Thursday, October 19, 2023

Nagbabanta sa mga miyembro haharapin ng Kamara—Dalipe



Haharapin umano ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang sinumang nagbabanta o nananakot sa alinmang miyembro nito, ayon kay House Majority Leader Jose Manuel Dalipe.


Sa isang panayam, natanong si Dalipe kung susuportahan ng Kamara si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na determinadong magsampa ng kasong grave threats laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“I think the House will be united to stop all of these statements that are not really needed to be issued by any person,” ani Dalipe.


“We do not want that anybody would just issue a death threat to any senator or to any congressman, or even to the president of the Philippines, vice president of the Philippines. Hindi po puwede,” sabi pa nito.


Sinabi ni Dalipe na ang pananakot sa mga miyembro ng Kongreso ay katulad din ng isang bomb hoax sa airport na ipinagbabawal ng batas.


“Parang pumupunta ka sa airport tapos sasabihin mo may dala-dala kang bomba na it’s just a joke, so the House takes that threat seriously,” wika pa nito.


Pinagbantaan umano ni dating Pangulong Duterte si Castro sa isang panayam sa telebisyon sa Davao City.


Si Castro ay tutol sa paglalagay ng confidential fund sa Office of the Vice President (P500 milyon) at Department of Education (P150 milyon)na kapwa pinamumunuan ng anak ni Duterte na si Vice President Sara Duterte.


Kamakailan ay nagdesisyon ang Kamara na ilipat ang confidential funds ng DepEd, OVP, at ilan pang ahensya sa mga security agency na may kinalaman sa pagbibigay ng seguridad sa bansa lalo at mayroong tensyon sa West Philippine Sea.


Dinagdagan din ng Kamara ang pondo para sa Pag-asa island upang malinang ang lugar at mapalakas ang presensya ng mga Pilipino roon.


Matapos ito ay lumabas si dating Pangulong Duterte sa telebisyon at tinuligsa ang Kamara at si Castro na miyembro ng Makabayan bloc.


Ikinalungkot ni Dalipe ang pahayag ni Duterte laban sa Kamara na nagbigay umano ng suporta sa administrasyon nito.


“Marami sa amin ngayon sa 19th Congress, nanilbihan din noong 18th Congress, noong pangulo pa si President Duterte. At alam niya ang ginawa namin, sinuportahan namin siya lahat todo-todo sa lahat ng mga kailangan niya sa legislative agenda niya at noong panahon ng COVID, sinuportahan siya ng Kongreso at nagtataka kami, bakit ngayon, iba na yung tingin niya sa aming mga kongresista,” sabi ni Dalipe.


“Hindi namin siya iniwan, tiniyak namin na may sapat na budget ang Duterte adminsitration noon, noong panahon ng COVID para meron siyang pondo para mamigay ng ayuda, yung mga kailangan sa kalusugan noong panahon ng COVID, lahat sinuportahan namin siya. Kaya lang medyo nakakalungkot nga kami bakit ganito na yung mga statement niya ngayon,” dagdag pa nito. wantta join us? sure, manure...

COA na ang nagpatunay na mali paratang ni Duterte sa Kamara—Dalipe


Ang ulat na umano ng Commission on Audit (COA) ang patunay na walang iregularidad sa ginawang paggamit ng Kamara de Representantes sa pondo nito taliwas sa bintang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe naglabas ng sertipikasyon ang COA na may petsang Oktobre 2, 2023 na nagsasabi na hanggang noong Setyembre 30, 2023 ay walang notice of suspension, disallowance, o charge ang Kamara.


Sinabi ni Dalipe na noong Hulyo 6, 2023 ay naglabas ng report ang COA kung saan nakasaad na ito ay mayroong budget surplus na P4.69 bilyon noong 2022.


“Lahat ng kailangan na i-submit ng House of Representatives, lahat ng kung anong kailangan i-liquidate, ginagawa po ‘yan, nirereport ng House of Representatives sa Commission on Audit,” ani Dalipe.


“In fact, meron pong statement, in fact, kumuha ako mismo ng kopya 'nung statement ng Commission on Audit wala pong notice of disallowance, wala pong notice of charge, wala pong notice of suspension ang ating House of Representatives. Ibig sabihin po clear po, walang problema ang House of Representatives tungkol sa anumang pondo na binibigay sa Kongreso para i-utilize at i-liquidate,” wika pa ni Dalipe.


Ginawa ni Dalipe ang pahayag matapos akusahan ni dating Pangulong Diterte ang Kongreso na hindi umano sinusuri ng COA.


Sinabi ni Dalipe na walang basehan ang sinabi ng dating Pangulo dahil dumaraan din ang Kamara sa masusing pagsusuri ng COA katulad ng ibang ahensya ng gobyerno.


Ang sertipikasyon umano ng COA ay indikasyon na nagagamit ng tama ng Kamara ang pondong inilaan dito.


“Malinis po ‘yung reporting, ang auditing na hinihingi po ng Commission on Audit. Hindi po exempted ang House of Representatives. Nagsa-submit po kami sa mga hinihingi ng Commission on Audit, sina-submit po namin lahat,” ayon pa kay Dalipe.


Sinabi ni Dalipe na maging ang mahigit 300 miyembro ng Kamara ay sinusuri ng COA.


Nauna rito ay hinamon ni Duterte ang COA na ilabas kung papaano ginagamit ng Kongreso ang pondo nito.


Ikinalungkot naman ng mga miyembro ng Kamara ang pahayag ni Duterte.


“Marami kaming congressman na incumbent ngayon sa 19th Congress, nagsilbi rin noong 18th Congress at hindi namin malimutan ‘yung mga hiningi ng dating pangulong Duterte na suporta mula sa Kamara de Representantes, sa Kongreso,” giit ni Dalipe.


“Lahat sinuportahan namin siya—from legislative agenda niya maski sa panahon ng COVID pandemic kung anong kailangan niya na batas o pondo, sinusuportahan siya ng Kongreso,” dagdag pa nito.


Sinabi ni Dalipe na ang mga pahayag ni Duterte ay maaaring may kaugnayan sa naging desisyon ng Kamara na ilipat ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na kapwa pinamumunuan ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.


Ipinunto ni Dalipe na bukod sa OVP at DepEd ay mayroon ding iba pang ahensya na inalisan ng confidential funds gaya ng Department of Agriculture na mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang namumuno.


Nauna rito, sinabi ni Vice President Duterte na kaya nitong mabuhay ng walang confidential funds.


Sinabi ni Dalipe na ang paglilipat ng confidential funds patungo sa mga ahensya na may kinalaman sa pagbibigay ng seguridad sa bansa ay bahagi ng pagbibigay ng solusyon sa problema sa West Philippine Sea (WPS).


Kasama sa nakinabang sa paglilipat ng pondo ng Kamara ay ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council, at Philippine Coast Guard na tumutulong sa mga mangingisda sa WPS. wantta join us? sure, manure...

Realignment ng confi funds para mapalakas security agency tinukuran ni Rep. Unabia


Ang paglipat umano ng P1.23 bilyong confidential funds ng mga civilian agency sa ilalim ng 2024 national budget patungo sa mga ahensya na nangangalaga ng seguridad ng bansa ay naaayon sa kapangyarihan na iginawad ng Konstitusyon sa Kongreso.


Ito ang sinabi ni Misamis Oriental Rep. Christian S. Unabia na naniniwala na tama ang ginawang paglipat ng Kamara de Representantes sa naturang pondo dahil sa umiinit na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).


“I maintain my belief that the House of Representatives has done nothing wrong in realigning confidential funds in the 2024 national budget. It is the constitutional mandate of Congress to exercise the power of the purse. And boosting the budget of national security agencies is a responsible way of spending public funds,” ani Unabia.


“This is especially true in light of the country’s predicament in the WPS. We need to boost our capabilities in protecting our exclusive economic zone. Our fishermen are being kept from their livelihood and turned away in our own fishing grounds,” dagdag pa nito.


Kamakailan ay nagdesisyon ang Kamara na ilipat ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), Department of Education (DepEd), Department of Agriculture (DA), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Information and Communications Technology (DICT) na nasa ilalim ng panukalang 2024 national budget.


Napunta ang bahagi ng pondo sa National Intelligence Coordinating Agency (P300 milyon); National Security Council (P100 milyon); Philippine Coast Guard (P200 milyon); at Department of Transportation (P351 milyon) na aayos sa airport ng Pag-asa Island na nasa WPS.


“I believe this is a prudent way of allocating public funds, which is to spend it on programs that protect the Filipino people’s livelihood. For me, the decision to realign confidential funds is just based on an assessment of who needs it more,” sabi ni Unabia.


“And in this case, I feel the sector of defense and security needed an augmentation of funds. Our power comes from the people and our mandate is set by the Constitution. Our decision to realign confidential funds mirrors this fact,” pagpapatuloy ng mambabatas. wantta join us? sure, manure...

Nakatakdang maghain ng resolusyon si House Deputy Minority Leader at Basilan Representative Mujiv Hataman upang ipanawagan na wakasan na ang karahasan laban sa mga inosenteng sibilyan, kababaihan, matatanda at bata sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.


Ayon kay Hataman, paghimok din ito sa mga kapwa mambabatas na makiisa sa panawagan upang magkaroon ng matatag na posisyon laban sa karahasan na kumikitil sa buhay ng mga inosenteng indibidwal.


Malaki aniya ang maitutulong ng resolusyon upang isulong ang agarang access sa international humanitarian agencies lalo na sa Gaza para maghatid ng relief at medical assistance sa mga sibilyan.


Iginiit ni Hataman na sa pamamagitan nito ay magkakaisa ang international community sa pagtataguyod ng permanente at mapayapang resolusyon sa Israeli-Palestinian conflict.


Naniniwala umano ang Pilipinas sa mapayapang paraan ng pagresolba ng hidwaan at napatunayan na ito sa Bangsamoro.


Umapela naman ang kongresista sa Israeli government at Palestinian Authority na bumalik sa negotiating table upang subukang ayusin ang sigalot at makamit ang kapayapaan sa rehiyon. wantta join us? sure, manure...

Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF—Rep Cagas



Nasa kapangyarihan umano ng Kamara de Representantes ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya, ayon kay Davao del Sur Lone District Rep. John Tracy Cagas.


“There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution,” ani Cagas.


“The limitation to that power is that the Congress, to use the language of the Constitution, ‘may not increase the appropriations recommended by the President for the operation of the government as specified in the budget’,” sabi pa nito.


Ayon kay Cagas ang Kamara at Senado ay binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon na baguhin ang alokasyon ng mga pondo sa ilalim ng panukalang budget upang ito ay maging angkop sa pangangailangan ng bansa.


“I am sure that we stand on solid constitutional ground in making adjustments in the budget. We are ready to face any challenge in the proper forum,” saad pa ng mambabatas.


Nagdesisyon ang Kamara ang confidential funds ng mga civilian offices gaya ng Department of Agriculture, Department of Foreign Affairs, Office of the Vice President, at Department of Education at inilipat ito sa mga security agency na ang pangunahing mandato ay magbigay ng seguridad sa bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).


Bahagi rin ng pondo ay inilaan sa Pag-asa Island na nasa WPS upang malinang ang lugar na bahagi ng probinsya ng Palawan.


Ang desisyon ng Kamara na i-realign ang confidential fund ay hindi lamang umano paggamit nito ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon kundi pagtugon din sa mga hiling ng mga ahensya na dagdagan ang kanilang pondo upang mabantayan ang interes, seguridad, soberanya at mapangalagaan ang teritoryo ng bansa, ayon kay Cagas.


Ipinunto rin ni Cagas na ang mga ahensya, gaya ng OVP ay wala naman talagang confidential funds sa mga nagdaang panahon dahil hindi kabilang sa pangunahing mandato nito ang pagbibigay ng seguridad sa bansa. wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG BATAS NA MAGBIBIGAY NG KALAYAANG MAMILI NG PATUTUNGUHAN SA KOLEHIYO NG MGA MAG-AARAL NG BATAYANG EDUKASYON, INAPRUBAHAN NG KOMITE NG KAPULUNGAN


Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Basic Education and Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang substitute bill sa House Bill 7893, na naglalayong bigyan ng kapangyarihan at kagamitan ang mga mag-aaral ng batayang edukasyon ng mga kahusayan sa kakayahan na kinakailangan sa kolehiyo o trabaho. 


Ipinaliwanag ni Rep. Romulo na layunin ng panukalang batas na gawing marami ang mga pagpipilian sa edukasyon ang kasalukuyang kurikulum ng K to 12, para sa batayang edukasyon, at magbigay at matiyak ang oportunidad para makamit ng mga kabataan ang kanilang pinakamataas na potensyal at mapahusay ang kanilang kakayahang matanggap sa trabaho. 


“What will happen is basic education will be K to 10. After 10, we can have a graduation for basic education. But if a learner decides to proceed to a university or a college, then there will be an additional two years. Grades 11 and 12 will be under the Department of Education. But if a learner, after completion of basic education (Grade 10), wishes to take the tech-voc track, which currently I understand about 30 to 36 percent of our learners in fact go to the tech-voc track instead of going to Grades 11 to 12, we will have an upgraded TESDA (Technical Educational and Skills Development Authority) that will take care of the curriculum together with industry partners. We want the industry to be directly involved so that a degree or diploma can also be obtained by graduates or those who will complete the tech-voc curriculum. We want Filipinos to understand that tech-voc is globally highly competitive now and it is a highly skilled profession already, unlike how it is being treated right now,” ani Rep. Romulo.  


Batay sa Seksyon 3 ng panukalang batas, sa pagtatapos ng Junior High School, maaaring pumili ang mga mag-aaral ng dalawang patutunguhang edukasyon: 1) ang College Preparatory Program sa ilalim ng Department of Education (DepEd) o 2) ang Technical-Vocational Program sa ilalim ng TESDA. 


Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng gabay sa karera at mga serbisyo sa pagpapayo, kabilang ang mga pagtatasa ng likas na kakayahan na magkaroon ng kaalaman at interes upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagpili ng angkop na landas, ayon sa itinatadhana ng Republic Act No. 11206, o ang "Secondary School Career Guidance and Counseling Act."  


Kabilang sa mga pangunahing may akda ng panukalang batas sina Rep. Romulo, Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Reps. Antonio "Tonypet" Albano, Irene Gay Saulog, Ma. Carmen Zamora, Bonifacio Bosita, Marie Bernadette Escudero, Jose Gay Padiernos, Eulogio Rodriguez, Bernadette Herrera, at Franz Pumaren, at iba pa. wantta join us? sure, manure...

KONGRESO, NAGHAHANDA NA PARA SA 31ST APPF 


Nagdaos ng pinagsamang pulong ang mga Secretariat ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ngayong Miyerkules, bilang paghahanda sa gaganapin na 31st Annual Meeting ng Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) sa bansa. 


Tinalakay ng mga opisyal ng dalawang kapulungan sa pangunguna nina House Secretary General Reginald Velasco at Senate Secretary Atty.Renato Bantug Jr. ang katayuan ng pagpaparehistro ng APPF Member-Countries, room arrangements, gayundin ang panukalang programa mula sa inaugural ceremony na pangungunahan nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri. 


Iniulat ni Senate Protocol Service Director Rosa Victoria Sevilla na 15 miyembrong bansa na ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa nasabing kumperensya. Tinalakay din sa pulong ang mga chairmanship at vice chairmanship ng mga kongresista at mga senador para sa mga sesyon ng APPF at ang pagpupulong ng Women Parliamentarians. 


Nakipagpulong din ang mga opisyal ng Kapulungan ss kanilang mga katapat sa Senado sa maliliit na grupo, upang tapusin ang mga detalye ng mga gawaing itinalaga sa bawat departamento ng Secretariat para sa nasabing okasyon. 


Kabilang sa mga contingent ng Kapulungan sina Inter Parliamentary and Public Affairs Department Deputy Secretary General (DSG) Atty Gracelda Andres, Congressional Policy and Budget Research Department DSG Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr., Legislative Operations Department DSG David Robert Amorin, Committee Affairs Department DSG Jennifer "Jef" Baquiran, Engineering and Physical Facilities Department DSG Engr. Floro Banaybanay, at Administrative Department OIC-DSG Atty. Jennelyn Go-Sison. Gaganapin ang ika 31 APPF sa Philippine International Convention Center (PICC) mula ika-23 hanggang 25 ng Nobyembre 2023. wantta join us? sure, manure...

