Monday, August 07, 2023

Speaker Romualdez suportado aksyon ni PBBM sa nangyari sa Ayungin Shoal

Suportado ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na konsultahin ang mga opisyal ng sundalo kaugnay ng iligal na paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard at dalawang bangka na maghahatid ng suplay sa mga sundalong naka-istasyon sa Ayungin Shoal.


“The President made the right decision to get the consensus of officials of the Armed Forces of the Philippines on how best the government can address the latest incident in the West Philippine Sea,” ani Speaker Romualdez, lider ng 312 miyembro ng Kamara de Representantes.


Ayon kay Speaker Romualdez suportado rin nito ang diplomatic action ng gobyerno laban sa panibagong panghaharass ng China.


Ngayong Lunes, nagpatawag ng command conference si Pangulong Marcos upang planuhin ang gagawing hakbang ng gobyerno kaugnay ng ginawa ng China.


“Actually today, pagkatapos ng change of command ng CGPA (Commanding General of the Philippine Army) ay magkakaroon kami ng command conference tungkol nga dito, on how we will respond,” sabi ni Pangulong Marcos bilang tugon sa tanong kaugnay ng gagawing aksyon ng bansa sa nangyari sa WPS.


Pinuri rin ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa paggiit nito ng soberanya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.


“We support his position that we should continue to assert our sovereignty there and that we should defend every inch of our territory,” sabi pa ng lider ng Kamara.


Nagpadala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic note sa Beijing upang iprotesta ang nangyari sa Ayungin Shoal. wantta join us? sure, manure...

MAS MALAWAK NA PAGKAKAISA AT KOOPERASYON SA ASEAN PARA SA PAGPAPATULOY NG PAGBAWI AT PAGBABAWAS NG KAHIRAPAN SA REHIYON, IPINANAWAGAN NI SPEAKER ROMUALDEZ

Nanawagan ngayong Lunes si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng isang malawak na pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), upang magpatuloy ang daloy ng pagbawi sa ekonomiya, at pagbabawas sa kahirapan sa rehiyon, matapos ang naranasang pandemya ng buong mundo.


Sa kanyang pahayag sa sesyon ng plenaryo sa 44th AIPA (ASEAN Inter-Parliamentary Assembly) General Assembly sa Jakarta bilang pinuno ng delegasyon ng Pilipinas, binanggit ni Romualdez na ang mataas na inflation at global economic slowdown ay nagsilbing banta sa inaasahang paglago ng rehiyon. 


“High food and oil prices in particular have impacted households’ ability to afford other discretionary items. These points raise the urgency for ASEAN Member States to take action to build resilient, sustainable, and inclusive long- term growth,” ayon kay Romualdez. 


“AIPA must recognize that the path to greater prosperity in the region is by greater regional cooperation and interdependence,” dagdag niya. 


Ang AIPA General Assembly, ayon kay Romualdez, ay kumakatawan sa kaugnayang plataporma para sa talakayan at pagpapalitan ng mga pinakamagagandang kasanayan ng mga parliyamentong miyembro. 


Gayundin, sinabi niya na ang mga parliyamento ng rehiyon ay gumaganap ng kakaiba at mahalagang papel sa pagpapalawak ng kaunlaran sa kooperasyon ng rehiyon, at sub-regional integration bilang mga hakbang sa lehislasyon na magpapasilidad sa akses sa merkado, at paunlarin ang alokasyon ng mga pagkukunan at pagiging produktibo ng rehiyon.


“Our parliamentarians are key to enhancing economic growth, financial stability, and social inclusion, and in addressing poverty and promoting institutional stability,” ani Romualdez. 


Sa puntong ito, ipinahayag niya ang suporta sa pinaigting na pagtuon sa BIMP-EAGA Vision 2025, sa malalawak na istratehiya para makatugon sa sub-regional pandemic recovery at mga pagsisikap sa transpormasyon, lalo na sa usapin ng seguridad sa pagkain, malikhaing industriya, turismo, at pagbawi ng kalikasan.  


Itinatag noong 1994, ang Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area, o ang BIMP-EAGA, ay naglalayong paigtingin ang kaunlaran sa mga kanayunan, at mga lugar na hindi gaanong napapaunlad, sa apat na bansang kalahok sa Timog Silangang Asya.


