Friday, January 19, 2024

hajji Nanindigan si House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na legal ang unprogrammed funds sa ilalim ng General Appropriations Act.


Tugon ito ni Co sa inihaing petisyon ng grupo ni Albay Representative Edcel Lagman sa Korte Suprema na kumukwestyon sa constitutionality ng umano'y excess unprogrammed funds sa 2024 National Budget.


Ayon kay Co, ang unprogrammed funds ay ginawa para sa emergency projects na kabilang sa "wish list" ng gobyerno sakaling mayroong mahuhugot na pondo mula sa revenues.


Hindi aniya ito obligasyon o kontrata at hindi bahagi ng National Expenditure Program na ang layunin ay ipagkaloob sa pamahalaan upang maisakatuparan ang wish list kapag may sobrang pondo at lumago ang ekonomiya.


Paliwanag ni Co, inilalabas ang unprogrammed funds matapos sertipikahan ng Department of Budget and Management at Treasury na may sobrang kita.


Ibig sabihin, hindi na umano ito bago sa sistema lalo't sa mga nakalipas na national budgets ay maituturing itong mabuting "planning practice" para sa emergency situations.


Inihalimbawa nito ang COVID-19 pandemic kung saan kinulang sa pondo at gumastos ng 400 billion pesos bukod sa pagtatapyas ng pondo mula sa NEP kaya naantala ang ilang proyekto o hindi natuloy para lang matugunan ang pangangailangan.


Dagdag pa ng mambabatas, hindi trabaho ng gobyerno na mag-impok o magtabi ng pera kundi kailangang gastusin upang makamit ang double-digit growth.

wantta join us? sure, manure...

rpp Kamara, kumilos para sa agarang pagpapalabas ng P35M halaga ng ayuda sa mga biktima ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao


Magkatuwang na kumikilos ang tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Partylist, at Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. para sa agarang pagpapalabas ng  P35 milyong pinansyal na ayuda at 17,500 food packs na inihahanda at ipapamahagi sa pitong distrito na apektado ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region.


Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nasa 45,000 na pamilya o 187,000 na indibidwal ang apektado ng pagbaha at landslides bunsod ng malakas na pag-ulan mula pa noong Martes dulot ng shear line.


Binigyang diin ni Speaker Romualdez, lider ng 300 miyembro ng Kamara de Representamtes, ang kahalagahan ng agarang pagtugon kasabay ng pagtiyak na hindi mapapatid ang pagkakaloon ng kinakailangang tulong sa Davao Region na naapektuhan ng kalamidad.


“Every moment counts, and we are working tirelessly to ensure that financial aid and essential supplies reach those in need without delay,” sabi ni Speaker Romualdez.


“We understand the gravity of the situation, and our combined efforts aim to alleviate the immediate challenges faced by our fellow Filipinos,” dagdag niya.


Pagtiyak naman nina Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre sa mga biktima na ginagawa ng administrasyong Marcos ang lahat para makatugon sa kanilang pangangailangan


"Our hearts go out to the people of the Davao Region facing the aftermath of this natural disaster,” saad ni Rep. Yedda Romualdez. 


"Tingog Partylist is committed to working alongside Speaker Romualdez's office to ensure that our assistance reaches those who need it most," sabi naman ni Acidre.


Ayon sa House Speaker, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para kagyat na mailabas ang P5 milyon sa kada pitong distrito ng Davao Region sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program. 


Ang naturang tulong pinansyal ay para sa mga distritong kinakatawan nina Reps. Maria Carmen Zamora (Davao de Oro, 1st District), Alan “Aldu” Dujali (Davao del Norte, 2nd District), Cheeno Miguel Almario (Davao Oriental, 2nd District), Nelson Dayanghirang (Davao Oriental, 1st District), at Ruwel Peter Gonzaga (Davao de Oro, 2nd District).


Kasama rin sa inaayudahan ang unang distrito ng Davao del Norte at lone district ng Davao Occidental sa pamamagitan ng tanggapan nina Vice Governors De Carlo “Oyo” Uy at Lorna Bandigan.


Kada distrito ay bibigyan din ng 2,500 food packs, na nagkakahalaga ng P350 kada pack.


Malaking tulong ang financial aid para tugunan ang iba't ibang aspeto ng relief efforts kasama na ang pagsasaayos ng maliliit na istruktura, tulong medikal at ayuda sa mga displaced family.


