Wednesday, June 21, 2023

SEGURADONG TULONG NG PAMAHALAAN SA MGA BIKTIMA NG KALAMIDAD, PINASASALAMATAN SA KAMARA

Pinasalamatan nI Albay Rep. Joey Salceda si Pang. Ferdinand Marcos Jr, matapos nitong seguruhin ang tulong ng gobyerno para sa mga residenteng naapektuhan ng patuloy na pag aalburuto ng bulkang mayon.


Kabilang sa mga assistance na ito ang mga labis na kinakailangan ng mga evacuee gaya ng tubig, sanitation at washing o hygiene facilities sa mga evacuation center.


Sinabi ni Cong Salceda na napakahalaga ng mga ito upang maiwasan ang anumang problema partikular na sa kalusugan sakaling tumagal pa sa mga evacuation center ang mga inilikas na pamilya.


Patuloy na makikipag ugnayan ang solon sa  House leadership sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez upang mapaglalaanan ng sapat na pondo ang mga sanitation facilities.


Samantala, hiniling na aniya sa national government ang tuloy tuloy na suporta, kasunod ng pagragasa ng lava mula sa bunganga ng bulkang Mayon na umabot na sa "maximum length" na 2.5 kilometers, base sa naging pagtaya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). wantta join us? sure, manure...