Tuesday, February 20, 2024

Milks Committee of the whole posibleng ipatawag para mapabilis ang pagpapatibay sa RBH 7 …



Malamang magpatawag ng Committee of the Whole para mapabilis ang pagpapatibay ng Resolution of Both Houses no. 7.


Ito ang pinalutang ng mga lider ng Kamara nang isinumite ang RBH7 na akda nina House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, House Deputy Speaker Jayjay Suarez at House Majority Leader Manuel Dalipe.


Ayon kay Congressman Robert Ace Barbers, makabubuti na magpatawag ng Committee of the Whole para maalis ang mga agam-agam at walang naghihinala na may ipapasok na political amendments.


Nilinaw ni House Majority Leader Manuel Dalipe, parehong-pareho ang nilalaman ng RBH7 ng Kamara sa posisyon ng Senado.


Pakinggan natin si House Majority Leader Manuel Dalipe…


Out cue:


Sa RBH7, aamyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution na kinabibilangan ng articles 12, 14 at 16.


Ang naturang resolusyon ay halos kapareho ng bersiyon ng Senado sa isyu ng ownership of franchise (60-40)…edukasyon (60-40) at advertising industry (70-30).


Ang porma ay sa pamamagitan ng Constituent Assembly at ipatutupad ang separate voting na iginigiit ng Senado.

wantta join us? sure, manure...

Marian/House

Naniniwala si Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na sa paghahain ng Resolution of Both Houses No. 7 sa Mababang Kapulungan para sa pag-amyenda ng economic provision ay maisasantabi na ang pangamba ng mga Senador sa usaping maisingit ang political amendments sa Konstitusyon.


Ang paghahain ng resolusyon ay sa pangunguna ni Senior Deputy Aurelio Gonzales, House Minority Leader Manuel Jose Dalip at Deputy Speaker David Suarez.


Sa isinagawang press conference, sinabi ng mga mambabatas na ang RBH no. 7 ay walang ipinagkaiba sa RBH n. 6 version ng Senado ni Senate President Juan Miguel Zubiri.


Ang resolusyon ay inaasahang tatalakayin ng Kamara bilang Committee of the Whole upang mas malawak na matalakay ang pag-amyenda sa economic provisions ng Salitang Batas ayon pa kay Barbers -isa sa co-author ng RBH no. 7.


wantta join us? sure, manure...

Marian/House

Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang ginagawang pagbubutas sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal.


Panawagan pa ng mambabatas ang pangangailangan sa higit pang pangangalaga sa mga itinalaga bilang protective area mula sa higit pang pinsala.


Gitt pa ni Castro na ang paghuhukay sa loob ng Masungi Karst Conservation Area sa planong pagtatayo ng wind energy farm ay magdudulot ng malaking banta sa kapaligiran, at pagpapalagay sa panganib ng lokal na mga uri ng ibon at paniki at sa ecosystem. 


Binigyan diin pa ng mambabatas ang kahalagahan ng pagpapanatili ng umiiral na pangangalaga sa lugar at tiyakin na hindi lalabag ang industrial projects sa ecological zones tulad ng Masungi Georeserve. 


Panawagan pa ni Castro ang kagyat na pagpapahinto at paglilipat ng proyekto ng Rizal Wind Energy Corp. (RWEC) na maaring maging sanhi ng malawakang pagbaha tulad ng nararanasan ngayon sa Mindanao. Hiling din ng mambabatas sa pamahalaan na bawiin ang pagpapahintulot sa wind energy project sa loob ng pinangangalagaang lugar.


Dagdag pa ng kongresista ang kahilingan sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa proyekto na magdudulot ng pinsala sa lugar na libong taon pa ang bibilangin bago muling maibalik sa dating anyo.

wantta join us? sure, manure...