Inihahanda naman na ang food packs na tiniyak na ankma sa nutrisyunal na pangangailangan ng mga indibidwal at pamilya. (END)

wantta join us? sure, manure...

rpp PH swak na destinasyon ng dayuhang pamumuhunan dahil sa lakas nito, pagkakaisa ng ASEAN



Perpektong destinasyon umano ng dayuhang pamumuhunan ang Pilipinas dahil sa malakas na ekonomiya nito at mga repormang ipinatutupad para mas maging bukas ang ekonomiya kasabay ng magandang pagsasama ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na bagamat magkakaiba ang kultura, wika, at pamamaraan ng mga miyembrong bansa ng ASEAN, nag-uugnayan ang mga ito upang matugunan ang mga hamon na kapwa nila kinakaharap.


“And that's why it's not such a big surprise that after the COVID pandemic we the ASEAN emerged as the bright spot in the global economy of course I'd like to put the Philippines up front,” ani Speaker Romualdez, isa sa mga panelist ng “Learning from ASEAN” session sa World Economic Forum Annual Meeting live panel discussion kung saan host ang CNN anchor na si Julia Chatterley noong Miyerkoles ng hapon (oras sa Switzerland).


Inaasahan na mananatili ang ASEAN bilang rehiyon na may pinakamabilis na pag-unlad ang ekonomiya sa mundo at magsisilbing malaking bahagi ng pag-angat ng Asia-Pacific sa susunod na dekada.


“And we like to herald the fact that we have a very, very young working population with the median age of 25 years old. We also have an English-speaking population that provides this facility for communications not just within the ASEAN but throughout the international global community,” sabi ni Romualdez, na siyang nanguna sa delegasyon ng Pilipinas sa 2024 WEF meet.


“We are announcing to the global community that as opposed to the past decade when there was a bit of an isolation of the Philippines the Philippines is open for business: we welcome the global community we want to share our talents, our gifts to the whole world,” dagdag pa nito.


Nauna rito, sinabi ni Romualdez sa lider ng iba’t ibang international business groups sa isang breakfast roundtable discussion ang mga hakbang na gagawin ng Pilipinas upang alisin ang limitasyong sa dayuhang pamumuhunan na nakasaad sa Konstitusyon.


“We want to share our talents, our gifts to the whole world.  We leverage from the experience of our neighbors in the ASEAN (like) Vietnam and Thailand that have proven to be stalwarts in the region,” sabi ni Romualdez.


“And this is where we see what we call nationalism within the region. We try to prosper in this global community environment. And that's why we try to strive to celebrate our individuality but then we come together and we share,” saad pa nito.


Inanunsyo rin ni Speaker Romualdez ang paglulungsad ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa—ang Maharlika Investment Fund (MIF).


“This forum is an auspicious time for us because it is the very first time that the Philippines is presenting to the WEF our first Sovereign wealth fund called the Maharlika Investment Fund. We have just launched it this morning and our CEO now is meeting with a number of fund managers and we are trying now to reach out to the world,” sabi ni Romualdez. 


Gagamitin ang MIF upang agad na magawa ang mga proyekto at programang kinakailangan ng bansa na magpapalakas sa ekonomiya, lilikha ng mapapasukang trabaho at magpapahupa ng kahirapan sa bansa.


Ang pondo ay estratehikong ilalagay sa mga sektor na magtutulak ng multi-generational growth, partikular sa sektor ng enerhiya, food security, physical connectivity, teknolohiya, at napapanatiling paggamit ng pambansang yaman.


Sinabi ni Maharlika Investment Corporation CEO Rafael Consing, Jr. na ginawa ang MIF na maging pangmatagalan at epektibo.


Dagdag pa nito, ang pamamahala sa MIF ay nakaayon sa pinakamahusay na kasanayan sa mundo kung saan tinitiyak na ito ay transparent, may pananagitan at sumusunod sa pinakamataas na pamantayan. (END)

wantta join us? sure, manure...

rpp Speaker Romualdez nakipagpulong sa mga manager ng nangungunang sovereign wealth fund


Nagbukas ng pintuan para sa ugnayan at kolaborasyon ang pakikipagpulong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Martes, (oras sa Switzerland) sa mga manager ng mga nangungunang sovereign fund at pangunahing lider ng ibang bansa sa ikalawang araw ng 2024 Annual Meeting ng World Economic Fund sa Davos.


