Tuesday, November 21, 2023

Tingog partylist, agad sumaklolo para magbigay ng tulong sa mga binahang residente ng Northern Samar


Bente kuwatro oras na nagta-trabaho ang Tingog Partylist, katuwang ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, upang makapagbigay ng  emergency relief assistance sa libong pamilya na apektado ng malawakang pagbaha sa Northern Samar.


Nalubong sa baha ang ilang komunidad sa baybayin ng probinsiya dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng low pressure area at shear line nitong Martes, Nobyembre 21. 


Batay sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 22,000 na indibidwal mula sa munisipalidad ng Maslog, Arteche, Jipapad, Dolores at Maydolong ang apektado ng pagbaha.


Nitong Martes, nasa 1,838 naman ang naitalang lumikas.


"We are deeply saddened by the damage caused by this natural calamity. We urgently need to get aid to affected families who lost their homes and livelihoods," sabi ni Tingog Partylist Rep. Yedda K. Romualdez.


Nakikipag-ugnayan ang Tingog Partylist sa tanggapan ng Speaker at kanilang district office sa Eastern Visayas upang ihanda ang libu-libong family food packs na naglalaman ng grocery items, inuming tubig, at hygiene kits. 


Ang unang batch ay ipinadala na Martes ng hapon at inaasahang masusundan pa. 


"Tingog Partylist will continue to monitor the situation in Northern Samar and Eastern Samar. Our office in Tacloban City is on standby to extend all necessary assistance to victims of this flooding," dagdag ni Rep. Jude Acidre. "We hope these relief supplies will help families get back on their feet." wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez ikinatuwa pagbaba ng bilang ng mahirap na pamilya



Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbaba ng bilang ng mga pamilyang Pilipino na ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap at nakaranas na walang makain sa nakalipas na tatlong buwan.


Ayon kay Speaker Romualdez ang resulta ng survey ay nagpapakita na epektibo ang mga programa ng administrasyong Marcos laban sa kahirapan at kagutuman.


“We should all welcome and be happy about this piece of good news.  It means that the intervention programs of President Ferdinand Marcos Jr., supported by the legislature, principally the House of Representatives, are working,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


Sinabi ni Speaker Romualdez na dapat ituloy ng administrasyon at mga miyembro ng Kongreso ang mga programa, proyekto, at aktibidad na nakakatulong upang mabawasan ang mga mahihirap at nagugutom na mga Pilipino.


“We are committed to do all we can to improve the situation and make life better for our people,” saad ng lider ng Kamara.


Naniniwala si Speaker Romualdez na nakatulong ang mga hakbang na ginawa ng gobyerno sa pagbaba ng bilang ng mga pamilya na nagsabi na sila ay mahirap. Batay sa SWS survey ang bilang ng mga pamilya na nagsabi na sila ay mahirap ay bumaba sa 4.3 porsyento sa ikatlong quarter mula sa 5.9 porsyento noong ikalawang quarter.


“I believe that the improvement in the poverty numbers reflect the trickle-down effect of economic expansion, though we often say growth is not tangibly felt by our people. But somehow, they benefitted from it, because growth means more economic activities and additional income and job opportunities for our people,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


“The decision of President Marcos to put a price cap on rice and his campaign against price manipulation, profiteering, hoarding, and smuggling of agricultural products stabilized the prices of basic staples,” giit pa ng lider ng Kamara.


Sinabi ni Speaker Romualdez na tinulungan ng Kamara ang kampanya ng Pangulo sa pamamagitan ng paggamit ng oversight power nito upang mabantayan ang presyo ng pagkain at nagrekomenda ng solusyon laban sa mga mapagsamantalang negosyante.


Inilungsad din ni Speaker Romualdez ang programang CARD (Cash Assistance and Rice Distribution), upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya.


Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagbigay ng ayuda ang CARD teams sa mga benepisyaryo sa Metro Manila. Laguna, Biliran, Davao de Oro, Leyte, Camarines Sur, at Ilocos Norte. 


“Nabuo ang programang ito bilang sagot sa hamon ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na tumulong kung paano mabibigyan ng mura at magandang klase ng bigas ang ating mga komunidad,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Ang CARD ay inilungsad sa 33 distrito sa Metro Manila at bawat distrito ay mayroong 10,000 benepisyaryo na nakatanggap ng hindi bababa sa P2,000 ayuda kasama ang 25 kilong bigas.


Target ng CARD na mabigyan ng tulong ang libu-libong Pilipino sa lahat ng distrito sa bansa.


Ayon sa survey ng OCTA Research, 12.1 milyong Pilipino ang nagsabi na sila ay mahirap, bumaba mula sa 13.2 milyon sa survey noong ikalawang quarter ng taon.


