Monday, February 05, 2024

anne Hindi pa masabi ng liderato ng House Of Representatives  kung may kinalaman sa Charter Change ang natanggap na banta ng Kamara dahilan na isailalim  sa heightened alert status ang seguridad.


Kinumpirma ngayong araw ni SecGen Velasco na itinaas nga sa heightened alert ang buong House of Representatives.


Nilinaw din ni Velasco na hindi kasama si Speaker 


Martin Romualdez sa mga natanggap nilang banta.

Nuong buwan ng Enero ilang pagkakataon nakatanggap ng bomb threat ang Kamara. 


Dahil dito, sinabi ni Velasco agad nagpatupad ng security adjustment ang Legislative Security Branch.  


Aniya nais nilang protektahan mga miyembro ng Kamara.   

Mahigpit na ini inspeksyon ng mga security ang mga pumapasok sa loob ng Kamara partikular duon sa mga hindi house members at empleyado.


Ayon kay Velasco natanggap nila ang banta nito lamang buwan ng Enero.


Sa ngayon may mga pulis na rin ang naka deploy sa labas ng gate ng Kamara.


Pinagbabawalan na rin na pumasok sa loob ng Kamara ang mga delivery rider.

wantta join us? sure, manure...

milks Nakamasid ang Kamara kung sisimulan ngayong linggo ng Senado ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses 6 para masimulan ang pagtalakay bago mag-Holy Week break ang Kongreso sa  Marso.


Ayon kay House Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, dapat tuparin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang commitment ng Senado kay Pangulong Bongbong Marcos ang kanilang self-imposed deadline” bago kmag-Marso.


Sabi ni Suarez, naghihintay lang ang Kamara sa magiging hakbang ng  Senado para masunod ang pangako ng Senate President.


Sa panig anya ng Kamara, sinabi ni Suarez, nagawa na nila ang legislative commitments kabilang ang pagpapatibay ng mga priority bills ng  Pangulo kabilang ang mga panukalang batas ng LEDAC.


Dagdag pa ni Suarez, dahil wala na silang “back subjects at backlogs”, tatapusin nila iba pang oversight functions at pagpapatibay sa iba pang panukalang batas.


Una rito, pumayag na ang Senado na talakayin ang RBH6 kasabay ang hamon ng Kamara na patunayan kung may political provisions ang RBH6 na magbibigay daan para sa pag-amyenda sa ating saligang batas.

wantta join us? sure, manure...

isa Napapanahon nang paramihin ang cyber security specialists at pondohan ang mga cyber security infrastructure sa Pilipinas.


Ito ang sinabi ni House Committee Civil Service and Professional Regulation chairperson Kristine Alexie Tutor, sa gitna ng serye ng tangkang pag-atake sa websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, at kahit sa pribadong sektor.


Aniya, nasa dalawang daan (200) na tao lamang ang sertipikadong cyber security experts sa buong Pilipinas, habang kapos na kapos pa ang IT infrastructure.


Mungkahi ni Tutor para maparami ang cyber security specialists, magkaroon ng targeted training at certification program na “subsidized” ng pamahalaan, at humingi ng tulong sa mga unibersidad, Commission on Higher Education o CHED at TESDA.


Ang ilan sa kasalukyang 200 na certified cyber security experts ay maaaring kunin para silang mag-train sa mga kasalukuyang estudyante o graduates ng IT, accounting, finance, at criminology degree programs.


Para naman sa kailangang cyber security infrastructure at softwares --- sinabi ni Tutor na uubrang pumasok sa Public-Private Partnerships at foreign technical assistance mula sa Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency, at sa World Bank.


wantta join us? sure, manure...

zia House Bill na layuning mapayagan ang mga GSIS members na makapagtalaga ng kanilang napiling benepisaryo, inihain ni Rep. Zia Alonto Adiong para sa unang pagbasa!