Ang BIMP EAGA's Vision 2025 ay upang maging matatag, inklusibo, nagpapatuloy, at economically competitive sub-region ng ASEAN, upang mabawasan ang agwat sa kaunlaran.  


Upang mas makamtan ito, isinusulong ni Speaker Romualdez ang pagtatakda ng unang BIMP-EAGA Parliamentary Forum sa 2024 sa Lungsod ng Davao, upang pag-isahin ang mga isinasagawang polisiya sa mga usapin ng BIMP-EAGA.  


Ibinahagi rin ni Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas sa ASEAN ang roadmap ng Pilipinas, tungo sa isang mas malakas at mas matatag na ekonomiya. 


Binanggit niya na sa matatag na hakbang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ay pinagtibay ng Kongreso ng Pilipinas ang isang Medium-Term Fiscal Strategy na naglalayong suportahan ang pagbawi sa ekonomiya, habang tinitiyak ang fiscal sustainability.


Sa pagtatapos, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang counterpart, Speaker of the House of Representatives of the Republic of Indonesia Dr. Puan Maharani, sa napakahusay na paghahanda sa AIPA General Assembly ngayong taon. wantta join us? sure, manure...

PROTEKSYON AT KAPAKANAN NG MGA OFWs, ISUSULONG NI SPEAKER SA ASEAN PARLIAMENTARY FORUM

JAKARTA, INDONESIA – Binigyang diin ngayon ni Speaker Martin G. Romualdez ang kanyang paninindigan na matalakay ang mga tumataas na mahahalagang usapin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) na nakatakda rito.


"Among the key issues we want to address here include the protection and welfare of our OFWs" ayon kay Romualdez, sa kanyang talumpati sa komunidad ng mga Pilipino sa Jakarta.


Iginiit ni Romualdez na tinitiyak ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaligtasan, kapakanan at proteksyon ng mga OFWs, habang kinikilala niya ang kanilang mga sakripisyo at kanilang mga naibahagi sa ekonomiya ng Pilipinas. 


“Nagpasya po akong dumalo sa AIPA ngayong taon dahil marami tayong kailangang i-discuss sa mga kapwa ko mambabatas mula sa mga bansa sa ASEAN at BIMP-EAGA,” ayon sa pinuno ng Kapulungan.


“Kasama po rito ang mga batas na kailangang ipasa naming lahat para mapalakas ang ating mga ekonomiya. Gusto rin nating makatulong ang mga batas na ipapasa para maging masigla ang mga negosyo at makapagbigay tayo ng mas maraming trabaho sa ating bansa,” dagdag niya.


Kinilala niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng komunidad ng mga Pilipino sa Indonesia, at tinukoy kung papaano pinahahalagahan ang mga Pilipino sa naturang bansa tulad ng mga guro, mga company executives, business consultants, engineers, accountants, lawyers, at mga mamumuhunan. 


Nangako si Romualdez na sila ay susuportahan sa pamamagitan ng paglikha ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan, na naglalayong pasiglahin ang pangkalahatang kaunlaran ng ekonomiya ng Pilipinas, tulad ng mga inisyatiba na makakahikayat ng mas maraming dayuhang pamuhunan sa bansa.


Ilan pa rito, kanyang binanggit na ang pagpasa sa pag-amyenda ng Public Service Act, na magpapagaan sa mga mahihigpit na patakaran sa dayuhang pamumuhunan sa pampublikong serbisyo.  

 

“Many of you are abroad working for multinational companies. Why don’t we open our economy to these multinational firms so you can have the choice of working for these companies in our country where you can still come home every day to your families” ani Romualdez.


“We are thinking every day of ways on how to serve you. All our energies are directed at how it (our work) will benefit the Filipino people because we are your representatives,” dagdag niya. 


Habang patungo si Romualdez sa 44th General Assembly ng AIPA, ipinangako niya na kanyang isusulong ang mga mithiin ng mga Pilipino sa buong mundo. 


"I will bring with me all the cheers, kind intentions, and goodwill of the Filipinos who are present here today and from all over the world," aniya.


Ang kanyang talumpati ay nakikitang bahagi ng malawakang pagsisikap na makaayon sa pandaigdigang plataporma, upang mapaunlad ang kapakanan ng mga Pilipino dito at sa ibayong dagat.


Binanggit ni Romualdez ang mga pagsisikap na nagawa para sa proteksyon ng mga OFWs sa pamamagitan ng iba’t ibang batas na ipinasa ng Kapulungan.


Ang iba rito ay ang pagsasabatas ng Republic Act (RA) No. 11641, na lumilikha ng Department of Migrant Workers (DMW), na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang hakbang sa pagsusulong at pagpapalakas ng kapakanan at proteksyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat.  


Bago nilikha ang DMW, ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 (RA 10364) at ang Anti-Mail Order Spouse Law (RA 10906) ay isinabatas noong 2016, ay nagsisilbing proteksyon sa mga Pilipino sa ibang bansa na biktima ng trafficking at pag-abuso. wantta join us? sure, manure...

ROADMAP NG PILIPINAS PARA SA KASAGANAAN NA NAKATUON SA PAGLIKHA NG TRABAHO, IBINAHAGI NI SPEAKER SA MGA MAMBABATAS NG ASEAN

Ibinahagi ngayong Lunes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang roadmap ng Pilipinas, tungo sa mas malakas at mas matatag na ekonomiya, na may espesyal na pagtuon sa paglikha ng maraming trabaho at mga oportunidad sa kabuhayan para sa sambayanang Pilipino.


Sa kanyang pahayag sa sesyon sa plenaryo ng 44th AIPA (ASEAN Inter-Parliamentary Assembly) general assembly, binigyang-diin ni Romualdez ang mahalagang papel ng partnership sa pagitan ng Kongreso at ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na makamit ang naturang layunin.


Hinimok ni Romualdez ang mga kapwa mambabatas ng ASEAN na gamitin ang okasyon bilang plataporma, hindi lamang sa pakikipagtalakayan, kungdi ang mas mahalaga ay magbahagi ng mga pinakamagagandang kasanayan ng mga miyembro ng parliyamento. 


“Following the lead of President Ferdinand Marcos, Jr., we have adopted a Medium-Term Fiscal Strategy that aims to support economic recovery while ensuring fiscal sustainability,” ayon kay Romualdez. 


“Together with the Executive, we have focused on creating more job opportunities for Filipinos and improving their employability. Productivity-enhancing investments have been promoted while exercising prudence in fiscal management,” dagdag niya.


Sinabi niya na pinagtibay ng mga pinuno ng bansa ang naturang polisiya, at kinilala ang pandemya na siyang nagpalala ng kawalan ng seguridad sa kita, lalo na sa mga walang anumang akses sa proteksyon sa lipunan, sa mga nagtatrabaho sa impormal na ekonomiya. 


“Retooling and re-skilling to sharpen the competence of our job seekers has been our priority, together with the development of sustainable technologies to create more green jobs,” ani Romualdez.


Sa ilalim ng kanyang liderato, sinabi ni Romualdez na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay nagpasa ng 33 sa 42 prayoridad na panukala, na pinagtibay sa Common Legislative Agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), sa pagtatapos ng Unang Regular na Sesyon. 


“Towards the end of 2022, we have taken pride in our accomplishments of the 19th Congress in its first five months, acknowledging the swift but thorough passage of a substantial number of the President’s legislative agenda, including our priority measures in the House,” aniya.


“The results thus far have inspired confidence for us to pursue this further until our development goals are met,” dagdag ni Romualdez.


Bukod rito, binanggit ni Romualdez ang pag-apruba sa panukalang Maharlika Investment Fund na pinuri ni Pangulong Marcos bilang lubos na kinakailangan, “in order to establish a sustainable national investment fund as a strategic mechanism for strengthening the investment activities of top performing government financial institutions, and thus pump-prime economic growth and social development.” 


Binanggit niya rin ang napapanahong paglagda ng P5.268-trilyon 2023 General Appropriations Act, na siyang “the most important and potent tool that the President, his economic team, and the entire government can use to accomplish the goals of the prosperity roadmap.”


Ipinabatid niya sa kanyang mga kapwa mambabatas sa ASEAN na ngayong linggo ay isinumite na ang panukalang FY 2024 National Budget sa Kongreso ng Pilipinas para sa kanilang hakbang. 


