Friday, July 28, 2023

PBBM NAG-UWI NG PAMUHUNAN NA NAGKAKAHALAGA NG US $285M SA PILIPINAS MULA SA MALAYSIA NA MAKAKALIKHA NG 100K TRABAHO, AYON KAY SPEAKER


Pinuri ngayong Huwebes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang napaka produktibong opisyal na state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Malaysia, at nakapag-uwi umano ng US$285 milyon na pangakong pamuhunan na inaasahang makakalikha ng mahigit na 100,000 trabaho, at oportunidad sa kabuhayan para sa mga Pilipino.


Ito ay bukod pa sa natamo sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia, sa malapit na personal na ugnayan ni Pangulong Marcos sa mga pinuno ng naturang bansa, ayon kay Romualdez. 


Sinabi ni Romualdez na si Pangulong Marcos ay sikat sa mga nangungunang matataas na opisyal ng mga negosyante sa Malaysia na kanilang nakaharap, upang isulong ang Pilipinas bilang isang natatanging investment hub, sa tatlong araw na state visit. 


“They find him so statesman-like, very open, and even the big businessmen here they find him very humble, approachable and very open,” ani Romualdez. 


Inanunsyo ng Malacanang na nangako ang mga pinuno ng Malaysia ng kabuuang US$285 milyon para sa pagpapalawig ng kanilang pamuhunan at operasyon sa Pilipinas. 


Ang mga pangakong pamuhunan na ito ay nakatuon sa mga larangan ng industriya ng pagpoproseso ng pagkain, multi-service digital platforms, aviation, aviation maintenance support services, logistics, manufacturing, imprastraktura, gayundin ang water at wastewater treatment sa Pilipinas.


Bukod pa rito, ang hiling ni Pangulong Marcos kay Romualdez na magbigay ng mga detalye ng kasunduan na pinasok sa pagitan ng grupo ni business tycoon Manny V. Pangilinan na mamuhunan sa isang Malaysian railway company na nagpaplano na mamumuhunan na nagkakahalaga ng tinatayang US $3 bilyon sa Pilipinas. 


“We were informed at a private dinner that the MPIC Group of Chairman Manny V. Pangilinan entered into a memorandum of agreement where initially the MPIC will invest into the railway company and they plan on investing into the Philippines into the railway system” ayon kay Romualdez, sa idinaos ng pulong balitaan ng Pangulo bago umalis ng Kuala Lumpur. 


Sinabi niya na ang pagbisita ng Pangulo sa Kuala Lumpur ang naging hudyat sa progreso ng kasunduan, at idinagdag na ayon sa grupo, “3 billion (US dollars) will be pledged for investments” sa Pilipinas.


Idinagdag niya na titignan rin ng kompanya ang posibilidad ng paggamit ng cable car bilang sistema ng transportasyon, bilang karagdagan din sa pagbubukas ng mga paliparan sa mga ruta ng ating bansa. 


“They have a very, very long string of success stories here in Malaysia they’d like to replicate that in the Philippines,” ani Romualdez.


Samantala, sinabi ni Romualdez na ang state visit ni Pangulong Marcos ay nagsilbing daan sa pagpapalakas ng malapit na ugnayan sa mga kasalukuyang pinuno ng Malaysia, at ang matagal nang partnership sa pagitan ng dalawang bansa. 


“The relations between the two countries is very warm,” ani Romualdez, at binanggit na si Pangulong Marcos ay malapit na personal na kaibigan ng Hari ng Malaysia Al-Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim.


Dagdag pa ni Romualdez, si Pangulong Marcos ay, “definitely caught the attention of the international community” lalo na sa rehiyon ng ASEAN. wantta join us? sure, manure...

PBBM PINASALAMATAN NI SPEAKER SA PAGBABANGGIT SA KAHALAGAHAN NG KAPULUNGAN SA PAGHIHIKAYAT NG MGA DAYUHANG MAMUMUHUNAN NA MAGNEGOSYO SA PILIPINAS; NANGAKONG IPAPASA ANG MGA NATITIRANG PANUKALA NG SONA SA PAGTATAPOS NG 2023


Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Biyernes kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagkilala niya sa mahalagang papel ng Kongreso, sa pagsusulong sa Pilipinas bilang natatanging destinasyon sa pagnenegosyo, upang makalikha ng maraming oportunidad sa trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. 


Si Romualdez ay bahagi ng opisyal na delegasyon ni Pangulong Marcos sa kanyang opisyal na tatlong araw na state visit sa Malaysia, na nagtamo ng pangakong pamuhunan na nagkakahalaga ng US$285M, at inaasahang makakalikha ng mahigit na 100,000 trabaho.


“We are grateful to President Marcos for citing the key legislations we had passed and the critical need for collaboration between the Executive and the Legislative in making the Philippines a more investor-friendly place,” ayon kay Romualdez.


