Monday, October 30, 2023

Umapela si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante sa mga bagong halal na barangay officials na maging kasangga ng mamamayan laban sa masasamang bisyo.


Ayon kay Abante, nagiging talamak na ang bisyo sa komunidad tulad ng pagsusugal at paninigarilyo na aniya'y masama sa mental health at sa pisikal na kalusugan lalo na kung sumosobra.


Dapat aniyang maglunsad ng mga programa at kampanya ang mga bagong leader ng barangay na magtuturo sa constituents ng negatibong epekto ng paninigarilyo at sugal.


Punto ng kongresista, sa kabila ng mga batas na naglalayong himukin ang publiko na umiwas sa paninigarilyo ay mayroon pa ring 19.5 percent ng mga Pinoy na tumatangkilik nito.


Batay ito sa Philippines Global Adult Tobacco Survey kung saan lumabas na 1.5 percent ang gumagamit ng "smokeless tobacco products".


Naaalarma rin si Abante sa lumalawak na access ng sugal online gaya ng e-sabong na nakaeengganyo sa mga Pinoy mapa-bata man o matanda.


Kasabay nito, inirekomenda ng mambabatas sa Barangay at SK officials ang pagtatalaga ng vice-free zones sa komunidad at hikayatin ang nasasakupan na yakapin na ang healthy lifestyle. wantta join us? sure, manure...

Mataas na rating ni Speaker Romualdez iniugnay sa paglipat ng confidential funds



Iniugnay ng isang mambabatas ang mataas na survey rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa ginawang paglipat ng Kamara de Representantes sa confidential funds ng mga civilian agency patungo sa mga ahensya na ang mandato ay proteksyunan ang bansa.


Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ginawa ang third quarter survey ng Octa Reseach mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4 o panahon kung kailan nagdesisyon ang Kamara na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency.


“The Octa Research 2023 third quarter survey was conducted between Sept. 30 and Oct. 4. That’s when the controversy around the House decision to reallocate CIFs from civilian offices to agencies having to do with national security was brewing,” ani Gonzales.


Naniniwala si Gonzales na alam ng publiko ang naturang isyu dahil laman ito hindi lamang ng mainstream media kundi maging ng social media.


“They agreed with the House decision as reflected in the significant increase in the levels of their trust and their approval of the performance of our leader, Speaker Romualdez,” sabi ni Gonzales.


“That’s one way of looking at the survey numbers. Another way is the public is largely supportive of the all-out help our Speaker and the House in general have been extending to our President in making life better for our people,” dagdag pa ng kongresista.


Naniniwala si Gonzales na kinikilala ng publiko ang mga nagawa ng Kamara gaya ng paglaban sa mataas na presyo ng bilihin, iligal na droga, at mga naipasa nitong panukala na pakikinabangan ng mga Pilipino.


“Even multilateral lenders acknowledge the efforts of the House to keep the economy on the high growth path. They are upbeat about our progress,” saad pa ni Gonzales.


Nagpasalamat din si Gonzales sa pagsuporta ng publiko kay Speaker Romualdez at sa Kamara.


“I have known the Speaker up close and personal. He is a close friend and colleague. He works hard, and these numbers will inspire him to work even harder for our people, our President and the nation,” dagdag pa ng kongresista.


Sa third quarter survey ng Octa ay nakakuha si Speaker Romualdez ng 60% trust rating at 61% satisfaction rating na parehong mas mataas ng 6% sa nakuha nito sa second quarter survey. wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez may pinakamalaking pagtaas sa performance, trust rating—OCTA Research



Nakapagtala si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng pinakamalaking pagtaas sa performance at trust rating batay sa survey ng OCTA Research.


Batay sa survey na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, 2023, si Speaker Romualdez ay nakakuha ng 60 porsyentong trust rating, tumaas ng 6 porsyento kumpara sa 54 porsyento na nakuha nito sa survey noong Hulyo.


Si Speaker Romualdez ay nakakuha naman ng walong porsyentong distrust rating bumaba ng 4 porsyento kumpara sa 12 porsyento na naitala nito sa nakaraang survey.


Sa performance rating, si Speaker Romualdez ay nakapagtala naman ng 61 porsyento, mas mataas ng 6 porsyento kumpara sa 55 porsyento na nakuha nito sa nakaraang survey.


Bumaba naman ng 2 porsyento ang kanyang dissatisfaction rating na naging 9 porsyento mula sa 11 porsyento.


Sa kaparehong survey, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nakapagtala ng 73 porsyentong trust rating (mula sa 75 porsyento), samantalang si Vice President Sara Duterte ay 75 porsyento (mula sa 83 porsyento). Si Senate President Juan Miguel Zubiri ay 57 porsyento (tumaas mula 56 porsyento), at si Chief Justice Alexander Gesmundo ay 21 porsyento (mula sa 27 porsyento).