Nangangahulugan na mayroong 1.1 milyong pamilya na nakaranas ng pagginhawa sa kanilang buhay, ayon sa OCTA.


Sa survey naman ng Social Weather Stations, 9.8 porsyento ang nagsabi na naranasan nila na walang makain sa nakalipas na tatlong buwan, bumaba mula sa 10.4 porsyento.


Bumaba rin ang bilang ng mga nakaranas na walang makain mula sa hanay ng mga nagsabi na sila ay mahirap. Mula 10.8 porsyento noong Hunyo ay bumaba ito sa 7.7 porsyento sa survey noong Setyembre. (END) wantta join us? sure, manure...

Kamara, MMDA, may libreng sakay sa mga commuter


Nagsanib-pwersa ang Kamara de Representantes at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapakalat ng “rescue vehicles” para makapagbigay ng libreng sakay sa mga pasahero na apektado ng tigil-pasada sa Metro Manila.


“The House of the People is always working in collaboration with the Marcos government through the MMDA to alleviate the inconvenience caused to commuters by the transport strike. We have taken this joint initiative to ensure that stranded commuters have available rides to their work or home,” ani Speaker Romualdez matapos magpadala ng limang bus ang kaniyang tanggapan sa MMDA


“During this period of strike, I commend MMDA acting chair Artes for working with us in ensuring the continued accessibility of reliable public transportation services,” saad ni Speaker Romualdez.


Ayon kay Artes ang MMDA at Kamara ay nagpabiyahe ng limang bus nitong Lunes bilang dagdag na masasakyan ng mga apektadong pasahero.


“The MMDA, in partnership with the House of Representatives and other local government agencies, ensures the immediate dispatch of free ride services to help our commuting public. We thank the leadership of Speaker Romualdez for responding and helping our objective that commuters would not suffer from this transport strike,” ani Artes


Ayon kay Artes ang mga bus ay may rutang SUCAT-Baclaran, Pasig-Momumento-Quiapo, Philcoa-Doña carmen, Parañaque City to City Hall, t Antipolo-Quiapo. 


Nagkasa ng tatlong araw na tigil-pasada ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) bilang protesta sa Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP). (END) wantta join us? sure, manure...

MGA PANUKALANG BATAS HINGGIL SA PRIVATE BASIC EDUCATION VOUCHER PROGRAM, AT KAKULANGAN SA SILID ARALAN – INAPRUBAHAN NG KOMITE 


Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Basic Education at Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo, ang substitute bill na nagtatatag ng Private Basic Education Voucher Program. 


Ipapawalang bisa ng panukala ang ilang bahagi ng Republic Act No. 6728, na sinusugan ng "Expanded Government Assistance to Students and Teachers In Private Education Act" (Republic Act [RA] No. 8545). 


Sa ilalim ng panukalang Basic Education Voucher Program, magbibigay ang pamahalaan ng vouchers sa mga kinikilalang pribadong mababang paaralan para sa mga mag-aaral sa kindergarten, elementary, at secondary. 


Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang magtatakda ng halaga ng mga voucher. 


Ang kabuuang halaga ay hindi bababa sa halaga na kasalukuyang ibinibigay ng DepEd. 


Ang voucher assistance para sa mga estudyante ay ibabatay sa tuition at iba pang bayarin na sinisingil ng mga paaralan, at sa socio-economic na pangangailangan ng bawat estudyante. 


Ang mga mag aaral na mahina at mahihirap, o ang mga kabilang na nasa ibaba una hanggang ikalimang antas ng kita, ayon sa pagpapasiya ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay dapat unahin sa programa. Ang mga prayoridad na mag-aaral ay makakatanggap ng mas mataas na halaga ng voucher. 


Lilikha ng Bureau of Private Education (BPE) sa ilalim ng DepEd, upang magsilbing focal office para sa administrasyon, pangangasiwa, at regulasyon ng lahat ng bagay na may kaugnayan sa mga pribadong institusyon ng basic education, kabilang ang tulong at subsidyo ng gobyerno. 


Pinalitan ng panukalang batas ang mga House Bills 928, 1723, 5589, 1585, at 7666, na ini-akda nina Rep. Romulo, Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez, Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Maguindanao del Norte Rep. Bai Dimple Mastura, Calamba City Rep. Charisse Ann Hernandez, Bulacan Rep. Salvador Pleyto,  Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, Jr., Southern Leyte Rep. Christopherson Yap, Davao del Sur Rep. John Tracy Cagas, Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo, at Cavite Rep. Ramon Jolo Revilla III. 


Inaprubahan din ng Komite ang HB 3174, na layong bigyang katuwiran ang paglalaan ng badyet ng Kagawaran ng Edukasyon para sa capital outlay, upang matugunan ang paulit ulit na problema sa kakulangan ng silid aralan lalo na sa mga pampublikong paaralan. 


