Thursday, May 02, 2024

Bigyang prayoridad ng Kamara ang pagpapalakas sa kanilang “oversight functions” partikular para sa mga pangunahing isyu sa bansa sa ngayon: ang presyo ng bigas at iba pang produkto, cybersecurity at West Philippine Sea sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso mamayang hapon.


Ito ang ipinahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez makalipas ang higit isang buwang break. 


Sinabi ni Romualdez na naaprubahan na ng Kamara bago ang Lenten break ang nasa 20 priority measures na inilatag noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC. 


At dahil dito, ang atensyon ng mga kongresista ay naka-pokus na sa kanilang oversight functions, o mag-imbestiga at matiyak na naipatutupad ang kasalukuyang batas o patakaran, masigurado ang transparency, at maprotektahan ang interes ng publiko. 



Una nang sinabi ni Romualdez na kanyang paiimbestigahan sa kaukulang komite ng Kamara ang lumalaking “disparity” o pagkakaiba ng farmgate at retail prices ng mga produkto, na nakaka-apekto sa mga lokal na magsasaka hanggang sa mga consumer. 


Pagdating sa cybersecurity, maalalang tinatarget ang mga website ng mga ahensya ng pamahalaan, at kamakailan ay nabiktima ng "deepfake video" si Pang. Marcos Jr. 


Habang nais din ng Kamara na matugunan ang patuloy na umiinit ang tensyon sa West Philippine Sea.


wantta join us? sure, manure...

Nanindigan si Surigao del Norte Second District Representative Robert Ace Barbers na hindi maituturing na racism o sinophobia ang layunin ng ikakasang imbestigasyon ng Kamara ukol sa pagsulpot ng maraming Chinese students sa bansa.


Ayon kay Barbers, walang dapat ikabahala ang Filipino-Chinese community sa isasagawang Congressional inquiry dahil bukas pa rin naman ang Pilipinas sa mga dayuhan na legal ang pagpunta sa bansa.


Ang mga nagsasabing sinophobia at racism ang hakbang ng Kamara ay siya umanong apektado ng imbestigasyon na kung tutuusin ay may kinalaman sa pambansang seguridad at hindi tsismis.


Punto ng kongresista, dapat ay mismong Chinese community ang magbantay sa mga kasamahan dahil ilan sa mga ito ay sangkot sa ilegal na gawain.


Paglilinaw pa ni Barbers, hindi anti-China ang Pilipinas at "welcome" naman ang mga residente nito ngunit dahil national security issue ang pagdami ng mga mag-aaral, hindi masamang magtanong at magduda.


Bukod dito, kailangan umanong malaman ang eksaktong bilang ng Chinese nationals na naka-enroll sa lalawigan ng Cagayan dahil magkakaiba na ang datos mula sa iba't ibang ahensya.


Una nang inihayag ng civic leader na si Teresita Ang See na sinophobia at racism ang napaulat na imbestigasyon hinggil sa pagdagsa ng Chinese students sa mga lugar na mala


wantta join us? sure, manure...

Young Guns solon kinondena ang pakiki-alam ng China sa pulitika ng Pilipinas

Pinaalalahanan ng isang kongresista mula sa oposisyon ang China na huwag maki-alam sa trabaho ng mga miyembro ng Kamara de Representantes na nagpatawag ng imbestigasyon hinggil sa pagdami ng mga Chinese students sa Northern Luzon.


Ito ang naging pahayag ni Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez ng 1-Rider party-list at miyembro ng Young Guns ng Mababang Kapulungan, bilang pagtatanggol kay Rep. Joseph Lara ng ikatlong distrito ng Cagayan laban sa inilabas na pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila.


Inakusahan ng Chinese embassy si Lara na nagpapakalat ng pagdududa at pagkamuhi sa China, paratang na sinophobia, pagpapalaganap ng takot sa komunismo, at pagpapalala ng isyu ng West Philippine Sea upang maisulong ang kanyang sariling interes at political agenda.


“For the Chinese Embassy to issue a statement directly attacking the inquiry and the motives Congressman Lara has, is this the non-interference that China espouses?” sabi ni Gutierrez sa kanyang privilege speech noong gabi ng Martes.


“The Chinese Embassy would chalk this up to sinophobia, a resurgence of McCarthyism, and would attack and malign Congressman Lara's motives for the resolution,” ayon pa sa mambabatas na isa ring abogado kaugnay sa House Resolution 1666 na in-akda ni Lara upang paimbestigahan ang pagdami ng Chinese students sa Cagayan. 