“We intend to review and deliberate on the finer points of the proposal to ensure that it becomes the foundation of our vision for economic transformation,” ani Romualdez.


Ang pagbabahagi ng mga pinakamagagandang kasanayan sa pagitan ng mga parliyamento ng ASEAN, ayon pa kay Romualdez, ay makakapagtatag ng pagkakaisa at kooperasyon sa rehiyon, na siyang napakahalaga upang mas maging matatag at nagpapatuloy ang komunidad ng ASEAN. 


Dagdag pa rito, sinabi ni Romualdez na kinakatawan ng AIPA ang epektibong plataporma para sa talakayan ng mga usapin sa inter-parliamentary at diplomasya batay sa pantay na partnership, nagkakasundong paggalang at nagkakasundong benepisyo. wantta join us? sure, manure...

RESOLUSYON NA NAGSUSULONG NG AGARANG PAGLILIPAT NG MGA MAG-AARAL SA HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, PINAGTIBAY

 

Pinagtibay ngayong Lunes ng Komite ng Basic Education and Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang House Resolution (HR) 1059, na humihimok sa Department of Education (DepEd) na bumalangkas at magpatupad ng mga pambansang alituntunin sa agarang paglilipat ng mga mag-aaral na apektado ng mga kalamidad, likas at kagagawan ng tao sa mga pangunahing institusyong pang-edukasyon. Nagpahayag ng pagkadismaya si Rep. Romulo dahil ang mga mag-aaral na biktima ng mga sakuna ay nabibigatan sa karagdagang pahirap na makapagbigay ng maraming dokumento na kinakailangan ng mga tatanggap na paaralan, sa kabila ng pagkakaroon ng Learner Information System (LIS). Ipinaliwanag niya na ang LIS ay naglalaman ng mga impormasyon ng mag-aaral, kabilang ang natatanging Learner Reference Number na itinalaga sa bawat mag-aaral mula sa oras ng pagpapatala hanggang sa kanilang pagtatapos, kahit na lumipat pa sila ng mga paaralan. Nakapaloob sa HR 1059 ang pagtiyak na tatamasahin ng mga mag-aaral ang kanilang karapatan sa edukasyon sa lahat ng oras sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga positibong hakbang na pabor sa mga mag-aaral, kahit na sa panahon ng mga krisis, ay magiging polisiya ng Estado. Ito ang magsisimula sa isang pamantayan ng mga proseso at kasunduan para sa agarang paglilipat ng mga mag-aaral.  Sinuspinde ng Komite ang mga deliberasyon sa substitute bill sa mga HBs 928, 1723, 5589, 1585, at 7666 o ang panukalang “Expanded Government Assistance to Students, Teachers, and Schools in the Private Basic Education Act.” Ang mga deliberasyon para sa HB 8393, na tumitiyak sa pagkakahanay ng pangunahing edukasyon at maagang edukasyon ng bata, ay sinuspinde rin. Ang mga pagsususpinde ay ginawa upang matugunan ang mas marami pang mga impormasyon mula sa mga nagsusulong upang higit na maayos ang mga panukalang batas. wantta join us? sure, manure...

VIETNAM, NANGAKONG MAGLAAN NG MATATAG AT ABOT KAYANG SUPLAY NG BIGAS PARA SA PILIPINAS AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ

SUPORTA NG VIETNAM NA GAWARAN ANG PILIPINAS NG MATATAG NA SUPLAY AT ABOT-KAYANG HALAGA NG BIGAS, HINILING NI SPEAKER


JAKARTA, INDONESIA—Nanawagan ngayong Linggo si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng suporta mula sa Vietnam, na gawaran ang Pilipinas ng matatag na suplay ng bigas sa abot-kayang halaga, bilang pagpapatunay ng malakas na ugnayang pakikipagkaibigan sa pagitan ng dalawang bansa.


Ito ay matapos na makipagpulong si Romualdez kay Vuong Dinh Hue, Pangulo ng National Assembly ng Vietnam, bago ang pormal na pagbubukas ng 44th AIPA (ASEAN Parliamentary Assembly) general assembly rito.


Matatandaang nagpahayag si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng pag-aalala hinggil sa suplay ng bigas sa bansa, sa kabila ng malawakang pinsala sa mga palayan matapos manalasa ang bagyong Egay, at ang banta ng El Nino phenomenon sa produksyon ng bigas.