Pinangunahan ni Romualdez ang delegasyon ng Pilipinas sa taunang pulong ng WEF ngayong 2024 na ang pangunahing layunin na makahikayat ng dagdag na foreign investments sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund upang magpatuloy ang pag-angat ng ekonomiya at makalikha ng mapapasukang trabaho para sa mga Pilipino.


“These high-level engagements with international business leaders and policymakers in this years’ WEF annual meeting are invaluable as they provide us with opportunities to explore avenues for partnerships, collaborations, and investment opportunities to unleash the potential of the Maharlika Investment Fund for the benefit of the nation and our people,” ani Romualdez. 


Kasama sa prominenteng opisyal na nakaharap ni Romualdez sa sidelines ng WEF si Israfil Mamadov, Chief Executive Officer ng State Oil Fund ng Republic of Azerbaijan (SOFAZ). Hanggang nitong Marso 31, 2023 tinatayang nasa 53, 437.6 milyong dolyar ang asset ng SOFAZ.


Natanggap ng SOFAZ ang United Nations Public Service Award para sa Improving Transparency, Accountability, at Responsiveness in Public Service noong 2007.


Nakipagpulong din si Speaker Romualdez sa chairman ng Singapore state investment firm Temasek Holdings Limited na si Lim Boon Heng.


Naitatag ang Temasek Holdings at mayroong 11 opisina sa buong mundo. Nakatuon ang corporate arm nito sa investment portfolios.


Nitong 2023, ang net portfolio ng Temasek ay nagkakahalaga ng 287 bilyong dolyar, kung saan 27 bilyong dolyar ay divested at 31 bilyong dolyar naman ang ipinuhunan nang taong iyon.


“The exchange of ideas, best practices and insights on the management, investment policies and insights on sovereign wealth fund could prove invaluable in helping realize the vision of President Ferdinand R. Marcos, Jr. for the MIF as a catalyst for our nation’s growth and development,” saad ni Romualdez.


Ipinakilala ni Pangulong Marcos Jr., sa international community ang MIF sa soft launch nito noong siya ay dumalo sa WEF annual meeting noong nakaraang taon.


Nakaharap din ni Speaker Romualdez ang kanyang Swiss counterpart, na si Eric Nussbaumer, pangulo ng National Council (Parliament) of Switzerland at kanilang pinag-usapan ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Switzerland.


Tinukoy ni Romualdez na ang Pilipinas, sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. ay isinusulong ang pagpapalakas ng paggamit ng renewable energy.


Nagkaroon din ng pulong si Romualdez kasama si Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, na una na niyang nakaharap sa bilateral meeting ni Pangulong Marcos Jr. sa sidelines ng 43rd ASEAN Summit sa Indonesia Setyembre ng nakaraang taon.


Nakatakdang bumisita si Pangulong Marcos sa Vietnam sa katapusan ng Enero para sa isang state visit kung saan inaasahang lalagdaan ang kasunduan para sa pagsusuplay ng bigas sa bansa.


Para kay Romualdez, ang mga ugnayang ito kasama ang mga policymakers ay patotoo na isang magandang plataporma ng WEF para sa kolaborasyon at pagtutulungan para tugunan ang mga isyung pandaigdig at makapaglatag ng mga polisiya para harapin ang mga hamong kapwa kinakaharap ng mga bansa. (END)

wantta join us? sure, manure...

rpp Pagbati sa nanalong Taiwan president karapatan ni PBBM


Ipinagtanggol ng isang mataas na lider ng Kamara de Representantes si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. laban sa ginawang pagbatikos ng China matapos nitong batiin ang bagong halal na Pangulo ng Taiwan na si Lai Ching-te sa pagkapanalo nito.


Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang ipinakitang mabuting kalooban ni Pangulong Marcos sa pinuno ng Taiwan ay naaayon sa diplomatikong mga prinsipyo at pangako ng ating bansa na patatagin ang positibong relasyong panlabas.


"President Marcos, as the elected leader of our sovereign nation, holds the prerogative to extend congratulations and foster amicable relations with global leaders," sabi niya.