 

“Why does the Embassy of China presume to have the authority to tell us, the representatives of the Filipino people, our motives? We take exception to this statement,” ayon pa kay Gutierrez.


“This statement and accusation (from China), was levied against Congressman Lara, a sitting representative of the people of third district of Cagayan,” ayon pa sa mambabatas kasabay ng kanyang paalala sa Beijing na si Lara ay isang halal na opisyal ng pamahalaan na may tungkuling pangalagaan ang kanyang distrito.


“It should be noted, that at issue here isn't any law passed by Congressman Lara. It isn't even a proposed bill. There is no government policy or program questioned. It was simply a resolution seeking an inquiry into what the good congressman sees as a cause of concern within his district.


Nilinaw naman ni Gutierrez na ang resolusyon na inihain ni Lara ay maaaring hindi 100 porsyentong tama, partikular sa bilang ng mga Chinese student sa Cagayan subalit ang punto umano ng pagpapatawag ng imbestigasyon ay upang malaman ang katotohanan.


“But if there is any truth to the claim, even a semblance, would this not warrant an investigation? Would this not be a national security concern? Is that not the whole point of an inquiry, to ferret out the truth and bolster our laws?” ayon pa kay Gutierrez. 


“Unfortunately, this is not an isolated incident. It does not require the most perceptive of minds to note an escalation of tension with our northern neighbor across the sea,” dagdag pa ng mambabatas mula sa minorya at bahagi ng House special committee on the West Philippine Sea. (END)


wantta join us? sure, manure...

UP College of Law pinuri ng Kamara matapos manguna sa prestihiyosong international moot court competition

Pinagtibay ng Kamara de Representantes nitong Martes ang isang resolusyon na kumikilala at bumabati sa University of the Philippines College of Law sa kanilang panalo sa prestihiyosong 2024 Philip C. Jessup International Law Moot Court Competition na ginanap sa Washington D.C. sa Estados Unidos noong Abril 6.


Kabilang sa mga mambabatas na nagsulong ng House Resolution (HR) No. 1683 sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino C. Libanan at Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos


“The UP College of Law, my alma mater, again brings honor to our country by bagging the much-coveted Jessup trophy. It is the oldest and largest world competition that tests the aptitude of students in their knowledge of international law. We are so proud of this achievement!” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


Kasama rin sa mga may-akda ng resolusyon sina Reps. Yedda K. Romualdez, Jude A. Acidre, Juliet Marie de Leon Ferrer, Roman T. Romulo, Peter John D. Calderon, Eleandro Jesus F. Madrona, Rufus B. Rodriguez, Ron P. Salo, Anna Victoria Veloso-Tuazon, Ysabel Maria J. Zamora, Bernadette “BH” Herrera, at Margarita “Atty. Migs” B. Nograles.


Ayon sa resolusyon, ang Jessup moot court competition ay isang pagsasanay kung saan naglalaban ang mga law students sa oral at written pleadings para ipanalo ang kanilang panig mula sa  isang gawa-gawang alitan sa pagitan ng mga bansa sa harap ng International Court of Justice, na isang judicial organ ng United Nations.


“After days of grueling rounds and eliminations, the UP Law Jessup Team emerged as the lone team from the Asia-Pacific Region in the prestigious stage, whose remarkable journey culminated in a showdown against Universidad Torcuato Di Tella of Argentina,” saad sa bahagi ng resolusyon.


“During the gold medal round, this year’s problem, ‘The Case Concerning the Sterren Forty’ simulated a fictional dispute between nations, and tackled pressing issues of political expression, statelessness, nationality rights, and the authority of the United Nations Security Council in dispute resolution,” dagdag pa nito.


Tinalo ng UP Law ang Universidad Torcuato Di Tella of Argentina sa huling yugto ng laban at nasungkit ang Jessup Cup. Ang team ay binubuo nina Mary Regine Dadole, Pauline De Leon, Pauline Samantha Sagayo, Chinzen Viernes at Ignacio Lorenzo Villareal, kasama ang coach na si Professor Marianne Vitug at faculty advisor Professor Rommel Casis.


Nakuha naman ni Villareal ang Schwebel Award for Best Oralist sa championship round.


“UP Law made history in 1995 when it won the Jessup Cup and earned the Philippines its first-ever championship since the tournament’s inception in 1960, followed by the Ateneo Law School when it bagged the crown in 2004,” sabi pa sa resolusyon.


