Friday, February 23, 2024

24  FEBRUARY 2024 SCRIPT

๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ 

๐“„๐“ƒ ๐“†‰๐“…ฟ๐“ƒฐ๐“ƒŸ๐“† ๏ฃฟ


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Ilocano - naimbag na bigat

Hiligaynon - maayo nga aga

Waray - maupay nga aga

Kapangpangan - mayak a abak

Bicolano - marhay na aga

Pangasinenese - maabug ya kaboasan

Maranaoan - mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYAโ€™T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING BAGONG MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER SI FRANCEL MARGARETH PADILLA  / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH Pร”.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318โ€ฌ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAร‘O, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD โ€“ KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


๐†แ‹แ’แ‹แเซฎแ‹ แŽทแŽงแ’แŽดแ‹แแŽง แŽถแ’แ—แแ—


wantta join us? sure, manure...

Powee NSCR kritikal na solusyon sa trapiko sa Metro: Villar


Pinuri ni Senador Mark Villar kamakailan ang DOTr sa pagpapatupad ng Proyektong North South Commuter Railway (NSCR), na sinasabing lulutas sa trapiko sa Metro Manila.


Ayon kay Villar, ang NSCR ay kritikal na proyekto na maaaring magpagaan ng trapiko sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.


Mag-uugnay ang NSCR mula sa New Clark City, Tarlac patungo  sa Calamba, Laguna na mayroong 36 na istasyon sa National Capital Region, Laguna, Bulacan, at Pampanga.


May ekspress na serbisyo rin ito papuntang Clark International Airport na tumatakbo ng 160 km/hr.


Inaasahang maglilingkod ito sa isang milyong pasahero kada araw pagkatapos ng pagtatapos nito noong 2029.


Naniniwala rin si Villar sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor para malutas ang mga suliranin sa transportasyon.


Nagbabala din ang senador  na ang pagpapatupad ng NSCR ay haharap din sa mga hamon, lalo na sa pagkuha ng karapatan sa pagdaan (right-of-way) at pag-aalis ng mga informal settlers sa mga dadaanan ng tren.




Binanggit niya na ang "mabilis at maayos na pagtatapos ng NSCR ay nangangailangan ng mabilis na pagkuha ng ROWs sa mga kasalukuyang linya ng Philippine National Railway (PNR) kung saan tatakbo ang NSCR.


"Hindi magiging madali ang gawain," binanggit ni Villar. "Ito ay nangangailangan ng maingat na balanse sa pagitan ng interes ng progreso, at ng mga komunidad na maapektuhan at pinansyal na gastos sa pag-aalis ng malalaking komunidad ng mga informal settlers," dagdag pa ni Villar.


Sinabi din ni DOTr Undersecretary for Rail na si Jeremy Regino na may mga 14,000 pamilyang informal settlers ang naapektuhan ng proyekto. Sinabi niya na handa ang pamahalaan na magbigay ng socialized housing sa mga lugar ng resettlement para sa mga kwalipikadong pamilya, pati na rin ang relocation at iba pang economic assistance para sa kanila.


Sinabi ni Regino na ang mga alalahanin ng mga apektadong informal settlers ay pinag-uusapan nang sabay-sabay ng DOTr, mga kinauukulang lokal na pamahalaan, mga ahensya ng pabahay, at iba pang mga ahensya ng gobyerno.


xxx


wantta join us? sure, manure...

21 Feb 2024 Presser by Reps Stella Quimbo and JC Abalos


My Question to Rep Estella:


Q: Ano po ang take nyo sa ipinasa na ng Senado na 100-peso increase?


QUIMBO: Katulad nga po ng sinabi ko sir, basta pagdating sa wage hike ay suportado naman po natin ang pagsuporta or pagprotekta ng welfare ng ating mga manggagawa.

