rep. Golez ang pagtatatag ng mga pangkat ng DRRM na independyente sa Civil Service Commission (CSC) at sa mga alituntunin ng LGU. 


Ang responsibilidad ng mga pangkat ng DRRM na ito ay magmumula sa Office of the Civil Defense (OCD) ng bawat rehiyon. 


Ang isa pang alternatibong iminungkahi niya para sa OCD, sa pakikipagtulungan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na magtatag ng isang dedikadong tanggapan na mag-aalok ng pagsasanay, edukasyon, at mga tauhan para sa agarang pagtatalaga sa lahat ng rehiyon ng bansa.  


Inatasan ng sub-committee si OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, CESO IV, MNSA na suriin ang mga rekomendasyon upang pinuhin ang kapalit na panukala. 


Dumalo rin sa pagpupulong sina Parañaque City Rep. Gus Tambunting, Catanduanes Rep. Eulogio Rodriguez at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. wantta join us? sure, manure...

PBBM kinilala dedikasyon, kontribusyon ni Speaker Romualdez sa pag-unlad ng bansa



Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang huwarang pamumuno at dedikasyon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ang kanyang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.


Sa kanyang video birthday greeting na ipinalabas sa sesyon ng plenaryo, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi matatawaran ang serbisyong ibinibigay at pamumuno ni Speaker Romualdez para sa pag-unlad at pagkakaisa ng bansa.


“Thank you for all the good work that you have done in leading the House of Representatives and a very important one that the House of Representatives under your leadership has played in our effort of nation-building,” ani Pangulong Marcos na ang tinutukoy ay ang mataas na lebel ng kakayanan ni Speaker Romualdez para magkaroon ng kooperasyon at pagkakaisa ang kanyang mga kasama na nagresulta sa pag-abot ng layunin na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.


Sinabi ni Pang. Marcos na malaki ang ginampanang papel ni Speaker Romualdez sa paghubog ng mga polisiya at panukalang batas na nagkaroon ng positibong epekto sa sambayanang Pilipino.


“Let’s hope to keep that working relationship strong and vibrant. I look forward to the years to come where we can do even more good work together,” saad ng Pangulo na nagpasalamat sa pagsusumikap at pagsasakripisyo ni Speaker Romualdez para sa bansa.


“It is our turn to provide you with the treats on your birthday. Happy birthday Martin,” dagdag pa ni Pang. Marcos.


Si Speaker Romualdez ay magdiriwang ng kanyang ika-60 kaaawan sa Martes, Nobyembre 14.


Batay sa resulta ng survey ng Octa Research na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, nakakuha si Speaker Romualdez ng trust rating na 60%. Ito ay mas mataas ng 22% sa 38% na nakuha nito noong 2022.


Mas mataas din ito sa 54% na nakuha ni Speaker Romualdez sa survey noong Hulyo 2023.


Sa kaparehong survey, nakakuha si Speaker Romualdez ng 61% tumaas mula sa 44% na nakuha nito noong 2022.


Mas mataas din ito sa 55% na nakuha ni Speaker Romualdez sa survey noong Hulyo 2023.


Sa 17 panukala na binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA), isa ang naisabatas na, isa ang naratipika na ng bicameral conference committee, at walo ang naaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.


Sa 57 panukala na tinukoy na prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), walo ang naging batas. Kasama dito ang SIM Registration Act, pagpapaliban ng Barangay/SK Elections noong 2022; at Agrarian Reform Debts Condonation.


Dalawa naman ang naratipika na. Ito ang Ease of Paying Taxes at pag-amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT)/Public-Private Partnership (PPP) Code.


Natapos na ang Kamara ang 15 prayoridad ng LEDAC gaya ng Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) (Package 4), at National Disease Prevention Management Authority.


Noong Setyembre ay natapos na ng Kamara ang lahat ng 20 panukala na prayoridad na matapos ng LEDAC bago matapos ang taon. (END) wantta join us? sure, manure...

Nakapagpiyansa na si House Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin matapos ipaaresto ng Sandiganbayan dahil sa kasong graft at technical malversation.


Kaugnay ito sa umano'y maanomalyang pag-realign at augmentation ng pondo ng gobyerno para sa pagbabakuna ng Dengvaxia noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan nagsilbing Health Secretary si Garin.


108,000 pesos ang inilagak na piyansa ni Garin para sa pansamantalang kalayaan.


Sinabi ni Garin na bahagi ng proseso ng pagpapatunay ng pagiging inosente ang paglalagak ng piyansa.


Mahalagang hakbang aniya ito tungo sa pagsisiguro ng patas na paglilitis at pagprotekta sa karapatan ng isang indibidwal.