Gayundin, ang pagbabawal sa pag-aangkat ng bigas noong ika-20 ng Hulyo ng India, ang pinakamalaking exporter ng bigas sa buong mundo --- ay inaasahang makakaapekto sa pandaigdigang halaga ng bigas sa mga kosyumer, lalo na sa Aprika at Asya.


Ang Vietnam ang tradisyonal na pinanggagalingan ng bigas na inaangkat ng Pilipinas, subalit habang maraming bansa ang nakapila, sinabi ng Pangulong Marcos na maaaring maging limitado na lamang ang suplay, at posibleng maghanap na ang bansa ng alternatibong mapagkukunan ng suplay tulad ng India.


Ang pagtitiyak ng suplay mula sa Vietnam ay makatutulong sa pagpapalakas ng suplay ng bansa at mababawasan ang paglobo ng presyo nito dahil sa mga ispekulasyon sa posibleng pagkukulang nito. 


Bilang tugon, sinabi ni Romualdez na ang Pilipinas ay handa namang suplayan ang Vietnam ng mga partikular na produkto at materiyales na kakailanganin nito, upang tugunan ang pangangailangan naman ng kanilang mga industriya o mga konsyumer. 


Sinabi rin ni Romualdez kay Hue na inaasahan niyang mapapalawak ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa, lalo na sa pagitan ng kani-kanilang parliyamento at sa usapin ng transisyon sa enerhiya at digital transformation.


Gayundin, tinalakay ng dalawang pinuno ng parliyamento ang mga oportunidad para sa partnership at kooperasyon upang paunlarin ang supply chain, sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam kaugnay ng iba pang produktong pang agrikultura, at iba pang materyales sa konstruksyon tulad ng semento. 


Samantala, inanyayahan ni Hue si Romualdez na bisitahin ang Vietnam upang maibalik niya ang mainit na pagtanggap na iginawad sa kanya mula sa mga miyembro ng Kapulungan sa kanyang pagbisita sa Pilipinas noong Nobyembre nang nakaraang taon.


Partikular na pinasasalamatan ni Hue ang resolusyong pinagtibay ng Kapulungan ng mga Kinatawan upang palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam sa pamamagitan ng pagtatatag ng Philippine-Vietnam Parliamentarians’ Friendship Society.


Iprinisinta ni Romualdez kay Hue ang kopya ng House Resolution No. 34, sa kanilang idinaos na pagpupulong noong nakaraang taon sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa Lungsod ng Quezon. #


Inanunsyo ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na na nangako ang Vietnam na maglalaan sa Pilipinas ng matatag at abot-kayang suplay ng bigas kasunod ng kanyang pulong kay Vuong Dinh Hue, ang chairman ng National Assembly ng Vietnam -- sa bisperas ng 44th ASEAN Parliamentary Assembly, general assembly sa Indonesia.


Sinabi ni Romualdez na ang hakbang ng Vietnam ay pagpapatibay sa malakas na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.


Ayon sa kanya, makakatulong din ang “assurance” mula sa Vietnam pagdating sa suplay ng bigas ng Pilipinas, at mapipigilan ang posibleng taas-presyo bunsod ng lulutang na “shortages” o kakulangan.


Nauna nang nabahala si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa supply ng bigas sa ating bansa, sa gitna ng pinsalang dulot ng Bagyong Egay at banta ng El Niño phenomenon sa produksyon ng palay.


Inaasahang makaka-apekto rin sa presyuhan ng bigas sa Africa at Asia ang ipinanataw na export ban ng India, na pinaka-malaking rice exporter sa mundo.






Tiniyak naman ni Romualdez na ang Pilipinas ay handang maglaan sa Vietnam ng iba’t ibang produkto at materyal na maaaring kailanganin ng mga industriya roon at consumers.


Binanggit din ng Speaker sa National Assembly ng Vietnam na umaasa siya na lalo pang lalawak ang kooperasyon at partnership sa pagitan ng dalawang bansa, lalo na sa parliyamento at iba pang usapin gaya ng energy transition, digital transformation, at supply chain para sa produktong agrikultural at construction materials, tulad ng semento. wantta join us? sure, manure...