ISINUSULONG NA COMMON GROUND SA EKONOMIYA NG CHA-CHA SA PAGITAN NG SENATE AT HOUSE, OKAY SA MGA MAMBABATAS


Nagpahayag ng kasiyahan ang mga mambabatas na ang Kamara at Senado ay nagkasundo sa isang common ground para sa hakbang hinggil sa mga probisyon sa pag-amyenda sa 1987 Konstitusyon, matapos na ihain sa Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na kahalintulad ng RBH 6 na inihain sa Senado. Ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, ito ang pinakamalaking kahalagahan ng pinakahuling hakbang. “If we really look at it, the House and the Senate have found the middle ground, have found the common ground for future actions on what to amend. We’ve agreed on what the Senate has actually proposed and the House is also doing parallel efforts to go through the process of approving the same version,” aniya. Sinabi ni Acidre na malaki ang kanyang tiwala na gagawin ng pamunuan ng Senado sa abot ng kanilang makakaya, upang mahikayat ang mga senador na ipasa ang RBH 6. “To be honest, I’m a little bit more optimistic with the process in the Senate because the Senate version is actually authored by the leadership of the Senate. It was authored by the Senate President, by the Senate majority leader, by the pro-tempore, and of course the chairperson of the sub-committee. I’m sure that they will do a much better job than us here in Congress in convincing their colleagues,” aniya. Sinabi rin ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte Jr. na dapat ay magkaroon ng maigting na talakayan kung papaano magkakasundo ang Kamara at Senado sa naturang ground. “I think that’s the best in the bicameral Congress. You know, these three provisions originated from them. So, I think when they proposed these three amendments, I know for a fact na pinag-aralan at pinag-isipan na nila ito. So I think if they delay it further, you know, dapat tanungin ng tao bakit gusto i-delay, di ba?,” aniya. Ang RBH 7 ay kahalintulad ng RBH 6 ng Senado, na nagpapanukala ng mga amyenda sa mga Articles XII, XIV at XVI, na nakatuon sa pambansang patrimonya, ekonomiya, edukasyon at pangkalahatang mga probisyon ng charter. Ayon kay Majority Leader Manuel Jose Dalipe, binabanggit sa RBH 7 ang usapin ng constituent assembly upang matiyak na ang mga probisyong pang-ekonomiya na isinusulong ng Senado lamang ang tatalakayin. Inaasahan rin ang ‘committee of the whole’ upang mapabilis ang proseso ng pag-amyenda sa mga mahihigpit na mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon. Binigyang-diin ni Villafuerte na dapat ay magkaroon ng ganap na talakayan sa panukalang pagbabago, upang ganap na maunawaan ng mga mamamayan ang pangangailangan sa pag-amyenda sa Konstitusyon. Bukod pa rito, sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Ty na walang dapat na ikabahala sa pagbabago ng mga usapin sa ekonomiya ng Konstitusyon,  at iginiit na ang ibang mga bansa ay regular na inaamyendahan ang kanilang konstitusyon. Binanggit niya ang naunang pahayag ni Palawan Rep. Jose Alvarez na tatlo sa 343 Korean businessmen ang namuhunan sa bansa noong 2023, na ang 340 ay namuhunan sa mga kalapit na bansa, partikular na sa Vietnam.

wantta join us? sure, manure...

Hajji 

Pinasususpinde ni Marikina City Representative Stella Quimbo ang premium contributions ng lahat ng minimum wage earners sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.


Batay sa House Resolution 1595 na inihain ni Quimbo, nais nitong ipagamit ang pondong hindi nagastos na inilaan sa PhilHealth para sa premium subsidies upang pagaanin ang sitwasyon ng vulnerable workers.


Kasama sa minimum wage earners ang employed at self-employed Filipinos.


Layon ng resolusyon na i-reassess ang benefit packages at premium contribution rates ng PhilHealth alinsunod sa Universal Healthcare Law.


Hindi lamang umano short-term economic relief ang idudulot ng suspensyon kundi maisasalang din sa comprehensive review ang benefits at contribution structure.


Ayon kay Quimbo, noong 2022 ay naglaan ang Kongreso ng walumpung bilyong piso para i-subsidize ang premiums ng mahihirap na pamilya, senior citizens at persons with disabilities sa PhilHealth.


Ngunit iniulat aniya ng Philhealth na nabigo itong gastusin ang 24 billion pesos mula sa naturang pondo habang noong nakaraang taon ay 39 billion pesos ang hindi nagamit mula sa 79 billion pesos na premium subsidy.


Paliwanag ng kongresista, kayang tustusan ng hindi nagamit na pondo ang premium contributions ng minimum wage earners sa loob ng isang taon nang hindi nakokompromiso ang financial stability ng PhilHealth lalo't noong 2022 ay 19.6 billion pesos lamang ang premium contribution.

wantta join us? sure, manure...