Friday, August 04, 2023

HB08456 AN ACT PROMOTING THE DEVELOPMENT OF THE PHILIPPINE DOWNSTREAM NATURAL GAS INDUSTRY, CONSOLIDATING FOR THE PURPOSE ALL LAWS RELATING TO THE TRANSMISSION, DISTRIBUTION AND SUPPLY OF NATURAL GAS, AND

APPROPRIATING FUNDS THEREFOR


Bill replacing harmful coal with safer NatGas as energy source gets House’s final nod


VOTING 215 against three, lawmakers

approved Wednesday on third and final reading the bill Speaker

Ferdinand Martin G. Romualdez authored allowing a shift of the

country’s power generation from the use of coal to the utilization of

natural gas.


House Bill (HB) No. 8456 or the Philippine Downstream Natural Gas Industry

Development Act, another Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bill, which seeks to establish the Philippine Downstream Natural

Gas Industry (PDNGI) to promote the role of natural gas as a “safe,

environment-friendly, efficient, and cost-effective source of energy.”


“It’s high time that we enforce, implement, and use clean energy to

mitigate the effects of climate change. We have to start now to veer

away from the conventional but hazardous method of generating power,

for the benefit of our future generation,” Speaker Romualdez, leader

of the 312-member House of Representatives, said.


The Romualdez-led essential piece of legislation also provides

regulatory policies and promotes the conversion of existing equipment

and facilities from using fossil fuel to natural gas.


Some of the authors of the bill are Reps. Lord Allan Jay Velasco,

Rodante Marcoleta, Yedda Marie K. Romualdez, Jude Acidre, Joey

Salceda, Wilter Palma, Jurdin Jesus Romualdo, Harris Christopher

Ongchuan, Maria Carmen Zamora, Shernee Tan-Tambut, Noel Rivera,

Jonathan Keith Flores, and Ralph Recto.


HB 8456 will compel the Department of Energy to supervise and monitor

the development of the PDNGI, as well as the regulation of the

construction and operation of natural gas pipelines and related

facilities for the transmission, distribution, and supply of natural

gas.


The measure was approved by the House on second reading on May 30,

before the Congress break.


Environmental risks or health hazards, or emissions from coal use - as

a result of combustion - include a substantial contribution to acid

rain, smog, and haze that result in respiratory illnesses and lung

disease, among youngsters and old alike.


About 65 percent of the country’s power needs are derived from coal use, which is why several lawmakers have been pushing for the approval

of such a bill for purposes of accelerating investments, where

domestic incentives can entice foreign investors, or LNG players, to come in. (END) wantta join us? sure, manure...

MAGKASANIB NA TWG, NILIKHA UPANG TALAKAYIN ANG MGA PANUKALA SA MEDICAL CANNABIS


Magkasamang nagpulong ngayong Martes ang Komite ng Kalusugan sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pangunguna ni Rep. Ciriaco Gato Jr. (Lone District, Batanes), at Komite ng Dangerous Drugs, sa pangunguna ni Rep. Robert Ace Barbers (2nd District, Surigao del Norte), at nagpasyang bumuo ng isang pinagsanib na technical working group (TWG), upang pag-isahin ang siyam (9) na panukalang batas na naglalayong gawing legal ang paggamit ng cannabis para sa medikal na gamit. Pamumunuan nina Rep. Anthony Rolando Golez Jr. (Party-list, MALASAKIT@BAYANIHAN) at Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro (2nd District, Batangas) ang magkasanib na TWG, upang talakayin ang mga House Bill (HB) Nos. 241, 2007, 4638, 4866, 7817, 243, 6783, 7616, at 4208. Isusulong ng mga panukalang batas na (1) alisin ang cannabis mula sa listahan ng mga mapanganib na gamot at sangkap sa ilalim ng mga umiiral na batas, (2) magbigay ng right of persons na ma-akses ang cannabis para sa mga medikal na paggamit, at (3) itatag ang Philippine Cannabis Development Authority (PhilCADA). Ayon kay Rep. Gato, nakatulong ang pagdinig sa mga mambabatas, at mga nagsusulong na mas maunawaan ang medikal, panlipunan, at ligal na epekto ng paggamit ng cannabis. Ayon kay Rep. Antonio “Tonypet” Albano (1st District, Isabela), may-akda ng HBs 2007 at 243, ang mga makikinabang sa medikal na cannabis ay mabubuhay nang normal kapag ang mga panukala ay maging batas. Sinabi ni Rep. Luis Raymund "LRay" Villafuerte Jr. (2nd District, Camarines Sur), may-akda ng HB 4208, na kapag ito ay gawing legal ang medikal na cannabis ay mangangailangan ng isang ahensya upang mahigpit na tumuon sa pananaliksik, pag-unlad, at regulasyon nito. Sinabi Dr. Donnabel Trias-Cunanan, Pangulo ng Cannahopefuls, Inc. at ina ng isang batang babae na dumaranas ng epilepsy, na ang medikal na cannabis ay makakatulong sa pagkontrol ng epileptikong panginginig. Kinilala ni Director Rodley Carza ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga potensyal na benepisyo ng medikal na cannabis, ngunit idiniin ang pangangailangan para sa karagdagang pananaliksik, upang palakasin ang ebidensya sa pagiging epektibo nito. Binigyang-diin din niya ang pangangailangan para sa pangangasiwa sa mga plano sa pagpapaunlad ng pananaliksik sa cannabis at mga proyekto, at mga probisyon upang matugunan ang mga posibleng magkakapatong sa mga mandato ng PhilCADA sa mga umiiral na ahensya. Tiniyak nina Reps. Gato at Barbers sa mga dumalo na ang mga alalahanin na iniharap at bawat probisyon ng mga panukalang batas ay tatalakayin nang mas malawak sa magkasanib na pulong ng TWG. wantta join us? sure, manure...

Tiwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na isang “pork barrel free” 2024 National Budget ang maipapasa ng Kamara.


Inihayag niya ito kasabay ng pagtanggap ng Kamara ng isinumiteng 2024 National Expenditure Program o NEP ng Department of Budget and Management o DBM.


Ayon kay Romualdez, titiyakin ng Mababang Kapulungan na ang lahat ng buwis na ibinabayad ng publiko ay maibabalik sa kanila sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng gobyerno.


At sa pakikibahagi at kooperasyon ng lahat, kumpiyansa si Romualdez na ang Kamara ay magagawang mahimay, matalakay at mapagtitibay ang panukalang pambansang pondo na walang pork barrel.


Nauna nang sinabi ni Romualdez na bago ang session break sa Oktubre ay ipapasa ng mga kongresista ang General Appropriations Bill o GAB. Habang isasalang ito sa “very transparent manner.”


Kaugnay nito, sinabi ng Speaker na kabilang sa prayoridad ng administrasyong Marcos ay ang agrikultura at seguridad sa pagkain; pagpapababa ng halaga ng transportasyon at enerhiya; kalusugan at social protection; at iba pa.


Bukod dito, binanggit ni Romualdez na suportado rin ng 2024 National Budget ang mga inisyatibo para sa climate change; pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan; at development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. wantta join us? sure, manure...

PANUKALA NA NAGRERESTRAKTURA SA PNP, APRUBADO NG KAPULUNGAN


Sa puspusang boto na 187 ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Miyerkules, inaprubahan ng mga mambabatas sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagrerestraktura sa Philippine National Police (PNP), na lilikha ng mga karagdagang tanggapan, at paglalaan ng pondo para rito.


Ang panukala, House Bill (HB) No. 8327, ay naglalayong amyendahan ang mga Section 25, 26, 29, 30, 31, 35, 35-A, 36, 67, at 67-A ng Republic Act (RA) No.6975, na kilala rin bilang "Department of Interior and Local Government Act of 1990", na inamyendahan, at Section 32 ng RA No.8551, na kilala rin bilang "Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998."