Dagdag pa nito, ang pagbati ng Pangulo sa pinuno ng Taiwan ay hindi paglihis sa patakarang panlabas ng Pilipinas.


Sagot naman ni Gonzales sa pagkabahala ng Chinese Foreign Ministry: "The Philippines values its diplomatic relationship with China and remains committed to mutual respect and understanding. However, it's imperative to clarify that fostering friendly ties with neighboring countries and acknowledging their leadership does not equate to 'playing with fire’, as the foreign ministry put it.”


Tinukoy din nito ang malalim na people-to-people relations sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan, dahil sa malaking ambag ng malaking bilang ng mga Pilipino sa lipunan at ekonomiya ng Taiwan.


"Our connections go beyond diplomatic formalities. They are rooted in the shared aspirations and hard work of our people," punto pa ni Gonzales.


Sa mungkahi naman ng foreign ministry kay Pangulong Marcos na lawakan pa ang pag-unawa sa isyu sa Taiwan, sabi ni Gonzales: “While we appreciate constructive dialogue, it's crucial to approach international discourse with respect. Suggestions that undermine the competence of our nation's leader are neither productive nor reflective of the mutual respect that should anchor our bilateral relations.”


Muling binigyang-diin ni Gonzales ang pagtalima ng Pilipinas sa international diplomatic norms at ang pagpapanatili ng maayos na relasyon sa lahat ng bansa kasama ang China at Taiwan.


"The strength of our nation lies in our ability to engage with the world with dignity, respect, and a clear understanding of our national interests," diin pa ng lider ng Kamara. (END)

wantta join us? sure, manure...

mar Hindi nyo kami hawak sa leeg. Kaya huwag niyo kaming tratuhin na parang alipin niyo kami at kayo ang aming panginoon!”.


Ito ang matigas na pahayag at paninindigan ng Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace “Alas” S. Barbers patungkol sa panibagong panggigipit ng China sa Pilipinas matapos nilang batikusuin si President Bongbong Marcos, Jr.


Sinabi ni Barbers na wala siyang nakikitang masama o mali sa ginawang pagbati ni Pangulong Marcos, Jr. sa bagong halal na lider ng Taiwan na si President Lai Ching-Te na tinitignan naman ng China bilang negatbong aspeto. 


Kung kaya’t binatikos ng China ang Punong Ehekutibo dahil dito.


Dahil dito, binigyang diin ni Barbers na walang karapatan ang China na sindakin, supilin ang kalayaan ng Pilipinas at umastang hawak nito sa leeg o kontrolado nila ang mga Pilipino dahil mistulang binubusalan nila ang bibig ng mga Pinoy dahil sa ginawa nilang pagbatikos sa Pangulong Marcos, Jr.


“Hindi pa man eh’ umaarte na kayo ang may-ari ng Pilipinas. Pati ba naman mga bibig naming ay gusto niyong i-water cannon? Kahit katiting na sobereniya ay wala kayong karapatan dito sa Pilipinas dahil patin ang karapatan naming magpahayag ng aming saloobin ay pinakiki-alaman niyo pa,” sabi ni Barbers.


Iginigiit pa ni Barbers na patuloy na maninindigan ang pamahalaan ng Pilipinas para ipagtanggol at panatilihin ang sobereniya nito sa gitna ng patuloy na panggigipit o harassment ng China sa mga Pilipinong nakatalaga sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng pangbo-bomba ng water cannon.


“Make no mistake about it. We will fight to keep our freedom, independence and our rights as a sovereign nation. Whoever threatens our free existence we shall fight and resist to the last man. We are not your subjects and our country is not a vassal state that owes allegiance to China,” pagdidiin pa ni Barbers.



Kaugnay nito, Dahil dito, dinepensahan ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang Pangulong Marcos, Jr. sa pagsasabing walang mali sa ginawang pagbati ng Pangulo kay Ching-Te matapos itong maluklok bilang Presidente ng Taiwan bilang bahagi ng “diplomatic process”.


Ikinatuwiran ni Valeriano na ginampanan lamang ni Marcos, Jr. ang kaniyang obligasyon bilang isang Head of State sa pamamagitan ng pagsunod sa tinatawag na “diplomatic principles” at commitment ng bansa upang itaguyod ang positibong pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang bansa.

wantta join us? sure, manure...