Monday, February 12, 2024

isa Hindi binu-bully ng Kamara ang Senado para aprubahan ang Resolution of Both Houses o RBH no. 6 na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.


Ito ang paglilinaw ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez.


Aniya, mula’t sapul ay bukas ang Kamara sa mga diskusyon kasama ang kanilang counterpart sa Senado.


Pero nakalulungkot aniya na may nabasa siya na binu-bully daw ng Kamara ang Senadp.


Giit ni Suarez, walang bullying na nangyayari, at ang maaaring nakikita ng Senado ay isang Kamara na mas “vocal” pagdating sa mga pambansang isyu at malapit sa kanilang puso gaya ng pag-amyenda sa Saligang Batas.


Samantala, nagbahagi rin si Suarez ng Valentine’s Day wish kay Sen. Nancy Binay, na isa sa mga nagsabi na binu-bully ng Kamara ang Senado.


Ani Suarez, ang wish niya ay “let love rule” kung saan mahalin ang ating bansa, at bilisan ang pagpasa sa RBH no. 6.


wantta join us? sure, manure...

isa Insulto sa taumbayan na tinatawag ng ilang senador na “Pekeng Inisyatibo” ang People’s Initiative, para sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.


Ito ang sinabi ni House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., sa isang pulong balitaan kanina.


Ukol sa paratang na may bigayan ng pera --- iginiit ni Gonzales na ni-singko aniya ay walang ibinigay sa mga taong pumirma sa PI. Kaya nakasasakit aniya ang mga alegasyon.


Kwento ni Gonzales, isa sa mga mayor sa kanyang distrito ay kabilang sa mga unang lumagda sa PI noong inilunsad noong Enero, at interesado na maamyendahan ang 1987 Constitution.


At sa katunayan aniya halos 25% ng mga rehistradong botante sa bayan ay pumirma sa PI.


Kaya diin ni Gonzales, bakit tatawagin itong Pekeng Inisyatibo.


Una nang nagpasya ang Commission on Elections o Comelec na suspendihin na muna ang lahat ng mga aksyon na may kinalaman sa PI, kabilang ang pagtanggap ng signature forms.


wantta join us? sure, manure...

medAff PANUKALA NA MAGPAPATAAS SA ESTADO NG PUP, NAKATAKDANG BALANGKASIN NG TWG


Inaprubahan ng Komite ng Higher and Technical Education sa Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Lunes, ang paglikha ng technical working group (TWG) na nakatakdang magbalangkas ng substitute bill sa anim na panukala na naglalayong amyendahan ang Presidential Decree 1341, o mas kilala sa charter ng Polytechnic University of the Philippines (PUP). 


Ayon kay committee chair Baguio City Rep. Mark Go, ang pagsasama-samahing mga panukala ay naglalayong gawin ang PUP, na magdiriwang ng kanilang ika-120 anibersaryo ngayong taon, bilang unang National Polytechnic University of the Philippines na may institusyonal at fiscal autonomy. Ipinaliwanag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, may-akda ng isang panukala (House Bill 8860), na ang kanyang panukalang amyenda ay natuon sa pagtiyak na ang PUP ay manatiling may saysay at epektibong institusyon, na nakatutok sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon, nagpapaunlad ng mga pagbabago at nagbabahagi ng kaunlaran sa bansa. 


Idinagdag niya na ang layunin ng panukala ay alinsunod sa mga gabay na prinsipyo ng Section 1, Article XIV ng 1987 Konstitusyon, na nagsasaad na, “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.” 


Ang HB 8860 ay iniakda rin nina Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. Bukod sa HB 8860, ang iba pang mga panukala na kasama sa pagsasama-samahin ay ang mga HBs 8829, 9060, 2363, 6790 at  6973, na iniakda nina Reps. Edwin Olivarez, Rep. Erwin Tulfo, Charisse Anne Hernandez, Lordan Suan, at Ching Bernos, ayon sa pagkakasunod. 


Layon naman ng mga HBs 2363, 6790 at 6973 na maglagay ng mga PUP campus sa ilang bahagi ng bansa.


wantta join us? sure, manure...

isa Kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na pinalitan na ang pangalan ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs. 


Sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement --- sinabi ni PAGCOR Chairman at CEO Al Tengco na ni-rename ang POGO bilang “Internet Gaming Licensee” o IGL. 


Pag-amin ni Tengco, masyado nang negatibo ang pangalan ng POGO. 


Kaya naman, nagpatupad aniya ang PAGCOR ng iba’t ibang hakbang para matugunan ang sinasabing krimen o kaso na nangyari mula noong 2019. 


Sinabi pa ni Tengco na mula sa halos 300 na licensee, aabot na lamang ito ngayon sa 75 o 30%. 


At batay sa monitoring ng PAGCOR noong huling quarter ng 2023 hanggang nitong Enero 2024 --- sinabi ni Tengco na malaki na ang nabawas sa mga krimeng may kinalaman sa POGO. 


Dagdag ni Tengco, sa pagpapalit ng pangalan ng POGO tungo sa IGL, pinalitan din ang “rules and regulations.” 


Ngunit kinuwestyon ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kung ilan sa natitirang 75 licensees ang Chinese-owned. 


Ang sagot ni Tengco, mababa sa kalahati ang pag-aari ng mga Chinese.


wantta join us? sure, manure...

isa Pinalagan sa Kamara ang mga naging pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva laban sa ilang partylist congressmen, sa gitna ng isyu ukol sa economic Charter Change o Cha-Cha.


Sa kanyang privilege speech, inalmahan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang nakalipas na sinabi ni Villanueva, partikular dito ang “we cannot say na equal ang isang partylist representative sa isang senador.”


Ani Adiong, nagkamali si Villanueva sa kanyang pangmamaliit sa mga partylist representative.


Paalala ni Adiong, magkaakibat ang dalawang Kapulungan ng Kongreso sa pagpasa ng mga batas na ikabubuti ng ating bansa.


Aniya pa, hindi gagana ang Senado nang walang Kamara, at gayundin ang Kamara kung walang Senado. At ang mga senador at kongresista ay “equal public servants” habang ang publiko ang “superior” sa kanila.


Dagdag na punto ni Adiong, ang terminong “Mataas at Mababang Kapulungan” ay hindi mahahanap sa Konstitusyon.


At hindi rin aniya basehan ang bilang ng mga boto sa laki o liit ng mandato ng isang miyembro ng Kongreso.


Sa huli, sinabi ni Villanueva na kung mayroon mang hindi pagkakaintidihan, ituon na lamang ang pansin sa importanteng isyu at huwag idaan sa aroganteng pananalita.


wantta join us? sure, manure...

milks Mga SME’s higit na tatamaan kapag naipatupad ang legislative wage hike…



Dapat pag-aralang mabuti ang panukalang umento sa sahod ng mga manggagawa.


Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, kapag nagkaroon ng umento sa sahod, higit na tatamaan ang mga employer na kabilang sa small and medium enterprises.


Sabi ni Salceda, 99 percent ng mga negosyo sa bansa ay SME’s at kung mapagtitibay ang panukalang 100 peso legislated wage hike, tila “pinatay” na anya ang mga nasa maliliit na negosyo.


Pakinggan natin si Congressman Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means…


RHTV : audio & video of Salceda…

outcue : would you like to kill them? …


Ayon kay Salceda, pinakamabuting paraan pa rin ang posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na ipaubaya ang pagtalakay ng usapin ng umento sa sahod sa mga regional wage and productivity board.


Dito muling pinanindigan ni Salceda ang pangangailangan na maamyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.


Sa ngayon anya, 75-percent na mas mataas ang pasahod ng mga foreign corporations na naririto sa bansa na hindi kayang tapatan ng ating mga negosyante lalo na ng mga SME.


wantta join us? sure, manure...

anne Nilinaw nang House of Representatives na hindi nila binu-bully ang kanilang counterpart, taliwas sa alegasyon ng ilang mga senador.


Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Representative David "Jay Jay" Suarez, walang bullying na  nangyayari.