“This motivates us even more in the House of Representatives to redouble our efforts at passing the remaining priority bills before the end of 2023, which are needed to sustain our robust economic growth and enhance our competitiveness to draw in more investments that would mean more jobs and livelihood for our people,” dagdag niya.


Tinutukoy ni Romualdez ang pahayag ni Pangulong Marcos sa isinagawang Roundtable Meeting sa mga nangungunang pinuno ng mga negosyante sa Malaysia, kung saan ay ipinagmalaki ng Punong Ehekutibo ang kanyang administrasyon sa mga polisiya at programa na investor-friendly.


Binanggit ng Pangulo na mas maraming sektor ang nabuksan para sa dayuhang pag-aari sa pamamagitan ng pagpasa ng Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investments Act, Public Services Act (PSA), at ang Renewable Energy (RE) Act. 


Bukod pa rito, ipinunto ni Pangulong Marcos na ang pagbubuwis sa mga kompanya ay mas naging business-friendly sa ibinabang halaga ng buwis, at pinaunlad na mga mekanismo para sa buwis at mga insentibo sa buwis.


Subalit binanggit niya na marami pang mga amyenda ang kinakailangan upang mas maging makabago ang kapaligiran sa negosyo ng bansa, lalo na sa pagbubuwis, pamimili, pagtutuos at iba pa.


Sa puntong ito, ay ipinakilala ni Pangulong Marcos sa mga negosyanteng Malaysian businessmen ang mga mambabatas na bahagi ng kanyang opisyal na delegasyon sa kanyang tatlong araw na state visit sa Malaysia. 


“I would also like to introduce the gentlemen seating on my left here is the Speaker of the House, Speaker Martin Romualdez and he is a critical part here, and the rest, we have two senators also here, Senator JV Ejercito and Senator Mark Villar, who have been critical in assisting us pushing this legislation – these amendments to the legislation through Congress. And to get this amendment— to get the new laws enacted,” ayon sa Pangulo.


Binanggit rin ni Pangulong Marcos ang mga reporma at programang investment-friendly na isinagawa sa tulong ng Kongreso, gayundin ang mga kinakailangnag bagong batas, sa kanyang mensahe sa komunidad ng mga negosyante ng Malaysia, sa isinagawang Philippine Business Forum na idinaos sa EQ Hotel sa Kuala Lumpur. 


Nauna nang ipinangako ni Romualdez na ipapasa ng Kapulungan ang natitirang 10 prayoridad na panukala na tinukoy ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), bago matapos ang taon — apat sa Oktubre at anim sa Disyembre---na inaprubahan na ang pito sa 17 prayoridad na panukalang batas na initatag niya sa SONA.


Gayundin, nangako si Romualdez sa kagyat na pagpasa ng panukalang P5.768-trilyong pambansang badyet para sa 2024.


Ang apat na prayoridad na panukala ng SONA para aprubahan sa Oktubre ay:

1. Anti-Agricultural Smuggling

2. Amendments to the Cooperative Code

3. Tatak Pinoy

4. Blue Economy


Ang anim na natitirang prayoridad na panukala para aprubahan sa Disyembre ay:

1. Motor Vehicle User’s Charge

2. Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension

3. Revised Procurement Law

4. New Government Auditing Code

5. Rationalization of Mining Fiscal Regime

6. National Water Act. wantta join us? sure, manure...

7 sa 17 panukalang batas na binanggit ni PBBM sa SONA tapos na sa Kamara, 10 pa tatapusin bago matapos ang 2023



Naaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang pito sa 17 panukala na hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Kongreso sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


Kumpiyansa si Speaker Romualdez, ang lider ng 312 miyembro ng Kamara, na kayang tapusin ng Mababang Kapulungan ang nalalabing 10 pang panukala na nabanggit sa SONA bago matapos ang taon.


Ayon kay Speaker Romualdez apat ang target aprubahan ng Kamara bago ang break sa Oktubre at anim bago ang break sa Disyembre.


“I am extremely confident that the House of Representatives would again rise up to the occasion and accept the challenge from our President: to pass the 17 priority measures needed to sustain our economic recovery and improve the living condition of our people,” sabi ni Speaker Romualdez


“Sa pagpasa ng lahat ng panukalang batas na hiniling na Pangulo, umaasa kami na makakatulong kami dito sa House of Representatives na mapalago pang lalo ang ekonomiya, mapasigla ang negosyo, maparami pa ang trabaho at mapalawak ang serbisyong hatid natin sa mga PIlipino,” paliwanag pa nito.


Hindi pa kasama sa 17 SONA priority measures ang panukalang 2023 national budget na inaasahang isusumite naman ng Ehekutibo sa Kamara sa susunod na linggo.