Ang panukalang batas na ini-akda nina Deputy Speaker (DS) at Batangas Rep. Ralph Recto ay aamyendahan para sa layunin ang Republic Act 7880, o ang Fair and Equitable Access to Education Act. 


Inaprubahan din ng Komite na pagsama-samahin ang mga HBs 548, 715, 1201, 2481, 2681, at 4026, sa isang substitute bill. Ang kapalit na panukala ay layong isa-ayos ang laki ng klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan at ang paglalaan ng angkop na pondo para dito. 


Sina ACT TEACHERS Party-list Rep. France Castro, Rizal Rep. Emigdio Tanjuatco III, Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas, Manila Teachers Party-list Rep. Virgilio Lacson, Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, at Camarines Sur Rep. Luis Raymund 'LRay' Villafuerte, Jr., ang mga may-akda ng mga panukala, ayon sa pagkakasunod. wantta join us? sure, manure...

Walang nakikita ang Department of Energy o DOE na “power outages” sa panahon ng tag-init sa 2024, sa kabila ng El Niño phenomenon.


Sa pagdinig ng House Committee on Climate Change, sinabi ni Mark Christian Marollano na Supervising Science Research Specialist ng DOE na batay sa kanilang projection --- wala silang nakikita na “shortfall” o kakulangan sa kuryente sakaling ma-extend ang El Nino sa susunod na taon.


Ani Marollano, may sapat na reserba mula sa power plants, kaya ang “reserve level” sa Luzon Grid pati sa Visayas at Mindanao ay nasa normal na kondisyon.


Sinigurado naman ni Marollano na ginagawa ng Kagawaran ang lahat upang maiwasan o mabawasan ang problema sa kuryente na maaari pa ring sumulpot sa panahon ng El Nino.


Kabilang aniya sa “key interventions” ay pagtitiyak na sapat ang supply ng kuryente; makukumpleto ang power generation and transmission projects; mayroong emergency back-up systems; at iba pa.


Isinusulong din ng DOE ang “energy conservation” o pagtitipid ng kuryente. wantta join us? sure, manure...

Isinusulong ni dating Health Sec. at ngayo’y Iloilo 1st district Rep. Janette Garin na mapagkalooban ng mas malawak na tulong ay ang mga bulag, pipi at bingi, pati ang mga mayroong down syndrome sa ating bansa.


Sa isang pahayag, sinabi ni Garin na uubrang mag-alok ng serbisyo at ayuda para sa mga nabanggit sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair o BPSF na proyekto ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


Katwiran ni Garin, nararapat lamang na bigyan ng dagdag na tulong ang ating mga kababayan na may kapansanan, lalo na sa gitna ng hirap ng buhay.


Layon ng BPSF na mailapit sa mga Pilipino lalo na sa mga mahihirap ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno.


Mayroon din ditong Kadiwa ng Pangulo, kung saan makakabili ng mga murang bigas, gulay, at iba pang produkto.


Ayon kay Garin, sana ay maipatupad ang BPSF sa buong bansa upang mas maraming kababayan natin ang matulungan, at makakuha ng serbisyo. wantta join us? sure, manure...

Ang pagkaka-aresto sa isang large-scale onion smuggler ay patunay ng determinasyon ng administrasyong Marcos Jr. na tuldukan ang smuggling ng mga produktong agrikultural sa ating bansa.


Ito ang sinabi ni House Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol PL Rep. Elizaldy Co.


Aniya, ang pagkakahuli kay Jayson de Roxas Taculog ay nagpapakita ng “commitment” ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na maresolba ang smuggling.


Sinabi ni Co na matapang na inihayag ni Pres. Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA na bilang na ang mga araw ng agri smugglers, at sa ngayon ay natutupad na ito.


Giit ni Co, hindi lamang tinatamaan ng smuggling ang mga buwis, kundi pinapahina ang sektor ng agrikultura at nagpapalugi sa mga magsasaka.


Batay sa ulat, si Taculog ay inisyuhan ng arrest warrant ni Manila Regional Trial Court Branch 26 Judge Edilu Hayag. Matapos na matimbog ay nasabat ang nasa P78.9 million na halaga ng ilegal na imported agri products na naka-consign sa Taculog J International Consumer Goods Trading.


Kasabay nito, tiwala si Co na kapag naging ganap na batas ang House Bill 9284 o panukalang ituring ang smuggling ng mga produktong agrikutural bilang “economic sabotage” --- mas maraming masasampolan at makukulong. wantta join us? sure, manure...

Hindi mapag-iiwanan ang maliliit na mangingisda sa isinusulong na pagtatatag ng "blue economic zone" na poprotekta sa coastal at marine ecosystems at resources ng bansa.