Ang kailangan lang natin siguraduhin is kung ano ang binigay natin with our left hand sa mga manggagawa at ayaw naman natin na mawala sa kaliwang kamay through economic effects ang binigay natin sa kaliwang kamay. Yun ang kailangan nating siguraduhin and at the same time, katulad ng nabanggit ko kanina, iba-iba naga po ang presyo sa bawat region. So P100 baka kulang na kulang po dito sa NCR. Baka sapat siya sa ibang region pero kulang na kulang dito sa NCR. Kasi mas mataas po ang presyo ng bilihin dito sa NCR. So 'yun po ang kailangan natin pag-aralan. Yung P100

po kasi na wage hike sa Senate bill, iyan po ay across the board. Pareho po 'yan sa lahat ng regions. So yun po yung nakikita po natin na baka pwede po natin pag-aralan pa. So ang kailangan kasi dito is equitable siya. So yun ang, that's why we need to be able to get the inputs of our experts particularly yung ating regional wage board. Kasi sa ngayon ang sistema is pagdating sa minimum wage hike determination pina-paubaya po natin 'yan sa regional wage boards. So that's the current system. So ang tanong is isasantabi ba natin yan and adapt a uniform a minimum wage hike for every single region? Yun question mark 'di ba? So ang pinaka-magandang gawin is dinggin na natin finally dito sa Congress ang several pending bills. So nagre-range po siya sa Php150, I think up to Php350. Yun po ang range ng pending bills dito po sa Congress. So kay Deputy Speaker Raymond Mendoza po yung Php150. So sa pagkakaalam ko po next Tuesday na po ang magiging hearing ng Committee on Labor and Employment.



wantta join us? sure, manure...

Kath Malaking tulong para sa dagdag kaalaman ng mga Pilipino kung mabubuksan ang sektor ng edukasyon sa dayuhang mamumuhunan.


Ito ang binigyang diin nina House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, at Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. sa isang pulong balitaan.


Kasama ang sektor ng edukasyon sa mga probisyon ng 1987 Constitution na nais amyendahan sa ilalim ng Resolution of Both Houses No. 6 at 7 ng Senado at Kamara o ang economic charter change.


Ayon kay Miral, pinalad siyang mapadala at mapag-aral abroad, ngunit hindi aniya lahat ng Pilipino ang mabibigyang ng ganitong pagkakataon.


Kaya mas mainam kung mismong ang mga foreign education institution ang pumunta sa Pilipinas para mas magkaroon ng access ang mga Pilipino sa dagdag na kaalaman.


Ganito aniya ang sistema sa Singapore at Malaysia na bahagi ng naging pag-aaral ng CPBRD tungkol sa pagpasok ng foreign direct investment sa limang bansa sa ASEAN Region.


โ€œMas kaunti kasi ang makakalabas (ng Pilipinas). Halimbawa, yun mismong mga educational institututions na ito ay pupunta dito sa ating bansa, mas maraming makakapag-aral sa atin at makapag-take advantage ng mga bagong kaalaman. Kasi, like Singapore, they welcome this. Sa Malaysia ganun din. So talagang mahuhuli tayo pag hindi natin ito sinundan yung ganung trend,โ€ saad ni Miral.


Pinawi rin ng opisyal ang pangamba ng ilan na mabago ang pagiisip at values ng mga Pilipino kapag nagpapasok ng banyagang institusyong pang akademiya.


Aniya wala naman nabago sa kaniyang Filipino values nang siya ay mag-aral abroad.


โ€œHindi ko tinitingnan na it will be detrimental to our values. Sa palagay ko naman sa pag-aaral ko (sa abroad), hindi ako nagbago. Nandun yung same values (ko). Palagay ko ung formation na iyon na habang bata tayo nabubuo na iyon,โ€ dagdag niya


Sa panig naman ni Acidre, sinabi nito na dagdag exposure ang hakbang na ito para sa mga mag-aaral na magamit ang kanilang mga natutunan.