Kung nagsasalita man ang Kamara ay dahil "very vocal" na ngayon ang mga Kongresista at ipinapahayag ang kanilang mga saloobin hinggil sa mga isyung pang national partikular ang isyu sa Charter Change.


Ang mga binibitawang pahayag ng mga House leaders at Congressmen ay nanggagaling mismo sa kanilang puso kung saan bahagi ito ng demokrasya na malayang ihayag ang kanilang mga saloobin.


Sinagot naman ni Suarez ang naging pahayag ni Senator Nancy Binay na ang kaniyang Valentines wish sa senadora ay "let love rule" at mahalin ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpasa sa Resolution of Both Houses No. 6 ng sa gayon masimulan na ng Kamara ang kanilang trabaho na ayusin ang Saligang Batas.


Siniguro naman ng Kamara na sila ay susunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr lalo na ang nais nitong maamyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.


wantta join us? sure, manure...

medAff DEKLARASYON NG EKONOMIYA SA CHA-CHA NI PBBM, PINURI NG MGA MAMBABATAS


Nagpahayag ng suporta ngayong Lunes ang mga pinuno ng Kapulungan sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang paninindigan ng administrasyon hinggil sa amyenda sa Konstitusyon ay limitado lamang sa usapin ng ecknomiya, o ang mga usaping magpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas. 


Ipinaabot ni Marcos ang kanyang posisyon sa kanyang talumpati noong ika-8 ng Pebrero sa Constitution Day event ng Manila Overseas Press Club (MOPC) at ng Philippine Constitution Association (Philconsa). 


Ayon kay Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez (Quezon, 2nd District), ang mensahe ng Pangulo ay patunay lamang ng mga pagsisikap ng Kapulungan ng mga Kinatawan (HRep) na pinangungunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at ang pagtatanggol sa mga walang katotohanang paratang at kasinungalingan hinggil sa intensyon ng Kapulungan sa pagsusulong ng mga amyenda sa Konstitusyon. 


Pinagtibay rin ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na ang Kapulungan ay tutupad sa pasya ng Pangulo sa pag-amyenda ng charter. 


"The House will follow the President, period. So let there be no other ambiguity about it, of the direction of what the House will do. We will follow the President in his latest speech at the MOPC,” ani Salceda. 


“Lagi sinasabi sa lahat ng analyses, sa lahat ng countries sa buong mundo, ang Pilipinas ang pinakamasikip pasukin dahil nga we are the third most restrictive economy in the world. And all those restrictions are in the Constitution. Yan ang problema. Ang talo natin Libya, Algeria, Palestine, yun lang,” ayon pa kay Salceda, chairman ng Komite ng Ways and Means. Idinagdag niya na ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asya na may naitalang 5 porsyentong pagkasawi dahil sa malnutrisyon. 


Ipinunto ni Salceda na ang mataas na antas ng kahirapan ng bansa ay isang katibayan na ang mga kasalukuyang probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon ay hindi na napapakinabangan ng sambayanang Pilipino. 


Kuntento siya na mayroon na ngayong pag-usad ng Charter change sa Senado. 


"Masaya-saya na ako na may gumagalaw na sa Senado. At sana pagdating dito sa House ay magkakaroon tayo ng isang vigorous discussion,” aniya. 


Ikinuwento ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, isa ring ekonomista, na nabasa niya ang transcript ng panayam kay Sen. Sonny Angara, kung saan ay kanyang sinabi na ang talakayan sa Charter change ay maaaring matapos sa buwan ng Oktubre, at mas mainam aniya kung matatapos ito ng mas maaga. “’Kung mas maaga, mas maigi,’ sinabi naman niya yun." 


Ang panayam ay isinagawa bago nagsalita ang Pangulo. 


"Sa tingin ko baka maging iba ang pagtingin nila dito,” ayon pa sa kanya. Binanggit ni Quimbo na ang paglago ng Foreign Direct Investments (FDIs) sa bansa ay hindi nakakahabol sa mga nakamit na paglago ng ekonomiya sa nakaraang dekada. 