“Of course, the most important bill that we need to discuss and approve the soonest time possible is the 2024 General Appropriations Bill based on the National Expenditure Program prepared by the Executive Department,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


"Ang national budget na ipapasa namin ang magsisiguro na lahat ng buwis na ibinabayad ng mga kababayan natin, gayundin ang iba pang revenue sources na nakokolekta, ay babalik sa taumbayan sa pamamagitan ng mga programa, proyekto, at serbisyo,” saad ng House leader.


Kailangan aniya na magdoble kayod ang House of Representatives upang makamit ang self-imposed deadline nito sa mga ipapasang panukala.


Ang pitong SONA priority measures na lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ay ang:

1. House Bill No. 4102 o Single-Use Plastic Bags Tax Act

2. House Bill No. 4122 o An Act Imposing Value-Added Tax on Digital Transactions 

3. House Bill No. 6716 o An Act Mandating the Establishment of Fisherfolk Resettlement Areas by the Department of Agriculture, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Environment and Natural Resources, and Local Government Units

4. House Bill No. 7393 o Anti-Financial Account Scamming Act

5. House Bill No. 7006 o Automatic Income Classification Act for Local Government Units

6. House Bill No.  8203 o Bureau of Immigration Modernization Act

7. House Bill No. 4125 o Ease of Paying Taxes Act


Ang apat na prayoridad na panukala na target tapusin sa Oktubre ay ang:

1. Anti-Agricultural Smuggling

2. Amendments to the Cooperative Code

3. Tatak Pinoy

4. Blue Economy


Ang nalalabing priority measure na nakatakdang aprubahan sa Disyembre ay ang sumusunod: 

1. Motor Vehicle User’s Charge

2. Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension

3. Revised Procurement Law

4. New Government Auditing Code

5. Rationalization of Mining Fiscal Regime

6. National Water Act. wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez: PBBM admin isusulong mababang inflation rate, bawas walang trabaho, P20/kl bigas



Susundan umano ng Kamara de Representantes ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matupad ang layuning inilatag nito sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na ibaba ang inflation rate, mabawasan ang mga walang trabaho at maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas.


Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na bagamat hindi pa naaabot ang layuning inilatag ng Pangulo noong nakaraang taon malaki na umano ang nagawa ng administrasyon pagtungo sa pagkamit ng mga mithiing ito.


“As we’ve already seen, the inflation rate is going down so tama ‘yung direksyon pero hindi pa talaga tayo nakaabot sa punto na mababa na talaga ang presyo ng mga bilihin. We want to get there, that’s the direction,” ani Speaker Romualdez, lider ng 312 miyembro ng Kamara.


“Dito rin sa trabaho, or ‘yung jobs, ‘yung unemployment. The unemployment rate is going down pero marami pa rin ang walang trabaho. So while we are not yet there, ‘yung direksyon po ay tama,” sabi ni Speaker Romualdez, isang administration stalwart at presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).


Sinabi ni Speaker Romualdez na bumagal ang inflation rate noong nakaraang buwan sa 5.4 porsyento mula sa 8.7 porsyento noong Enero.


Ang headline inflation na 5.4 porsyento noong Hunyo ay pinakamababa sa nakalipas na 13 buwan. 


Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay ng unemployment rate, sinabi ni kinatawan mula sa Leyte na bumaba ito sa 4.5 porsyento noong Abril mas mababa kumpara sa 5.7 porsyento noong Abril 2022 at 4.7 porsyento noong Marso.


“We have had surveys and focus groups on the developments in the administration’s satisfaction (ratings)  … in terms of the people who are in favor of the administration’s general direction. We are moving in the right (direction) and they (the people) are better off now than they were in the previous years,” ani Speaker Romualdez.


“One of our pollsters here said it’s actually good news. But obviously, we join the President’s fervor and dedication and his sense of urgency that, maski na maganda ang direksyon po ng progreso ng administrasyon, we still have a lot of work to do. Marami pa po,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Upang maabot ang P20 presyo ng kada kilo ng bigas, sinabi ni Speaker Romualdez na nananatiling determinado ang Pangulo na magtupad ito.


“We are not yet there but we will soon approach that. We will make sure that in the House, we will take initiatives as we had done in the previous regular session that we will focus on the availability of affordable rice and we will try to target that 20 pesos per kilo,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


“That is our aspiration and we will be headed towards that and we will find ways and means to make sure that local production is up and that there will be fewer, if not no more occasions, for hoarding or profiteering,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Sinabi rin ng lider ng Kamara na mayroong mga Kadiwa ng Ani at Kita store na nagbebenta ng bigas sa halagang P25 kada kilo. wantta join us? sure, manure...