Ang satisfaction rating naman ng Pangulo ay 65 porsyento (mula sa 71 porsyento), samantalang si Duterte ay bumaba sa 70 porsyento (mula sa 82 porsyento). Si Zubiri ay tumaas ng isang porsyento at naging 58 porsyento samantalang si Gesmundo ay bumaba ng 8 porsyento mula sa 20 porsyento.


Ang survey, na may 1,200 respondents ay mayroong margin of error na 3 porsyento at confidence level na 95 porsyento.



wantta join us? sure, manure...

Pagtaas ng rating ni Speaker Romualdez lalong nagpa-alab sa pagnanais ng Kamara na mapababa presyo, maparami suplay ng pagkain—Enverga



Ang mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa survey ay lalo umanong nagpa-alab sa pagnanais ng Kamara de Representantes na mapababa ang presyo ng bilihin at maparami ang suplay ng pagkain sa bansa.


Ito ang sinabi ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga matapos na tumaas ng rating ni Speaker Romualdez sa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4.


“The substantial increase in trust and approval ratings for Speaker Romualdez serves as a resounding testament to his effective leadership. It reinforces our commitment within the House of Representatives to remain vigilant in our role, especially when it comes to ensuring the stability of prices for essential commodities, with a particular focus on staples like rice and other vital agricultural products,” ani Enverga, Chairman ng House Committee on Agriculture and Food.


Ayon sa survey nakapagtala si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating na malaki ang iniangat kumpara sa 38 porsyento na kanyang naitala noong 2022.


Kumpara sa nakuha na 54 porsyento sa survey noong Hulyo 2023, si Speaker Romualdez ay nakapagtala ng 60 porsyento sa pinakahuling survey ng OCTA.


Ang performance rating ni Speaker Romualdez ay tumaas naman sa 61 porsyento mula sa 55 porsyento noong Hulyo. Noong 2020 hanggang 2022 ang satisfaction rating ni Speaker Romualdez ay nasa 44 porsyento lamang.


Sinabi ni Enverga na ang nakuhang rating ng lider ng Kamara ay nagsisilbing inspirasyon upang mas maging masigasig sa pagtatrabaho at tulungan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matugunan ang mga isyu ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pagtiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa bansa.


“We are committed to the pursuit of measures that will guarantee the affordability and accessibility of basic goods for every Filipino, while concurrently addressing the challenges that confront our agricultural sector,” sabi ni Enverga.


Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay inimbestigahan ng komite ni Enverga ang iba’t ibang isyu sa sektor ng agrikultura gaya ng mataas na presyo ng sibuyas, asukal, bigas at iba pang produktong petrolyo.


Pinangunahan din ni Speaker Romualdez, sa tulong ng Bureau of Customs, ang inspeksyon sa mga warehouse upang mahanap ang mga negosyanteng nagsasamantala kaya tumataas ang presyo ng bigas.


Sinuportahan din ng Kamara ang ginawang paglalagay ng price ceiling ni Pangulong Marcos sa regular at well-milled rice. (END) wantta join us? sure, manure...

Mataas na rating ni Speaker Romualdez patunay na nasa tamang landas ang Kamara



Ang mataas na trust rating ni House Speaker Martin G. Romualdez ay patunay umano na tama ang tinatahak na landas ng Kamara de Representantes sa pagganap nito sa mandato at pagsisilbi sa sambayanang Pilipino.


Ayon kay Ako Bicol Rep. Elizaldy S. Co, chairman ng House Committee on Appropriations, ang dahan-dahang pag-akyat ng trust rating ni Speaker Romualdez ay dahil sa magandang pamumuno nito.


“I believe if the Filipino people continue to put their trust in Speaker Romualdez’s leadership, then the House must be doing something right,” ani Co, na siya ring pangulo ng Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI).


“And it is my humble assertion that legislative work under Speaker Romualdez complements the efforts of the administration of President Bongbong Marcos Jr. Government programs are made possible through a competent, streamlined but exhaustive legislation process put in place by the Speaker,” dagdag pa nito.


Batay sa resulta ng survey ng Octa Research na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, tumaas ang trust rating ni Speaker Romualdez sa 60% mula sa 54% na naitala noong Hulyo 2023 o pagtaas na 6%.


Mas mataas din ito ng 22% kumpara sa 38% trust rating ni Speaker Romualdez noong 2022.


Ayon kay Co katatapos lamang aprubahan ng Kamara, na may 300 miyembro ang panukalang P5.768 trilyong national budget para sa 2024 pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtatrabaho at inaasikaso ang mga panukala na kailangan ng administrasyong Marcos upang mapaangat ang buhay ng mga Pilipino.