"Through these various changes, we aspire to make the PNP more responsive in dealing with its present-day challenges, including internal issues. This will ultimately redound to the benefit of Filipinos, whom the PNP seeks to protect," ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangunahing may-akda ng panukala at pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


Ilan sa mga may-akda ay sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Reps. Sancho Fernando Oaminal, Jorge Bustos, Samier Tan, Shernee Tan-Tambut, Dan Fernandez, Romeo Acop, at Jurdin Jesus Romualdo.


Isinasaad sa mga panukala na ang hepe ng PNP ay magkakaroon ng command group na kabibilangan ng mga tanggapan ng deputy chief of the PNP for administration, the deputy chief of the PNP for operations, at the chief of the directorial staff.


Lilikhain rin ng panukala ang mga posisyon ng directorate for personnel and records management, for intelligence, for operations, for logistics, for plans, comptrollership, for police community relations, for investigation, for training, education, and doctrine development, for research and development, and for information and communications technology management.


"The Chief of the PNP shall be appointed by the President from among the senior officers down to the rank of Police Brigadier General, subject to confirmation by the Commission on Appointments," ayon sa HB No.8327.


"The Chief of the PNP shall serve a term of office not to exceed four (4) years, and shall be compulsory retired at the maximum tenure in position herein prescribed, or at age 56, whichever is earlier," ayon pa rito.


Isinasaad sa panukala na ang PNP Chief ay magkakaroon ng ranggong police general; at ang pangalawa sa command ay magkakaroon ng titulo na posisyon ng deputy chief of the PNP for administration, at may ranggong police lieutenant general; habang ang pangatlo sa command ay magkakaroon ng titulo ng posisyon ng deputy chief of the PNP for operations, na may ranggong police lieutenant general.


Itatatag rin ng panukala ang Area Police Commands (APC) na itatalaga bilang clustered police regional offices, district offices, at city police offices "in order to enhance the control of the Chief of the PNP".


"The APC shall orchestrate, supervise, and control the conduct of inter-regional operations against insurgency, terrorism, and other internal security threats. Further, the APC shall likewise conduct search, rescue, and relief operations in times of calamities and other emergency situations within their respective areas of jurisdiction,” ayon pa rito.


"Finally, the APC shall support the police regional offices in the conduct of inter-regional anti-criminality operations and investigation," ayon sa 24 na pahinang panukala.


Ang limang paunang mga APCs ay ang Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, Eastern Mindanao, at Western Mindanao APCs. #