โ€œKung pag-aaral lang yan, pwede nang pag-aralan dito sa Pilipinas. It is really the exposure to practice and learn that we are trying to get. Now, not everybody will have that opportunity. Kaya nga gusto natin dalhin sa Pilipinas para yung mga hindi naman maka afford, walang panahon o pagkakataon makapag-aral abroad, ay magkaroon sila ng pagkakataon na makuha ang parehong exposure, parehong pag-aaral para hindi na sila mangibang bansa,โ€ sabi ni Acidre


Una nang sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na kailangan ngayon ng education sector ng Pilipinas ng mga makabagong teknolohiya at foreign methodologies para mapagbuti ang kalidad ng pagtuturo sa bansa.


##


wantta join us? sure, manure...

Milks/23feb24


Pag-alis ng deployment ban sa Kuwait, isinusulong sa Kamaraโ€ฆ



Isinusulong ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo na pag-aralan na ng gobyerno ang pag-alis ng deployment  ban sa mga Pilipinong manggagawa sa bansang Kuwait.


Ayon kay Salo, dapat tiyakin lang ng gobyerno na maipatutupad ang mga kasunduan lalo na ang proteksiyon sa mga oFw.


Ang apela ni Salo ay kasunod ng desisyon ng Kuwaiti Court of Appeals nang pagtibayin ang conviction sa pumatay kay Jullibee Ranara.


Sabi ni Salo, Chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, mahalaga itong yugto dahil ipinakita ng gobyerno ang pagpapahalaga sa ating mga oFw na itinuturing na mga bagong bayani.


Kasabay nito, nagpasalamat din si Salo kay Pangulong Bongbong Marcos, sa Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs at mga opisyal ng Philippine Embassy sa Kuwait sa kanilang dedikasyon na maibigay ang hustisya sa ating kababayan kasabay ang apela ng patuloy na pagkalinga sa ating mga oFw.


Sa statement ng DMW, pinagtibay ng state of Kuwait Appeals Court ang guilty verdict sa pumatay kay Ranara na ang bangkay ay natagpuang sinunog at inilibing sa disyerto noong January 2023.

wantta join us? sure, manure...

FEB 23

-Hajji-


Inihayag ng "think tank" ng Kamara na Congressional Policy and Budget Research Department na hindi sapat ang paglikha ng batas para makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.


Sa pulong balitaan, sinabi ni CPBRD Chief Deputy Secretary General Jun Miral na walang saysay ang legislative efforts upang mang-engganyo ng foreign investments kung mismong ang 1987 Constitution ang ugat ng problema.


Binanggit ni Miral ang batas na nag-amiyenda sa Public Service Act na ang layunin ay alisin ang 40 percent foreign nationality ownership restriction na ipinataw sa halos lahat ng public service companies sa ilalim ng Saligang Batas.


Ngunit hindi pa rin aniya nagagawang ipatupad ang Public Service Act of 2022 dahil sa kakulangan ng implementing rules and regulations bukod pa sa nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa constitutionality nito.


Binigyang-diin pa ng opisyal na hindi tiyak kung handa ang mga investor na mamuhunan sa Pilipinas gayong may pending case sa Supreme Court at hindi pa alam kung kailan ito mareresolba.


Dahil dito, kumbinsido si Miral na dadagsain lang ng investors ang bansa kung maaalis na ang balakid na restrictive economic provisions na nakapaloob sa kasalukuyang Saligang Batas.

wantta join us? sure, manure...

DAYUHANG PAGMAMAY-ARI SA MEDIA AT EDUKASYON, MAKABUBUTI SA BANSA


Malaking benepisyo sa bansa ang liberalisasyon sa edukasyon at media na isinusulong ng Kamara at Senado sa reporma ng Charter, na inaasahang magbibigay ng magandang oportunidad sa mga makabagong kaalaman na ituturo sa mga dayuhang insitusyong pang-edukasyon, para sa mga kabataang Pilipino, kabilang na ang pagkakaroon ng mga trabaho sa pagpasok ng mga dayuhang media sa bansa. 