“We have just passed the national budget that is envisioned to implement the goals and aspirations of President Marcos for the people next year. And the leadership of Speaker Romualdez made this possible. This is the reason he has a high trust rating, because we as lawmakers emulate his hard work,” saad pa ni Co.


Ayon kay Co, inatasan ni Speaker Romualdez ang mga komite na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga pagdinig kahit na nakabakasyon ang sesyon ng Kongreso.


Ito ay upang matiyak na matatapos umano ng Kamara ang mga prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos bago ang bakasyon ng Kongreso sa Disyembre.


“Speaker Romualdez treats his high trust ratings as an inspiration to do more and achieve more, and not as a reason to be complacent. And so far, we are right on track,” dagdag pa ni Co. END wantta join us? sure, manure...

Barbers sa mataas na rating ni Speaker Romualdez: ‘Nakaka-proud’



Ang mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Martin Romualdez sa survey ng Octa Research ay magsisilbi umanong inspirasyon ng Kamara de Representantes upang mas magsumikap para matapos ang legislative agenda ng administrasyong Marcos.


Ito ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nagsabi nitong Lunes na ang morale ng mga miyembro ng Kamara ay lalong tumaas sa nakuhang rating ni Speaker Romualdez.


"These ratings show that Speaker Romualdez's efforts throughout the past year and a half haven't gone unnoticed and unappreciated. While I'm sure that the good Speaker won't gloat about it, for us House members, we are happy to see his hard work recognized. This gives us all the more reason reason to work harder for the benefit of Filipinos," sabi ni Barbers.


"It further affirms our view of Speaker Romualdez, who is a quiet but good general. Walang masyadong satsat, trabaho lang. Nakikita na ito ng tao. Filipinos know results when they see it. And their recognition of the Speaker makes us very proud," dagdag pang kongresista mula sa Mindanao.


Bagamat ang sesyon ng Kongreso ay naka-break, inatasan ni Speaker Romualdez ang mga komite na magsagawa ng mga pagdinig upang mapabilis ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong upang mapaganda ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.


Bago nag-adjourn ang sesyon noong Setyembre 27, inaprubahan ng Kamara ang panukalang P5.768 trilyong panukalang budget para sa 2024. Sa kaparehong araw ay inanunsyo ni Speaker Romualdez na natapos na ng Kamara ang lahat ng 20 prayoridad na panukala ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) list. 


Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, nakakuha si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating at 61 porsyentong satisfaction rating.


Kung ikukumpara sa nakuha noong 2022, tumaas ang trust rating ni Speaker Romualdez ng 22 porsyento at 17 porsyento naman ang itinaas ng satisfaction rating nito. wantta join us? sure, manure...

Kamara binigyang kredito ni Speaker Romualdez sa mataas na rating na nakuha


Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino sa mataas na trust at performance rating na nakuha nito subalit sinabi na ang mga miyembro ng Kamara de Representantes ang dapat na bigyan ng kredito dahil sa kanilang pagsasama-sama at dedikasyon na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.


“These ratings are not just numbers. They mirror the dedication and teamwork of the hardworking members of the House," ani Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 miyembro ng Kamara. "Every decision made, every bill passed, is a result of our united efforts to serve the Filipino people."


Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng survey bilang instrumento sa magandang pamamahala.


“Surveys like OCTA’s are more than just statistics. They are indicative of the people's sentiments on pressing issues, providing us with insights that are crucial in shaping our legislative priorities," saad ng lider ng Kamara.


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na marinig ang boses ng publiko.


“We view these feedback mechanisms as essential guides. They help us align our legislative work with the needs and aspirations of the Filipinos," sabi pa nito.


Matatandaan na kamakailan ay pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa mga warehouse ng bigas upang mahanap ang suplay na sadya umanong hindi inilalabas upang tumaas ang presyo nito.


"Our focus remains on addressing the pressing issues that affect our countrymen and ensuring that we remain transparent, accountable, and responsive to their needs," dagdag pa nito.


Nangako si Speaker Romualdez na gagamitin ang survey upang mas mapaganda ang ginagawa ng Kamara.


"Backed by the unwavering support and commitment of our dedicated House members, we'll continue to prioritize the initiatives that truly echo the desires of our people," saad pa ng lider ng Kamara.


Nagbigay galang din si Speaker Romualdez sa iba pang nagbibigay ng serbisyo publiko at sa kanilang papel sa mabuting pamamahala.


"Every position in government plays a crucial role in our nation's progress. Let's jointly strive for the welfare of the Filipino community,” pagwawakas ng Speaker. (END) wantta join us? sure, manure...