Sinabi niya na ang bansa ay nakatanggap ng USD83.5 bilyon sa gross FDI inflows, at mas mababa sa ating mga kapit-bansa sa ASEAN na Indonesia at Vietnam, na nakahikayat ng USD220 bilyon at USD137 bilyon, ayon sa pagkakasunod. Ayon sa kanya, “These figures make a compelling case for embracing a more open economy. Pag dumami ang ganitong foreign-owned firms sa ating bansa, dadami ang trabaho at tataas ang sahod.”


wantta join us? sure, manure...

isa Magsasanib-pwersa ang Kamara at ang Commission on Elections o Comelec para sa “Register Anywhere Program” o RAP, kaugnay ng Eleksyon 2025.


Sa anunsyo ng Kamara, magdaraos ng voter registration sa Batasan Pambansa sa February 29 sa Nograles Hall, at March 21 sa Belmonte Hall.


Uubrang magparehistro rito mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.


Kabilang sa mga pwedeng magpa-rehistro sa RAP sa Kamara ay mga empleyado, congressional staff, at mga miyembro ng Kamara.


Ngayong Lunes (Feb. 12), umarangkada na ang voter registration ng Comelec para sa 2025 Midterm Elections.


At kasama sa inilunsad ng Comelec ay ang RAP kung saan may registration sites na ilalagay sa iba’t ibang lugar gaya sa mga mall, unibersidad, tanggapan ng pamahalaan at iba pa.


Layon nito na ma-engganyo ang mas maraming Pilipino na magpa-rehistro at makaboto sa eleksyon. wantta join us? sure, manure...

tina Ipinanukala ni Deputy House Speaker  at Las Piñas Rep. Camille Villar na mabigyan ng proteksyon , health at financial assistance ang manggagawang nangongolekta, nagtatapon, o namamahala ng mga basura o iyong mga waste workers sa buong bansa.


Sa ilalim ng House Bill No. 9806 na inihain ng mambabatas , isinusulong nito ang pagbalangkas ng isang programa para sa mga ito katuwang ang Department of Labor and Employment na siyang bubuo at mamamahala sa Waste Workers’ Health and Welfare program.


Layon ng naturang programa na pangalagaan at itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga waste workers 


Partikular na dito iyong mga garbage collectors, tagalinis, tagakolekta, taga-transport o taga tapon ng mga basura, taga-recycle at iyong mga nagtatrabaho sa landfill at dumpsite


Giit ni Villar  mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga ito para sa solid waste management , pagpapanatili ng malinis na kapaligran at  kanilang malaking ambag para maprotektahan ang kalikasan


Gayunman batid ani Villar na karamihan sa mga ito ay hindi pinapahalagahan at hindi nabibigyang proteksyon


Kung tuluyang maisasabatas ang programa ang magbibigay ng sa mga ito ng health coverage at benefits katuwang ang philhealth, mga pagsasanay kaugnay sa trabaho, personal protective equipment, educational , hospitalization, financial assistance, at iba pang benepisyo sa mga ito


Magkakaroon din ng  registration at Monitoring System kung saan lahat ng pangalan ng  waste workers sa bansa   ay kokolektahin  at ilalagay sa isang database


wantta join us? sure, manure...

milks Inflationary kung ipatutupad ang pagtaas sa sahod sa ating mga manggagawa.


Ito ang paliwanag ni Marikina Representative Stella Quimbo sa panawagan ng labor groups na tama na ang isyu ng chacha at mas talakayin ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Ayon kay Quimbo, bahagyang mabibiyayaan ang mga manggagawa na mga consumer din kapag may wage hike, pero matindi ang epekto nito.


Sabi ni Quimbo, ipapasa lamang ng mga kumpanya ang pagtaas ng sahod sa porma ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Pakinggan natin si Congreswoman Stella Quimbo, Vice Chair ng House Committee on Appropriations…


RHTV insert audio/video Quimbo…

Out cue:  that we face…


Paliwanag ito ni Quimbo nang hingan ng reaksiyon sa gagawing pagpasa ng Senado ngayong linggo sa P100 legislated wage increase bilang Valentine’s gift umano ng Senado sa mga manggagawa.