Ang Jessup Competition ay ipinangalan kay Philip C. Jessup, na kinatawan ng Estados Unidos sa International Court of Justice, at napili ng United Nations na magsilbi ng siyam na termino noong 1961.


Kilala siya sa pagkakaroon ng mahaba at natatanging academic, judicial at diplomatic career at may mahalagang papel sa pagbalangkas ng International Law Commission.


“The outstanding performance of the University of the Philippines College of Law Jessup Team deserves utmost commendation and praise for bringing great honor and prestige to the Filipino people and inspiring future generations of legal scholars and practitioners,” saad pa sa resolusyon


Bibigyan ng Kamara ng kopya ng pinagtibay na resolusyon ang UP College of Law. (END)


wantta join us? sure, manure...

SUPORTA NG INTERNATIONAL COMMUNITY, MAS LALUNG KAILANGAN NG PILIPINAS SA GITNA NG PATULOY NA MGA PAG-ATAKE NG TSINA LABAN SA ATING MGA BARKO

Mas lalong kailangan ngayon ng Pilipinas ang suporta ng international community sa gitna ng nagpapatuloy na agresibong hakbang ng China laban sa mga barko ng Pilipinas.


Ito ang binigyang-diin ni House Assistant Majority Leader at Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing kasunod ng mas malala at nakamamatay na pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa BRP Bagacay at BRP Datu Bankaw sa West Philippine Sea.


Sa pulong balitaan sa Kamara ngayong araw, sinabi ni Suansing na mahalaga ang pagpapatibay sa relasyon o diplomatic ties ng Pilipinas sa ibang mga bansa.


Binanggit nito ang 500 million US Dollars na halaga ng Foreign Military Financing grant assistance ng Amerika sa ilalim ng Philippines Enhanced Resilience Act of 2024 o PERA Act upang palakasin at gawing moderno ang mga kagamitan ng Armed Forces.


Paliwanag ni Suansing, dito mapatutunayan ang mahusay na stratehiya ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagsusulong ng diplomatic routes habang iginigiit ang international law at ang arbitral ruling noong 2016.


Dagdag pa ni TINGOG Party-list Representative Jude Acidre, sa pagpasok ng budget season sa Agosto ay agad na tututukan ng Kamara ang paglalaan ng sapat na pondo para palakasin ang defense capabilities ng bansa at upang protektahan ang ating soberanya laban sa ginagawa ng China.


wantta join us? sure, manure...

DUDA SI REP. BARBERS KAY PDEA LEAKS RESOURCE PERSON MORALES SA KRIDIBILIDAD NITO BILANG TESTIGO

Nagtataka si Surigao de Norte Rep at Committee on Dangerous Drugs Chairperson Robert Ace Barbers sa kaduda-dudang pagkaka-ugnay ni Jonathan Morales, ang dating agent ng Philippine Drug Enforcement Agency na nasa likod ng diumano’y "PDEA Leaks" na nag-uugnay sa ilang celebrity at opisyal ng gobyerno sa ilegal na droga.


Sinabi ni Barbers na base sa mga ulat ay natanggal itong si Morales sa serbisyo sa Philippine National Police PNP bago Iito mag-apply sa PDEA.


Mula sa pagiging dismissed agent ay nagbabalat-kayo umano si Morales ngayon bilang anti-drug crusader sa ilalim ng grupong "Anti-Drug Advocate Laban ng Pamilyang Pilipino Center for Investigative Regulatory Compliance".


Nasangkot din aniya si Morales sa 8 million-peso extortion sa isang suspected Filipino-Chinese drug lord sa Binondo, Maynila at sa isang congressional hearing ay nagsinungaling umano ito nang amining inutusan siyang magtanim ng ebidensya sa isang shabu laboratory sa Pampanga.



(Noong nakaraang buwan naman ay muling lumutang si Morales para i-authenticate ang PDEA operational documents na may petsang March 11, 2012 na nagdadawit kina Pangulong Bongbong Marcos at aktres na si Maricel Soriano sa ilegal na droga, bagay na mariing pinabulaanan ni PDEA Chief Virgilio Lazo.)



Nagtataka naman si Barbers kung bakit naimbitahan sa pagdinig ng Senado si Morales na ang layunin lamang ay imbestigahan ang pagkakasabat sa 9.68 billion pesos na halaga ng shabu sa police checkpoint sa Alitagtag, Batangas.


Suspetsa tuloy ng kongresista, tila nilalagyan ng drama ang pagdinig nang isama bilang resource person si Morales.


wantta join us? sure, manure...