Tuesday, June 18, 2024

SPEAKER ROMUALDEZ AT SPEAKER NUKAGA NG JAPAN, NAGKASUNDONG PAIGTINGIN PA ANG BILATERAL RELATIONS NG PILIPINAS AT JAPAN

Nakipagpulong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kahapon (nitong Martes) sa kanyang Japanese counterpart na si Speaker Fukushiro Nukaga, sa Tokyo at kanilang napagkasunduan na suportahan ang lalong pagpapalakas sa bilateral relations ng Pilipinas at Japan.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan ay “at an all time high.”


Ayon sa kanya, mayroong matatag na diplomatic relations ang dalawang bansa, partikular na rito ang may kaugnayan sa defense at economic ties.


Dagdag pa ng lider ng Kamara na siya ay nagpahayag ng wagas na papuri sa papel na ginampanan ng Japan sa pag-secure, pag-aruga at sa pagatanggap ng mahigit na 300,000 mga Filipino na naninirahan sa bansang Hapon.


Ito ang naging pahayag ni  Speaker Romualdez kay Speaker Nukaga, Vice-Speaker Banri Kaieda, at House of Representatives International Affairs Department Director General Yamamoto Hironori sa pagpupulong na ginanap sa Tokyo parliamentary building.


Sinabi ni Romualdez na ang Japan ay napatunayan ng Pilipinas bilang isang maaasahang partner sa iba’t ibang larangan gaya ng official development assistance (ODA), maritime security initiatives, at pagtaguyod sa pag-unlad at katatagan ng rehiyon.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO





“Our countries have continually engaged with each other since last year, a clear indication of the firm commitment of both our countries to our decades-long cooperation,” sabi pa ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“As the number one provider of official development assistance, you have helped us in our economy in many aspects. You have also helped us in time of disaster, calamities, and we would also like to thank you for the support from the JICA, that continues to bring our economy to fruition,” ayon pa kay Speaker Romualdez. “We thank Japan government and the people of Japan for all the support and the assistance through the ODA.”


“Japan remains one of the Philippines’ most dependable partners,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. “Our shared universal values, including freedom, democracy, the rule of law, respect for human rights, and a free and open economy, underpin our strategic partnership.”


Nagpasalamat naman si Speaker Nukaga kay Speaker Romualdez sa pagkilala nito sa tulong na naibigay ng Japan.


“Thank you very much for mentioning the wide range of good things. I’m very glad that Japan and the Philippines have built a very good bilateral relations,” sabi ni Speaker Nukaga.


Mula ng itaas ang relasyon ng Pilipinas at Japan sa strategic partnership noong 2011, lumawig na ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga tradisyonal na larangan gaya ng politika, depensa at ekonomiya.


Ang dalawang bansa ay mayroon na ring maritime cooperation, peace process, at people-to-people exchanges kasama na ang turismo.


“We have managed to expand our relations to encompass various sectors. These efforts have significantly contributed to strengthening our strategic partnership,” punto pa ni Speaker Romualdez.


Matatandaan na bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan noong Pebrero 8-12, 2023 kung san naka-usap nito si Prime Minister Kishida Fumio at nakipagkita kina Emperor Naruhito at Empress Masako. 


Pumunta naman si Prime Minister Kishida sa Pilipinas noong Nobyembre 3-4, 2023.


Muling bumisita si Pangulong Marcos sa Japan noong Disyembre 16-18, 2023 upang dumalo sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit. Sinamantala rin ng First couple ang pagkakataon at muling binisita ang Emperor at Empress.


Ipinagdiwang ng Pilipinas at Japan ang ika-67 normalized relation nito noong Hulyo 23, 2023, at ika-12 taon ng strategic partnership nito mula noong 2011.


Matapos ang World War II, iginugol ng dala wang bansa ang kanilang atensyon sa pagpapaganda ng kanilang relasyon. (END)

MISTULANG PAUNTI-UNTING PANANAKOP NG TSINA SA PILIPINAS, IKINABABAHALA NI REP. BARBERS

𝗡agbabala si 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗗𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀 𝗗𝗿𝘂𝗴𝘀 Chairman at 𝗦𝘂𝗿𝗶𝗴𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗔𝗰𝗲 𝗕𝗮𝗿𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮-𝗮𝗹𝗮𝗿𝗺𝗮𝗻𝗴 "𝗖𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀𝗲 𝗶𝗻𝘃𝗮𝘀𝗶𝗼𝗻" 𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝘀𝘁𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗻𝘁𝗶-𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗸𝗼𝗽 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗖𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀𝗲 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝘀 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮'𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀.


Sa isang panayam, sinabi ni Barbers na noon pa man ay nagbabala na siya kaugnay sa tinatawag na "creeping Chinese invasion" o ang nakakabahalang pagdagsa ng mga Chinese nationals sa Pilipinas na ang karamihan ay konektado sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa iba't-ibang bahagi ng bansa.


Nang tanungin si Barbers kung ano ang posibleng layunin ng di-umano'y Chinese invasion sa Pilipinas, sinabi ng kongresista na kung pag-aaralan ang mga kasalukuyang kaganapan at sitwasyon, ito ay dahil sa napakayamang resources ng "Ayungin Shoal" sa West Philippine Sea (WPS) gaya ng langis at iba pang yamang taglay nito  na matagal nang pinag-iinteresan ng China. 


Binigyang diin ni Barbers na hindi naman talaga layunin o interes ng China na literal na sakupin ang Pilipinas, kundi ang makuha ng unti-unting ang yamang dagat ng Ayungin Shoal.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO





"Noon pa man. Ito na ang simasabi ko tungkol sa creeping Chinese invasion. Ang nakikita ko dito. Hindi naman talaga literal na nais nilang sakupin ang Pilipinas. Ang talagang interes nila ay ang yamang taglay ng Ayungin Shoal. Alam naman natin na mayaman sa natural resources ang Ayungin Shoal gaya ng langis," paliwanag ni Barbers. 


Bukod dito, ipinahayag pa ng mambabatas na parang ginawang "dumpsite" ng China ang Pilipinas sapagkat dito umano nila itinambak sa ating bansa ang kanilang mga kababayan (Chinese nationals) na illegal na nasangkot sa operasyon ng POGO sa kanilang sariling bansa na mahigpit na ipinagbabawal o ban mismo sa kanila.


Nang muling tanungin ang kongresista kung posibleng bang konektado sa tinatawag na "gentleman's agreement" sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Presideng Xi Jin-Ping ang mga pangyayaring ito. Sabi ni Barbers na "posibleng konektado" kaya ito aniya ang kasalukuyang sinisikap ng Kamara de Representantes na malaman ang buong katotohanan sa kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing issue. 


"Posibleng may kinalaman ito. Kaya ito ang sinisikap natin alamin sa aming imbestigasyon dito sa Kongreso," sabi pa ni Barbers.


THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES