Tuesday, January 31, 2023

ANIM NA MILYUNG HOUSING UNITS NA TARGET NG ADMINISTRASYONG MARCOS, PINAUMPISAHAN AT PINASINAYAAN NG PANGULO AT NI SPEAKER ROMUALDEZ

Nagpahayag ng kompiyansa si House Speaker Martin Romualdez na kakayanin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang target na magpatayo ng anim na milyung housing units sa kanyang anim na taong panunungkulan.


Sinabi ni Romualdez na target ng administrasyon ang isang milyung housing units kada taon. 


Ambisyoso aniya ang target na ito subalit kompiyansa ang Speaker na magtatagumpay ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa layunin at kooperasyon ng lahat ng stakeholders para programa.


Ginawa ni Romualdez ang kanyang pahayag sa ginanap na pasinaya at groundbreaking ng Legacy Housing Project ng Marcos administration sa Batasan Hills, Quezon City kaninang umaga.


Tinawag ng mga local officials na “Bagong Bliss para sa Mamamayan ng Quezon City.”


Bahagi ito ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni President Marcos.


Matatandaang itinayo ang BLISS (Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services) housing project ng kanyang ina na si former First Lady Imelda Romualdez Marcos noong sya pa ang minister of human settlements.


wantta join us? sure, manure...