Dalipe ikinalungkot paninira ni ex-PRRD


Ikinalungkot ng mga mambabatas ang mga naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa Kamara de Representantes na nagsalba sa administrasyon nito mula sa epekto ng Covid-19 pandemic.


Ito ang sinabi ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe sa isang panayam sa radyo matapos ang mga patutsada ni Duterte laban sa Kongreso upang maipagtanggol ang confidential fund ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.


“Marami sa amin ngayon sa 19th Congress, nanilbihan din noong 18th Congress, noong pangulo pa si President Duterte. At alam niya ang ginawa namin, sinuportahan namin siya lahat todo-todo sa lahat ng mga kailangan niya sa legislative agenda niya at noong panahon ng COVID, sinuportahan siya ng Kongreso at nagtataka kami, bakit ngayon, iba na yung tingin niya sa aming mga kongresista,” ani Dalipe


Saad pa ni Dalipe, buong suporta ang ibinigay ng Kapulungan kay Duterte, kahit bago pa tumama ang Covid-19 pandemic.


“Even before nung panahon ng COVID, kung anong sabihin ng pangulo natin, we heeded his call. Hindi namin siya iniwan, tiniyak namin na may sapat na budget ang Duterte adminsitration noon, noong panahon ng COVID para meron siyang pondo para mamigay ng ayuda, 'yung mga kailangan sa kalusugan noong panahon ng COVID, lahat sinuportahan namin siya,” dagdag niya.


“Kaya lang medyo nakakalungkot nga kami bakit ganito na 'yung mga statement niya ngayon,” pagpapatuloy pa ng mambabatas.


Ipinasa ng Kamara ang unang dalawang Covid-19 response measures, ang House Bayanihan 1 (Bayanihan to Heal as One Act) at Bayanihan 2 (Bayanihan to Recover as One Act), na naisabatas, Marso at Hulyo 2020 para masuportahan ang mga hakbang ng administrasyong Duterte sa gitna ng pandemya.


Nang matanong ang mambabatas kung ano ang pinagmulan ng tirada ng dating presidente, sinabi ni Dalipe na posibleng sumama ang loob nito dahil sa pagbabagong ginawa ng Kamara sa pondo ng Office of the Vice President at Department of Education, na kapwa pinamumunuan ng kaniyang anak na si VP Duterte.


Humihingi ang OVP ng P500 milyong confidential funds at P150 milyon naman ang DepEd sa ilalim ng panukalang budget para sa 2024.


“Pero hindi lang naman Office of the Vice President ang may change, Department of Agriculture meron ring pagbabago, tinanggalan rin ng confidential intelligence fund. 'Yung Department of Foreign Affairs, isa rin 'yan, 'yung Department of Information and Communications Technology,” paliwanag ni Dalipe.


Inilipat naman aniya ang naturang confidential funds sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at intelligence agencies para palakasin ang proteksyon ng bansa sa West Philippine Sea.


“Ang tanong nga diyan, masama po ba 'yun? Hindi naman 'di ba?” tanong ng House Majority leader.


Kamakailan, binisita ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kasama si Dalipe at ilan pang mambabatas at opisyal ng militar ang Pag-asa Island in Palawan upang alamin ang kinakailangan ng AFP na nagbabantay sa Kalayaan Island.


“Kami mismo pumunta kami sa Pag-asa Island…gusto naming makita kung totoo ba na kailangan ng suporta ng ating mga men in uniform doon, ng ating mga mangingisda at ibang mga tao natin doon. So we saw for ourselves and came up with the decision na kailangan natin dagdagan 'yung suporta sa AFP, sa intelligence community at iba pang mga ahensya na namamahala ng ating intelligence gathering, so doon po nilipat ('yung confidential funds),” aniya.


Sinabi ni Dalipe na imbes na siraan ang kaniyang relasyon sa mga dating mga kasamahan sa Kamara, ang dapat nitong isulong ay pagkakaisa.


“Dapat yung mga statement niya, 'yung magkaisa, unity, sana hindi mag-away away,” sabi pa ni Dalipe. (END) wantta join us? sure, manure...