Umaasa rin ang kongresista na simula na ito ng paglilinis ng kanilang pangalan upang makabalik sa regular na gawain.


Muli namang pinanindigan ni Garin na nagkaroon ng measles at polio outbreak sa bansa dahil sa pagbaba ng kumpiyansa ng publiko sa bakuna. wantta join us? sure, manure...

DEDIKASYON NG MGA MANGGAGAWA NG KAPULUNGAN, PINURI NI SPEAKER ROMUALDEZ, MGA INISYATIBA INIHAYAG


Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Lunes ang mga opisyal, kawani at mga congressional staff sa kanilang kasipagan at dedikasyon sa trabaho. 


“We recognize that our greatest asset is not the walls that surround us nor the laws that we passed, but the people who work tirelessly to uphold the pillars of democracy,” aniya. 


Matapos siyang magtalumpati bilang tagapagsalita sa flag-raising ceremonies, muling ipinahayag ni Speaker Romualdez ang kanyang paninindigan na pangangalagaan at ipagtatanggol niya ang Kapulungan ng mga Kinatawan, at ibinahagi ang mga pagsisikap na hakbang para sa kapakanan at benepisyo ng mga manggagawa.


“As we gather here under our flag, I am reminded of the strength and unity this symbol represents, a unity mirrored in our collective efforts to improve our institution not just as a legislative body, but as a home for all of us who work here,” aniya. Iniulat ni Speaker ang mga kasalukuyang imprastraktura at kaunlaran ng mga pasilidad at proyekto sa loob ng HRep Complex. 


Dumalo rin sa okasyon sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker Antonio “Tonypet” Albano, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Committee on Accounts Chairperson Rep. Yedda Marie Romualdez, Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, Maguindanao del Norte Rep. Bai Dimple Mastura, Bulacan Rep. Salvador Pleyto, Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma, at Southern Leyte Rep. Christopherson “Coco” Yap. wantta join us? sure, manure...

Biyahe ni PBBM sa APEC may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas



Inaasahan ni Occidental Mindoro Lone District Rep. Leody "Odie" Tarriela na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa ang biyahe ng Pangulong  Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. pa Estados Unidos para dumalo sa taunang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit.


Kasama sa tatalakayin ng Pangulo sa naturang pulong ang mga isyung pang-ekonomiya at seguridad kasama ang 21 miyembro ng APEC, kasama ang Estados Unidos at iba pang kaalyado gaya ng Japan, Australia, Canada, South Korea, and New Zealand.


“The economic benefits our country could derive from the President’s APEC meetings and bilateral discussions are enormous. They could help us sustain our economic growth in the days ahead,” sabi ni Tarriela.


Dagdag pa nito na karamihan sa pinakamalalaking export at import partner ng Pilipinas ay miyembro ng APEC.


“Our economy grew by 5.9 percent in the third quarter of this year. We hope to do better in the succeeding quarters with investments and financial and economic assistance from our APEC friends and allies,” diin ni Tarriela.


Ang ika-30 APEC Leaders’ Summit ay gaganapin sa San Francisco, California mula Nobyembre 15 hanggang 17. Ang Estados Unidos ang host ng pagtitipon ngayong taon.


Ito ang ikalawang APEC meeting na dadaluhan ng Pang. Marcos Jr. ang una ay noong nakaraang taon sa Thailand.


Makikipagpulong din si Pang. Marcos sa mga lider ng negosyo at miyembro ng Filipino community.


Bibisitahin din niya ang Daniel Inouye Asia-Pacific Center for security studies at ang Indo-Pacific Command headquarters ng US armed forces sa Hawaii matapos maimbitahan.


Inaasahan na magbabalik bansa ang Chief executive sa bansa sa Nobyembre 20.


Ayon kay Tarriela maaaring samantalahin ng Presidente ang usaping pangseguridad at tensyon sa West Philippine Sea sa kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng United States, Canada, Australia, and Japan.


Kasunod na rin ito ng pinakahuling insidente ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa sibilyang bangka ng Pilipinas na magdadala ng supply sa mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal.


Una nang kinondena ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang insidente na isa aniyang akto ng karahasan at hinikayat ang China na itigil na ang mga ganitong gawain.


Nanawagan din ito sa China na kilalanin ang 2016 Hague Ruling kung saan ibinabasura ang pang-a-angkin ng China sa halos buong South China Sea kabilang ang 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas.


“Ayungin Shoal is clearly part of our country’s territory under international law, being just 115 miles from Palawan. It is more than 1,000 miles from the nearest Chinese island. Panatag Shoal, about 120 miles from Pangasinan and Zambales, is also ours,” sabi ni Romualdez (END) wantta join us? sure, manure...