PAGRERESTRAKTURA SA PNP AT PAGPAPAUNLAD NG INDUSTRIYA NG DOWNSTREAM NATURAL GAS SA BANSA, APRUBADO SA KAPULUNGAN


Nagkakaisang inaprubahan ngayong Miyerkules sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8327, na naglalayong irestraktura ang Philippine National Police (PNP). Ang panukala na pangunahing iniakda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas at Parañaque City Rep. Edwin Olivarez, ay nakakuha ng 187 pabor na boto. Sa ilalim ng panukala, ang PNP ay magkakaroon ng command group na kinabibilangan ng mga tanggapan ng PNP deputy chief for administration, deputy chief for operations, at chief of directorial staff. Bukod pa rito, itatatag rin ang Area Police Commands (APCs) upang pangasiwaan, pamahalaan at kontrolin ang pamamaraan ng inter-regional operations laban sa insureksyon, terorismo at iba pang panloob na banta sa seguridad. Sa botong 215-3 votes, inaprubahan rin ng Kapulungan ang HB 8456, o ang panukalang "Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act." Ang panukala ay iniakda nina Speaker Romualdez, TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, SAGIP Party-list Reps. Caroline Tanchay at Rodante Marcoleta, at iba pa. Layon nitong isulong ang natural gas bilang isang ligtas, maka-kalikasan, mabisa at murang mapagkukunan ng enerhiya. Layon din ng panukala na maglaan ng maayos na kapaligiran sa industriya sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga alituntunin batay sa Philippine Downstream Natural Gas Industry Regulations (PDNGR). Isusulong rin nito ang conversion ng kasalukuyang fossil-fuel operated equipment at mga pasilidad sa paggamit ng natural gas, gayundin ang pagsusulong at pagpapabilis ng eksplorasyon at pagpapaunlad ng indigenous natural gas resources at mga pasilidad. Ang ilan pang mga panukala na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay ang: 1) HB 7728, na ginagawang simple ang proseso sa pagbebenta ng mga pampublikong lupaing agrikultura; 2) HB 8187, na nagdedeklara sa pambansang araw ng halalan bilang isang regular non-working holiday; 3) HB 8265, o ang panukalang “Cooperative Banking Act;” 4) HB 8269, o ang panukalang "Rights of Internally Displaced Persons Act;” at 5) HB 8443, o ang panukalang "Philippine Ecosystem and Natural Capita Accounting System (PENCAS) Act.” Pinangunahan nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Camille Villar ang sesyon sa plenaryo. wantta join us? sure, manure...

PANUKALA NA GINAGAWANG SIMPLE ANG MAHABA AT MASALIMUOT NA PROSESO SA PAGBILI NG PAMPUBLIKONG LUPAING AGRIKULTURA, APRUBADO SA KAPULUNGAN


Sa puspusang boto na 193, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Miyerkules, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na mag-aamyenda sa probisyon sa 87-taong gulang na Commonwealth Law, na mag-aalis sa luma at masalimuot na proseso sa pagbili ng mga pampublikong lupaing pag agrikultura.


Inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill (HB) No. 7728, na ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay papalit sa Section 24 ng dekadang taon nang batas, “simplifying” at magpapabilis sa matagal na at masalimuot na pagbili ng mga propriedad.


Ang Public Land Act of 1936 (Commonwealth) ay isang pangkalahatang batas ng bansa na namamahala sa klasipikasyon, delimitasyon, survey, at disposisyon ng mga lupaing alienable ng pampublikong domain, ayon kay Speaker Romualdez, ang pinakamataas na pinuno ng Kapulungan mula sa Unang Distrito ng Leyte.


Ang naturang panukala ay ipinasa sa ikalawang pagbasa noong ika-30 ng Mayo bago nagbakasyon ang Kongreso noong ika-3 ng Hunyo.


Sa ilalim ng bagong panukala, ang pagpapalabas ng kalatas sa pagbebenta ay isasagawa ng DENR Central Office, ay binawasan nang minsan sa isang linggo, sa “two consecutive weeks” na lamang – mula sa dating anim – na ilalathala sa Official Gazette at sa “two newspapers.”


Ang isa sa dalawang diyaryo ay dapat na nasa Kalakhang Maynila, habang ang isa naman ay ilalathala sa lokal na munisipalidad o sa karatig lalawigan, kung saan naroroon ang nasabing agricultural property.


Ang kalatas ay dapat na nakalathala sa “bulletin board” ng DENR Main Office, at sa “most conspicuous place in the provincial and the municipal building of the province and municipality, respectively, where the land is located, and if practicable, on the land itself.”


Subalit kung ang propriedad ay nagkakahalaga lamang ng P50,000, ang proseso ng paglalathala ay hindi na gagawing rekisitos sa OG at mga diyaryo, dahil ang kalatas ay mailalathala na sa tatlong “conspicuous places” ng ibinebentang propriedad.


Ang mga rekisitos ay maaari nang palitan sa pamamagitan ng paglalathala ng kalatas sa mga “barangays and municipality where the land is located, and on the land itself, for the notice of that application.”


Ang mga kalatas ay kailangang ilathala sa “English or in the local dialect,” at itatalaga sa 30 araw lamang – na dati ay 60 araw - “after the date of the notice upon which the land will be awarded to the highest bidder.”


