Monday, January 16, 2023

PILIPINAS, KINILALA NG INTERNATIONAL SCOUT ORGANIZATIONS SA PAGKAMIT NITO NG PINAKAMATAAS NA BILANG NG MGA MIYEMBRO NG SCOUTS NOONG 2022

Umabot na sa mahigit 1.2M ang membership ng Boy Scouts of the Philippines o BSP sa buong bansa noong nakalipas na taon.


Sinabi ni Agusan Del Norte 2nd District Rep. Dale Corvera, na sya ring National President ng BSP, lumago ang miyembro ng organisasyon, sa kabila ng pagtama ng pandemya sa nakalipas na 2 taon na nagresulta sa limitadong face-to-face classes at iba pang community activities.


Ayon kay Corvera, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, partikular na sa pagbabayad ng membership fees, nakapaglunsad parin sila ng mga virtual scouting activities.


Nagkaloob din aniya ang organisasyon ng mga insentibo sa mga local councils sa pamamagitan ng pagbibigay pahintulot sa kanila na magamit ang membership fees para sa kanilang mga operasyon sa kanilang mga lokalidad.


Base sa datus, nasa 1,147,347 ang BSP scout members, 75,197 ang unit leaders; 1,798 ang local council board members; at 21,846 ang mga lay leaders.


Dagdag ng mambabatas at BSP National President, kinilala ng World Scout Committee (WSC) at ng World Organization of the Scout Movement ang nakamit na kabuuang membership ng organisasyon na umabot sa 1,246,188 noong 2022.


wantta join us? sure, manure...

SEGURIDAD NG PAGBIYAHE NI PBBM AT NG PHILIPPINE DELEGATION SA DAVOS, SWITZERLAND, SINEGURO NG PHILIPPINE AIR FORCE

Ang kaligtasan ng pagbyahe ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at ng delegasyon nito patungong Davos, Switzerland ay siniguro ng Philippine Air Force o PAF.


Tiniyak ng Phil Air Force o PAF na magiging maayos at ligtas ang pagbyahe ni Pangulong Marcos Jr., patungong Switzerland upang dumalo sa World Economic Forum o WEF na gaganapin sa Davos.


Sa mga larawang ipinadala ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, makikita ang mga fighter jets ng  Philippine Air Force na sinasabayan ang Presidential Plane na sinasakyan ng Punong Ehekutibo.


Ayon sa Office of the House Speaker, bahagi ito ng essential standard operating procedure ng PAF upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa paglipad ng Pangulo sa kanyang mga official at state visits sa ibang bansa.


Kasama sa delegasyon ni Pang. Marcos na nagtungo sa Switzerland si Speaker Romualdez at iba pang mga opisyal ng gobyerno.


wantta join us? sure, manure...

HIWALAY NA PAGPROSESO NG MGA SIM CARD NG SENIOR CITIZEN AT PWD, IPINANAWAGAN SA KAMARA

Umapela si Ways and Means Committe Chairman at Albay Rep Joey Salceda sa Dept of Interior and Local Govt o DILG na lumikha ng extra avenues o hiwalay na pagproseso ng SIM card ng mga Senior Citizen, Persons With Disabilities o PWD, at iyung mga naninirahan sa mga liblib at malalayong lugar.


Nanawagan si  Cong Salceda DILG na atasan ang mga lokal na pamahalaan upang maisagawa itong kanyang mungkahi.


Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng ganitong proyekto, tiyak na mas magiging madali at maginhawa ang pagpapatala ng mga SIM card ng ating mga nakatatanda, PWD at mga nasa malalayong lugar.


Umaasa naman ang solon na irerekonsidera ng Dep of Information and Communication Technology o DICT ang kanilang desisyon na gawing Abril ang deadline ng SIM card registration sa halip na sa darating pa na June 23, na syang nakasaad sa batas.



wantta join us? sure, manure...