Panukalang P5.768T budget para sa 2024 tatapusin ng Kamara bago ang recess sa Oktobre



Kumpiyansa ang Kamara de Representantes na maipapasa nito ang panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024 bago ang unang recess ng ikalawang regular session ng 19th Congress sa Oktobre. 


Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang lider ng 312 miyembro ng Kamara plano ng Department of Budget and Management (DBM) na maisumite sa Kongreso ang panukalang budget sa loob ng isang linggo matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


“Pag nangyari po ‘yan, sigurado tatapusin natin ‘yung budget before our October break. We average five weeks of solid work on budget deliberations, consideration, review, and approval through third reading. So we are confident with the processes and protocols and procedures that we have na matatapos natin ang ating national 2024 budget. That is the most important piece of legislation,” ani Speaker Romualdez, isang stalwart ng administrasyon at pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).


Ayon sa lider ng Kamara, layunin ng budget na mapanatili ang paglago ang ekonomiya ng bansa, makalikha ng mapapasukang trabaho para sa mga Pilipino at mapaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng naaayong serbisyo publiko gaya ng edukasyon, pangkalusugan, at imprastraktura.


Susuriin umano ng Kamara kung papaano ginagamit ng iba’t ibang ahensya ang budget nito sa kasalukuyan at kung papaano inaasahang gagamitin ang budget para sa 2024 kaugnay ng mga naipasang batas ng Kongreso gaya ng Tenant Emancipation Act.


“The emancipation law lifted the debt burden of our farmers. In other words na-exempt na ang ating mga magsasaka dito sa kanilang mga utang sa acquisition ng lupa nila. We think that is one of the cornerstones of our President’s legislative agenda. He promised this last year, hindi lang na-promise nagawa, napirmahan na,” sabi pa ng lider ng Kamara.


“So tayo po sa Kongreso, babantayan din natin na maayos at maaga ang implementasyon para yung mga magsasaka maging productive para tutulong din sila sa ating hangarin na ‘yung ibaba natin ‘yung presyo ng bilihin gaya ng bigas, asukal at gulay. Kaya excited po tayo kasi pinagtrabahuhan natin ‘to,” dagdag pa nito.”


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez na matiyak na mayroong sapat na suplay ng bigas upang walang magutom na Pilipino.


Ito umano ang pangunahing layunin ni Pangulong Marcos, na siyang kalihim ng Department of Agriculture.


“Yung commitment niya, ‘yan ang isa sa number one accomplishment. At sa totoo lang, bilang isang congressman kung ‘yun lang ang panukalang batas na maipasa natin, proud na proud na ko to have been part of the 19th Congress who have passed a very, very important measure that means so much to us as Filipinos because it‘s a life-long dream of every farmer,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


“Kaya itong panaginip ng mga magsasaka, panaginip ng ating mamamayan ay natupad na. So we will make sure that the implementation is immediate and efficient so that the benefits of this law will be felt in every household,” sabi pa nito.


Sinabi ni Speaker Romualdez na kaya ng Kamara na mabilis na mabusisi ang budget at maipasa ito ng dumaraan sa transparent na proseso.


“Like last year, we will get the widest consensus on our spending plan among our members. Its approval is very crucial in maintaining stability and facilitating the seamless implementation of government programs and projects. It has significant implications for the country’s progress and development,” sabi pa nito.


Titiyakin umano ng Kamara na ang bawat sentimos ng national budget ay gagastusin ng tama upang masiguro na makadaragdag ito sa pag-unlad ng bansa.


“We will be setting clear priorities and making informed decisions that would further promote sustainable growth aimed at uplifting the lives of Filipino people, enhancing public services, and making our economy strong and more agile,” dagdag pa nito.


“The House of the People will effectively respond to the needs of the people to address the continued impact of the health crisis, create more jobs, and ensure food security,” sabi pa ng lider ng Kamara.


Iginiit din ni Speaker Romualdez na sa tulong ng Senado at ng Pangulo, ipagpapatuloy ng Kamara ang pagsulong ng Build Better More program na makalilikha ng maraming trabaho at oportunidad na kumita.


Hinimok din ni Speaker Romualdez ang mga ahensya ng gobyerno na tapusin sa oras ang mga nakalinyang programa, proyekto, at aktibidad sa ilalim ng taunang budget.


“Prompt project and program delivery is critical to achieving our goal of creating more income and livelihood opportunities for our people and their enjoyment of social services and infrastructure. There should be no implementation delay,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Ang panukalang budget para sa susunod na taon ay mas mataas ng P500 bilyon kumpara sa P5.268 trilyong budget ngayong taon.


Sa ilalim ng Konstitusyon, ang Pangulo ay binibigyan ng 3- araw para isumite ang panukalang budget sa Kongreso matapos ang kanyang SONA.


##wantta join us? sure, manure...