Tuesday, March 05, 2024

PAGPAPALIWANAG NG CHINA SA KORTE NG PILIPINAS HINGGIL SA HARRASSMENT NITO SA WPS, MULING INIREKOMENDA NG ISANG MAMBABATAS

Sa pagpapatuloy na mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea, wala nang magagawa ang ating mga diplomatic protest.


Ito ang naging tugon ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo kasunod ng banggaan ng mga barko ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard sa WPS na nagresulta sa "minor structural damage" pati na ang namataang presensya ng research vessels sa Philippine Rise kamakailan.


Sinabi ni Tulfo na wala nang saysay ang diplomatic protest dahil hindi na rin ito pinapansin ng China.


Dahil dito, iminungkahi ng solon na dapat magpadala na lamang ng mga barko ng Philippine Navy at hilahin ang Chinese vessels na magtatangkang pumasok sa teritoryo ng bansa upang hulihin at pagpaliwanagin sa korte.


Ginagawa na aniya ito noon ngunit natigil lamang kaya sa pamamagitan nito ay maipakikita na seryoso ang bansa at titindig laban sa China.



Punto pa ni Tulfo, ang insidente sa Philippine Rise ay kahalintulad ng nangyari sa Bajo De Masinloc kung saan nag-"shelter" lang ang mga barko ng China pero ngayo'y nang-aangkin na.


Bukod dito, wala namang pinasok na kasunduan ang gobyerno para sa exploration at masyadong malayo ang Benham Rise para sabihing bahagi ito ng South China Sea.


wantta join us? sure, manure...