MANDATORY CITIZEN SERVICE TRAINING AT OPTIONAL ROTC, ISINUSULONG SA KAMARA
Hinikayat ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez ang senado na aprubahan ang panukalang batas na pinagtibay ng Kamara na nananawagan para sa mandatory citizen service training ng mga college students, na may optional ROTC o reserve officer training course.
Ginawa ng solon ang apela kasunod ng resulta ng survey ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nagsasabing 53 percent ng mga senior high school student-respondents ang tumutuligsa sa panukalang buhayin ang school-based military training.
Ayon kay Rodriguez, layun ng house bill No. 6687 na makalikha ng “national citizens service training program (NCSTP)” at nakapaloob ang community service-oriented activities gaya ng relief and rescue, at mobilization for disasters and calamities.