 

Ang House Bill 9792 o ang “An Act Amending Presidential Decree No. 1146 as amended by Republic Act 8291 or the Government Service System Insurance Act of 1997”. Layunin ng panukalang batas na bigyan ng karapatan ang mga miyembro ng GSIS na makapili ng kanilang benepisaryo sa kawalan ng primary at secondary beneficiaries. Nakasaad sa Republic Act 8291 na ang primary at secondary beneficiaries lamang ang maaaring makatatanggap ng survivorship pension. Ang panukalang batas ay nagpapahintulot na sa kawalan man ng mga primary at secondary beneficiaries, ang miyembro ay maaaring makapagtalaga ng sinumang benepisaryo nito.


Sa pamamagitan nito, kinikilala natin ang mga single government employees na dahil sa kanilang debosyon sa public service ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na bigyang oras ang kanilang personal na buhay upang makabuo ng sariling pamilya. Sila ang tumatayong breadwinners, hindi lamang sa kanilang immediate family, kundi pati na rin sa kanilang extended relatives. Mayroon silang mga mahal sa buhay na umaasa sa kanilang ibinibigay na tulong pinansyal at suporta para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.


Layunin nito na i-expand ang depinisyon ng secondary beneficiaries sa ilalim ng GSIS Law tulad ng nakasaad sa batas ng Social Security Act of 2018 Republic Act 11199, Section 8 (k) na makapagtalaga ang mga miyembro ng kanilang benepisaryo kapag wala silang primary o secondary beneficiaries, and to wit: “Any other person designated by a member shall be his/her secondary beneficiary.” Nais natin na maliban o sa kawalan man ng magulang at legitimate descendants, ang miyembro ay may karapatan na pumili ng mapaglalaanan ng tulong bunga ng kanilang taun-taong pagsisikap at sakripisyo sa serbisyong pampubliko para sa taumbayan.


Ang panukalang batas na ito ay naglalayong pahusayin ang member-centric na accommodation ng GSIS, na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga miyembro na gumawa ng mga personal na desisyon tungkol sa pamamahagi ng mga benepisyo sa paraang nagpapakita ng kanilang mga halaga at relasyon. Martin Brylle Latorre, Jr.

wantta join us? sure, manure...

medAff PAGSISIYASAT SA PAGBILI NG FIRE TRUCK, IPINAGPATULOY


Iginiit ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kapulungan, sa proseso ng pagbili ng fire truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) Thursday, ang pangangailangan sa mga pampublikong opisyal na magpairal ng integridad sa lahat ng oras, sa kanilang mga transaksyon alinsunod sa Code of Conduct and Ethical Standards. 


Iniimbestigahan ng Komite ng Public Order and Safety sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Fernandez, ang proseso batay sa House Resolution 724. 


Tinanong ni Fernandez ang BFP hinggil sa mga kaganapan sa pagsisiyasat kay BFP Bids and Awards Committee (BAC) technical working group (TWG) chairperson Supt. Jan Garry Lunas. 


Bumili umano si Lunas ng isang sports utility vehicle (SUV) mula kay Eric Taguines, kawani ng F. Cura Industries, ang nanalong bidder sa isang proyekto sa pagbili ng fire truck. Iniulat ni Fire Chief Supt. Jesus Fernandez, na siyang nanguna sa sarili nilang imbestigasyon na tinanggal si Lunas sa kanyang tugkulin bilang pinuno ng BAC TWG. 


Ayon kay Fire Director Louie Puracan, BFP chief, kasalukuyan pa ring nagtatrabaho si Lunas sa BFP dahil walang natagpuang prima facie evidence na magpapatunay na inimpluwensyahan niya ang ahensya sa proseso ng bidding sa pagbili, at ang mga pasya ng TWG ay alinsunod lamang sa pinal na pagrepaso ng buong BAC. 


Subalit maghahain pa rin ang BFP ng kasong administratibo laban kay Lunas dahil hindi nito idinekalra ang SUV sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. 


Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, walang kamuwang-muwang ang BFP na makita ang kaugnayan ng paglabag sa “No Contact” Rule sa proseso ng bidding. 


Nanawagan siya na anyayahan sina Lunas at Taguines sa susunod na pagdinig. 