Sa idinaos na pulong balitaan sa Kamara, ibinahagi nina House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, at Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. ang kanilang mga pananaw sa mga epekto ng pagbabago sa economic charter, lalo na ang dayuhang pagmamay-ari ng edukasyon at media. 


Ipinapanukala sa parehong Resolution of Both Houses (RBH) 7 na inihain ng Kamara de Representantes at RBH 6 ng Senado, ang mga panukalang amyenda sa Articles XII, XIV at XVI, na nakatuon sa national patrimony, economy, education at general provisions 1987 Konstitusyon. 


Sa bahagi ng media foreign ownership, sinabi ni Miral na binura ng digitalisasyon ang territorial boundaries. 


โ€œWala na talagang boundaries. Kaya sayang naman kung sa halip na nandidito yung headquarters nila, e nandudun sa ibang bansa,โ€ aniya. 


Aniya, ang foreign media sa bansa ay magbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino sa kanilang headquarters kapag ito ay itinayo sa bansa. 


โ€œKung nandidito ang mga headquarters nila kaysa nandudun sila sa ibang bansa, tapos tayo nagpapadala lang ng content doon and then saka nila ipapalabas dito sa atin, nakakapanghinayang yung pagkakataon na ganon,โ€ ani Miral. 


Sa pagpapahintulot naman ng foreign ownership ng mga educational institutions, sinabi ni Miral na sasakupin lamang nito ang tertiary o higher education. 


Ayon sa kanya, ang pagpapahintulot ng foreign educational institutions sa bansa ay magbibigay ng oportunidad sa maraming mag-aaral na Pilipino na matuto ng mga bagong kaalaman. 


โ€œMas kaunti kasi ang makakalabas (ng Pilipinas). Halimbawa, yun mismong mga educational institututions na ito ay pupunta dito sa ating bansa, mas maraming makakapag-aral sa atin at makapag-take advantage ng mga bagong kaalaman. Kasi, like Singapore, they welcome this. Sa Malaysia ganun din. So talagang mahuhuli tayo pag hindi natin ito sinundan yung ganung trend,โ€ dagdag niya pa. 


Ipinahayg rin ni Miral ang kanyang paniniwala, na ang foreign educational institutions sa bansa ay hindi makakasama sa mga kaugaliang Pilipino. 


โ€œHindi ko tinitingnan na it will be detrimental to our values. Sa palagay ko naman sa pag-aaral ko (sa abroad), hindi ako nagbago. Nandun yung same values (ko). Palagay ko ung formation na iyon na habang bata tayo nabubuo na iyon,โ€ aniya. 


Idinagdag niya na, โ€œPagdating natin sa edad na iyon, maliwanag na ang pag-iisip natin. Kaya  nga may age of reason na. So palagay ko alam na natin ang tama. Saka isa pa, yung tama at mali, thatโ€™s something universal e. At kung talagang alam natin ang tama at mali, hindi ko alam bakit it is something to be concerned of. Hindi ko talaga maintindihan.โ€ 


Ayon kay Acidre, ang pag-aaral sa ibayong dagat ay nagbibigay ng kinakailangang exposure sa mga mag-aaral na mag practice at matuto ng mga bagong kaalaman. 


โ€œKung pag-aaral lang yan, pwede nang pag-aralan dito sa Pilipinas. It is really the exposure to practice and learn that we are trying to get. Now, not everybody will have that opportunity. Kaya nga gusto natin dalhin sa Pilipinas para yung mga hindi naman maka afford, walang panahon o pagkakataon makapag-aral abroad, ay magkaroon sila ng pagkakataon na makuha ang parehong exposure, parehong pag-aaral para hindi na sila mangibang bansa,โ€ aniya.


wantta join us? sure, manure...