Friday, March 10, 2023

11 March 2023 SCRIPT

11 March 2023 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

π“„π“ƒ π“†‰π“…Ώπ“ƒ°π“ƒŸπ“† ο£Ώ


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Waray - maupay nga aga

Kapangpangan - mayak a abak

Bicolano - marhay na aga,

Pangasinenese - maabug ya kaboasan

Maranaodan - mapiya kapipita


YES, ARAW NG SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY CARLITO GAVEZ, JR. / GEN ANDRES CENTINO  / ANG ATING AFP CHIEF OF STAFF, / AT ANG ATING BAGONG COMMANDER NG CRS, SI BGEN ARVIN LAGAMON / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PΓ”.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAΓ‘O, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


β€”β€”β€”β€”β€”β€”


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


wantta join us? sure, manure...


wantta join us? sure, manure...

eCONGRESS INTEGRATED AT DIGITAL TECHNOLOGY-DRIVEN PROGRAM, MAGKASANIB NA INILUNSAD NG KAARA AT SENADO

Magkasanib na inilunsad ng mga pinuno mula sa Kamara de Representantes at Senado kahapon (ngayong Huwebes) ang programang eCongress na naglalayong ibigay sa publiko ang isang online platform kung saan ay madaling maakses ang mga impormasyon sa mga gawain, talaan, at mga nagagawa ng dalawang kapulungan, kabilang na ang pagsusulong ng pakikilahok ng sambayanan sa pagbalangkas ng mga polisiya. 


Binasa ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ang nakahandang talumpati ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang maisagawa, magkaroon ng constant collaboration, coordination, at sharing ng mga impormasyon sa isang people centered legislative governance.


(At iginiit din niya ang pangangailangan ng mga may kaugnayan, tumutugon, at napapanahong lehislasyon, hindi lamang para suportahan ang mga hangarin ng pamahalaan, kungdi upang iangat ang kalidad ng paglilingkod-bayan upang malagpasan ang mga hamon at pagsubok na idinulot ng pandemyang COVID 19. )


Hinimok naman ni Senate President Zubiri ang kanyang mga kapwa mambabatas sa Kamara at Senado na samantalahin ang teknolohiyang digital, upang mas maging madali at episyente ang proseso ng lehislasyon sa kanyang talumpati.




(Na ang ibig sabihin ay, β€œholding virtual hearings, authorizing the use of e-signatures for bills and committee reports, and beefing up our efforts to reflect the movement of our legislative documents to our website in real time.”)


Ang pinakatampok sa paglulunsad na programa ay ang seremonyal na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ng Programa ng dalawang kapulungan. 


Sina House Secretary-General Reginald Velasco and Senate Secretary Renato Bantug Jr. ang lumagda sa ngalan ng dalawang kapulungan. 


Isinasaad sa MOA na magkasanib na itatatag ng Kapulungan at Senado ang eCongress bilang isang programang kolaborasyon.


Ayon sa MOA, ang dalawang kapulungan ay parehong nangangailangan na ipagpatuloy ang pinaunlad, pinalakas, sinimplehang mga komunikasyon sa pagitan ng dalawang kapulungan, upang magkasanib nilang maisakatuparan ng mas episyente at mas epektibo ang pangunahing tungkulin ng Kongreso para sa representasyon, lehislasyon at pangangasiwa. 


Sa ilalim ng MOA, magiging tungkulin ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ang: 1) digitalisasyon ng proseso sa lehislasyon, proseso sa suportang lehislasyon, suportang serbisyo sa lehislasyon, kabilang na ang digitisasyon ng mga talaan ng lehislatura; 2) pagkakaroon ng elektronikong akses at pamamahgi ng mga impormasyon sa pamamagitan ng website, web-based access sa serbisyo, at elektronikong komunikasyon; 3) pagpapaunlad ng imprastrakturang digital; at 4) pagpapaunlad at pagpapatuloy ng pagsasaayos ng mga digital na kakayahan ng mga mambabatas, legislative staff, at mga nagsusulong. 


Ang pagpopondo para sa pagpapaunlad, paggamit at pagmamantine ng eCongress ay pantay na magkatuwang na sasagutin ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado. 


Magpapalabas sila ng paunang pondo, at mga susunod pang pondo para sa patuloy na pagmamantine ng programa ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ayon pa sa MOA.


wantta join us? sure, manure...