Ito ang tiniyak ni Tarlac Representative Christian Yap sa pagdinig ng House Ways and Means Committee ukol sa substitute bill na bubuo ng framework para sa blue economy.


Sa ilalim nito ay itataguyod ang transformation ng umiiral na special economic zones kung saan nabibilang ang mga ocean-based at ocean-related activities upang makinabang sa pribilehiyo, benepisyo at iba pang exemptions na ipinagkakaloob sa economic zones at freeports.


Nangangamba kasi si House Deputy Minority Leader na maapektuhan ang hanapbuhay ng mga mangingisda samantalang bibigyan ng insentibo ang mga korporasyon na magtatayo ng pasilidad sa itatalagang blue economic zones.


Sinabi ni Yap na matutulungan ang mga mangingisda lalo na kung uusbong ang post-processing facilities sa anchoring industry na lilikha ng maraming trabaho para sa kanilang pamilya.   


Mas malaki rin aniya ang kikitain dahil ang mga huling isda ay maaaring iproseso, maimbak at ma-export mula sa economic zone.


Punto pa ni Castro, dapat siguruhing hindi masisira ang mga likas na yaman at walang ipatutupad na "no sail zone" para sa mga mangingisda.


Sagot ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, malinaw na nakasaad at iginigiit sa panukala ang "equitable and safe development" at ligtas na paggamit ng marine wealth at resources. wantta join us? sure, manure...

Nais ni House Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar na maging libre ang “freight (freyt) services” o paghahatid ng relief goods sa mga lugar na tinamaan ng lindol at iba pang kalamidad, at nasa ilalim ng “state of calamity.” 


Sa paghahain ng kanyang House Bill 9345 o Free Transportation of Relief Goods Act --- ipinunto ni Villar na isang “humanitarian act” kung gagawin nang libre ang transportasyon ng relief items at iba pang uri ng donasyon. 


Naniniwala ang lider ng Kamara na palalakasin din nito ang “bayanihan” sa mga Pilipino. 


Ani Villar, sa panahon ng sakuna ay mahalagang magtulungan ang pamahalaan at ang pribadong sektor upang matiyak na mabilis na makararating ang relief goods sa mga pamilya o indibidwal na biktima ng kalamidad --- ito man ay bagyo, baha, lindol o pagsabog ng bulkan. 


Dagdag ni Villar, importante ang kolektibong aksyon na hindi lamang makapagsasagip ng buhay, kundi makakatulong sa pagbangon ng mga nasalanta. 


Sa ilalim ng panukala ni Villar --- atasan ang Office of the Civil Defense, National Disaster Risk Reduction and Management Council, at Department of Transportation, katuwang ang Philippine Postal Corporation at iba pang kumpanya o forwarder, common carrier, at katulad na tukuyin ang mga relief organization na magpapadala ng relief goods at iba pang donasyon. 


Dapat ay walang bayad ang mga serbisyo at iba pang bayarin na karaniwang ipinapasa sa customers. 


Ang NDRRMC ay magbibigay-seguridad at tututok sa traffic management assistance sa relief operations, habang ang attached agencies ng DOTr ang magpapatupad ng batas. wantta join us? sure, manure...

Umaasa si General Santos City lone district Rep. Loreto Acharon na tuluyan nang maisabatas ang panukala para magtayo ng evacuation centers sa buong bansa.


Kasunod ito ng pagtama ng 6.8 magnitude na lindol sa Southern Mindanao noong November 17.


Batay sa PHIVOLCS naitala ang Intensity 8 o lakas ng pagyanig sa General Santos City at Sarangani.


Sa kaniyang privilege speech, binigyang diin ni Acharon, na hindi tulad ng bagyo na maaaring lumikas at gawing evacuation centers ang eskuwelahan, kapag may lindol ay lantad aniya ito sa structural damage.


Batay sa pinagtibay na House Bill 7354 ng Kamara, magpapatayo ng typhoon at earthquake resilient na evacuation centers sa lahat ng 1,488 na munisipalidad at 146 na lungsod sa buong bansa.


Kasabay nito ay nagapaabot ng pasasalamat si Acharon kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtiyak ng tulong sa mga apektadong lugar.


Gayundin sa maagap na pagresponde ng mga government agencies gaya ng DSWD, pati na sa pag asikaso ng Office of the Speaker at Tingog partylist sa pag lalabas ng P20 million social at medical assistance at pagpapadala ng 5,000 relief goods.


Batay sa tala ng City Government ng GenSan, nasa 1,730 na pamilya o 8,650 na indibidwal ang apektado ng lindol.


Ngunit hindi umano mag dedeklara ng State of Calamity and lungsod.


#wantta join us? sure, manure...