Ang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay itinalaga upang mag-isyu ng mga kinakailangang patakaran at panuntunan na magpapatupad sa panukalang batas.


Ilan sa mga may-akda ng HB 7728 ay kinabibilangan nina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Reps. Elpidio Barzaga Jr., Jurdin Jesus Romualdo, Alfelito Bascug, Eddiebong Plaza, Joseph Stephen Paduano, Carl Nicolas Cari, Zia Alonto Adiong, at Stephen James Tan. wantta join us? sure, manure...

Hindi ihihinto ng pamahalaan ang pagpapatupad sa mga ayuda programs nito na una nang ikinasa noong kasagsagan ng COVDI-19 pandemic.


Sa pagsusumite ng DBM ng 2024 National Expenditure Program sa Kamara, simabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na tuloy parin ang naturamg mga programa sa susunod na taon kahit inalis na amg state of public health emergency.


Ilan sa mga programa ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na may 112.84 billion pesos na proposed budget.


Tuloy dimn ang AICS program na may 20 billion pesos at school based feeding program na may 11.7 billion pesos


Tuloy din ani Pangandaman ang pamamahaging fuel subsidy na may kabuuang 3.5 billion pesos na funding.


2.5 billion pesos ay idadaan sa Department of Transportation at 1 billion pesos ang sa Department of Agriculture.


Pinaglaanan din ng pondo para sa 2024 ang COVID-19 compensation package at health emergency allowance ng mga healthcare at non-healthcare workers na may 20 billion pesos na pondo


Bagong ayuda program din aniya ang ilulunsadsa pamamagitan ng Walang Gutom o Food Stamp Program ng DSWD na may proposed budget ma 1.89 billion pesos.


Bilang tapos na rin ang bansa sa pandemic responsw ay pinalakas din ng pamahalaan ang livelihood at employment programs


Kasama na rito ang TUPAD na may 12.9 billion pesos at integrated livelihood program na pinondohan ng 2.3 billion pesos


#wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG MINING FISCAL REGIME NG PILIPINAS, INAPRUBAHAN NG KOMITE NG KAPULUNGAN

 

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang wala pang bilang na substitute bill sa mga House Bills (HB) 373, 2014, 2246, 3888, at 8050 o ang panukalang “Philippine Mining Fiscal Regime Act.” Sa ilalim ng panukalang batas, ang operasyon ng malakihang pagmimina ng metal sa loob ng mga reserbasyon ng mineral ay sasailalim sa royalty rate na tatlong porsyento ng kabuuang nagawa, at royalty rate na katumbas ng isang ikasampu ng isang porsyento para sa maliliit na operasyong metal.  Ipapataw ang margin-based na royalty sa malalaking operasyon ng pagmimina ng metal sa labas ng mga reserbasyon ng mineral. Magkakaroon din ng buwis na ipapataw sa hindi inaasahang kita sa bawat taon ng pagbubuwis mula sa kita ng mga operasyon ng metal na pagmimina. Nagpahayag ng kaniyang suporta si Chamber of Mines of the Philippines Executive Director Atty. Ronaldo Recidoro sa panukala, na aniya ay makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa pagkatapos ng pandemya, at ipakita ang pangako ng industriya ng pagmimina bilang katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng bansa. “It would give the government a fair and increased tax take from mining while ensuring the competitiveness, attractiveness, and sustainability of the country’s mining industry,” aniya. Inaprubahan din ng Komite ang mga probisyon ng buwis at kita sa wala pang bilang na mga substitute bill sa 1) HBs 436, 2301, 3215, 4306, at 6225, na naglalayong magkaloob ng administratibong reporma at reorganisasyon sa Philippine Coast Guard, at 2) HBs 1148, 2865, 3775, 4546, 5769, 6093, at 6215, na magtatatag ng pasilidad ng pangangalaga sa titirahan ng mga walang tahanan, at inabandonang mga senior citizen sa bawat lungsod o munisipalidad. wantta join us? sure, manure...