Pagdalo ni PBBM sa APEC 2023 nangangahulugan ng dagdag pamumuhunan sa PH— DS Balindong



Kumpiyansa ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang gagawing pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' Meeting ay magreresulta sa dagdag na pamumuhunan sa bansa.


Ayon sa bagong talagang Deputy Speaker na si Lanao del Sur 2nd District Rep. Yasser Alonto Balindong dadalo sa pagpupulong na gaganapin sa San Francisco, California, USA mula Nobyembre 15 hanggang 17 ang mga malalaking bansa gaya ng Japan, Singapore, Australia, New Zealand, Canada, Korea at marami pang iba.


“I bid President Marcos Jr. good fortunes when he attends the APEC summit this coming week. He is in an ideal position to bring in more pledges for foreign investments. Since he began his term as Chief Executive in 2022, he has already brought billions of dollars in investment pledges,” ani Balindong na siya ring concurrent chair ng House Committee on Mindanao Affairs.


Sinabi ni Balindong na ang pagpunta ni Pangulong Marcos ay palaging naglalayong humimok ng dagdag na dayuhang pamumuhunan na magpapabilis sa pag-unlad ng bansa.


“I encourage my colleagues to support President Marcos Jr. in his endeavor to propel our economy to great heights by passing priority legislation that will make the investment climate in the country more conducive and attractive to foreign investors,” sabi ni Balindong.


Ang APEC ay itinayo noong 1989 bilang isang regional economic forum para sa pagtutulungan ng mga basa sa Asya Pasipiko. Sumili ang Pilipinas sa APEC noong Nobyembre 1989, at mayroon na ito ngayong 21 kasapi.


“They call members of the APEC ‘economies’ because the discussions in this forum are predominantly about economy and trade relations. We do hope and pray that President Marcos Jr. will be able to bring home more investments that will help our economy and our people,” sabi pa ni Balindong.


Lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.9% sa ikatlong quarter ng 2023, ang pinakamalaki sa Asya at tinalo pa ang Vietnam, Indonesia at maging ang China.


Umabot din sa P1.4 trilyon ang naaprubahang pamumuhunan sa Pilipinas mula ng manungkulan si Pangulong Marcos noong Hulyo 2022. Matatandaan na nagsagawa ng investment at trade mission sa iba’t ibang bansa ang Pangulo para makaakit ng mamumuhunan sa bansa.


“And President Marcos Jr.’s efforts are now paying off. At hindi tumitigil ang ating Pangulo. Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng foreign investments para sa ating bansa,” dagdag pa ni Balindong. END wantta join us? sure, manure...

IRR ng Maharlika Fund, isang makasaysayang pag-unlad sa financial landscape ng Pilipinas--House banking panel chief


Pinuri ng chairman ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang pinal na bersyon ng implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) na magbibigay ng otonomiya sa korporasyon na mamamahala rito.


Ayon kay Manila 5th District Rep. Irwin Tieng ang mas pinagandang probisyon ng IRR na magbibigay kalayaan sa Maharlika Investment Corporation (MIC) Board of Directors sa pangangasiwa ng MIF ay isang mahalagang pagbabago sa financial landscape ng Pilipinas.


"We are delighted to witness the culmination of efforts to fortify the MIC through enacting comprehensive and empowering rules," sabi ni Tieng na siyang nag-sponsor ng panukala sa Kamara de Representantes. "The strengthened independence of the Board of Directors is fundamental in ensuring prudent and effective decision-making, safeguarding the corporation's integrity and promoting financial stability."


Ayon kay Tieng, ang bagong IRR ay isang mahalagang hakbang para maisulong ang kabuuan ng MIF at matiyak ang pagkakaroon nito ng transparency, accountability at maayos na pagdedesisyon.


“This move aligns with the ongoing commitment to foster a resilient and progressive financial environment, reinforcing trust and confidence among stakeholders and investors,” punto ni Tieng


Nagpasalamat din si Tieng kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa lahat ng stakeholders, regulatory bodies, at expert sa industriya na pinagsama-sama ang kaalaman upang mabuo ang metikulosong panuntunan.


Kumpiyansa ang mambabatas sa positibong epekto ng naturang regulasyon sa pagpapaunlad ng financial landscape, pag-unlad ng ekonomiya at pag-hikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas.


Kasabay nito ay nagpaalala si Tieng ng patuloy na pagbabantay at adaptability o kakayanan na makasabay sa mga pagbabago sa usaping pinansyal ang bansa.


“Sustained collaboration and dedication are key to maintaining the integrity and stability of financial institutions, ultimately for the well-being of the Filipino populace,” diin ni Tieng.


“This highlights the need for consistent efforts in safeguarding financial systems and ensuring they serve the people effectively,” dagdag pa nito. ##wantta join us? sure, manure...