Isinusulong ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ang panukalang batas na magbibigay ng financial literacy sa mga manggagawa.
Batay sa House Bill 8989, magkakaroon ng pagkakataon ang mga empleyado na sumabak sa entrepreneurship trainings upang kahit paano ay makaahon mula sa tumataas na presyo ng bilihin.
Oobligahin ang mga employer mula sa micro, small and medium enterprises na maglunsad ng financial literacy programs sa kanilang mga manggagawa.
Sakaling maisabatas ay aatasan ang Department of Labor and Employment na magkaloob ng loans at grants sa competitive basis para sa eligible entities upang makapagsimula ng financial literacy programs o makapagtayo ng maliit na negosyo.
Magsusumite ang eligible entrepreneur ng aplikasyon para sa loan o grant sa tanggapan ng Labor Secretary kalakip ang itemized budget at iba pang required data.