2024 BADYET, MAGPAPALAKAS SA PRODUKSYON NG MGA PRODUKTONG AGRIKULTURA AT MAGPAPABABA SA MGA GASTOS SA TRANSPORTASYON


Layon ng panukalang P5.768-trilyon 2024 pambansang badyet na paunlarin ang produksyon ng mga produktong agrikultura tulad ng palay at mais, at ibaba ang gastusin sa transportasyon, na ilan lamang sa mga layunin, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Miyerkules. 


“The national budget will provide increased allocations for the Department of Agriculture’s banner programs to boost the production of prime commodities such as rice, corn and high-value crops, and fisheries among others. Higher investments will also be provided for the construction of more fish ports and farm-to-market roads all over the country,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


Para mabawasan ang gastos sa transportasyon at logistics, sinabi ni Speaker na determinado ang pamahalaan na magmantine ng malaking pamuhunan sa imprastraktura sa pamamagitan ng programa ng administrasyon na Build Better More. 


“As such, the bulk of the infrastructure budget will be allocated for physical infrastructure aimed at improving connectivity throughout the country through the construction of accessible road networks and railways. Significant funding support will also be provided for the construction of social infrastructure such as school buildings and health centers,” aniya.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang panukalang badyet ay kinabibilangan rin ng nilakihang pondo para sa mga programa ng lokal na pamahalaan sa agrikultura, pangisdaan, digitalisasyon, at pagpapaunlad ng imprastraktura.


Ang tema ng panukalang plano sa paggasta ni Pangulong Marcos para sa susunod na taon ay, “Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy.”


Sinabi ng pinuno ng Kapulungan na ang badyet ay, “has been designed to spur the country’s high-growth trajectory, with the Philippines targeting to attain upper-middle-income status by 2025 while maintaining strong financial footing.”


“The primary expenditure direction will continue to be anchored on the 8-Point Socioeconomic Agenda in the near term and the Philippine Development Plan 2023-2028,” aniya.


Kanyang sinabi na ang edukasyon “remains our top top priority as mandated by the Philippine Constitution, sharing 16 percent of the proposed national budget, or an increase of 3.3 percent owing to higher provisions for Basic Education Facilities Program, School-Based Feeding Program, instructional materials, and other learning resources.”


“The health sector will have ample budget support for programs that provide accessible and inclusive public health services. Specifically, a higher allocation will be provided for the National Health Insurance Program, which aims to subsidize the health premiums of the vulnerable sector pursuant to the Universal Health Care Law,” giit niya.


Ipinunto ng pinuno ng Kapulungan na sa panukalang 2024 badyet, ay kinabibilangan rin ng mas malaking alokasyon para sa proteksyong panlipunan tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, pensyon para sa mga mahihirap na senior citizens at karagdagang pagpapakain ng hot meals sa dalawang milyong mahihirap na kabataan.


Idinagdag niya na sa pamamagitan ng badyet, layon din ng pamahalaan na pondohan ang mga proyektong renewable energy, upang makamit ang 35-porsyentong bahagi sa power mix hanggang sa taong 2030, kabilang na ang pamamahagi ng enerhiya sa lahat ng mga barangay hanggang sa taong 2028.


Ang bagong pangunahing programa ng administrasyon tulad ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program at Philippine Food Strategic Transfer and Alternative Measures Program, ay bibigyan rin ng sapat na suporta sa pondo, kasama na ang pagbabago sa klima at pagiging mabisa ng burokrasya, at pangangasiwa ng mga proyekto sa pagpapaunlad, ayon pa kay Speaker.


Kanyang sinabi na sapat na pondo ang ibabahagi sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at sa Marawi Siege Victims Compensation Program upang matulungan ang mga biktima at displaced persons na nawalan ng kanilang mga pribadong pag-aari sa panahon ng Marawi siege noong 2017. wantta join us? sure, manure...