Nanawagan rin ang lupon sa BFP na magsumite ng mga dokumento na may kaugnayan sa kanilang apat na kasalukuyang proyekto sa pagbili. 


Ibinahgi rin ni FCSupt. Fernandez, alinsunod sa mga mungkahi ng Komite, na tanggalin ng BFP ang mga mahihigpit na kwalipikasyon na walang kaugnayan, upang matiyak ang mga kalidad ng produkto sa mga rekisitos ng bidding.

wantta join us? sure, manure...

milks Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang Department of Information and Communications Technology na magbigay ng briefing sa Kamara.


Ito ay sa harap ng pinakahuling cyberattacks sa websites ng ilang ahensiya ng gobyerno na umanoy kagagawan ng China-based cybercriminals.


Ayon kay Romualdez, isyu ng national security at public interest ang report ng DICT na napasok ng hackers na pinaniniwalaang nag-o-operate sa China ang email systems at internal websites ng ilang government agencies.


Giit ng House Speaker,  ang pag-atake sa ating mga sistema sa internet ay hindi lamang banta sa ating pamahalaan kundi pagnanakaw na rin sa ating sariling tahanan, hindi  ito dapat palampasin at kailangan nating labanan.


Inatasan ni Romualdez ang House Committee on Public Information ni Congressman Joboy Aquino  at House Committee on Public Information and Technology ni Congressman Toby Tiangco na magpatawag ng hearing.


Gusto ni Romualdez na ang  briefing ay sa lalong madaling panahon dahil hindi lamang ito nakakaapekto sa integridad ng digital infrastructure ng gobyerno kundi ang “safety and privacy” ng ating mga mamamayan.


RHTV: add file mats (Romualdez, DICT etc. thanks)


wantta join us? sure, manure...

rye Speaker Romualdez: Pag-atake ng Chinese hackers sa website ng gobyerno seryosong banta sa seguridad ng bansa


Dapat umanong agarang magpatawag ng briefing ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay ng cyberattack sa mga website ng gobyerno na gawa umano ng mga Chinese hacker.


Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ito ay seryosong bansa sa seguridad ng bansa.


Sinabi ni DICT Undersecretary for connectivity, cybersecurity and upskilling Jeffrey Ian Dy napigilan ng mga cybersecurity experts ang pag-hack sa mga website at email address ng gobyerno ng mga cybercriminals mula sa China. Isa sa mga pag-atake ay nagtangkang ibagsak ang website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


“I express deep concern regarding the recent cybersecurity breaches in government agencies, as reported by the DICT. The revelation that hackers, suspected to be operating from China, have infiltrated the email systems and internal websites of various government agencies, is a matter of national security and public interest,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


“The fact that these breaches have targeted critical domains such as cabsec.gov.ph, coastguard.gov.ph, cpbrd.congress.gov.ph, dict.gov.ph, doj.gov.ph, and ncws.gov.ph, in addition to the private domain of President Ferdinand "Bongbong” Marcos Jr. signifies a dire need for an immediate and comprehensive response,” dagdag pa ng Speaker.


Sinabi ni Romualdez na hindi dapat basta na lamang palagpasin at isantabi ang mga ganitong uri ng pag-atake.


“Ang pag-atake sa ating mga sistema sa internet ay hindi lamang banta sa ating pamahalaan kundi pagnanakaw na rin sa ating sariling tahanan. Hindi natin ito dapat palampasin at kailangan nating labanan,” wika pa ni Speaker Romualdez.


“In light of these alarming developments, I am calling on the DICT and other concerned agencies to conduct a thorough briefing for the House of Representatives. This briefing should focus on the nature and extent of these cyber-attacks, the current measures in place to prevent future incidents, and strategies for enhancing our cybersecurity infrastructure,” dagdag pa nito.


Ayon kay Speaker Romualdez ang briefing ay maaaring gawin sa Kamara de Representantes sa lalong madaling panahon, at kung maaari ay ngayong linggo, sa mga komite ng House Committee on Public Information na pinamumunuan ni Rep. Joboy Aquino, at House Committee on Information and Communications Technology na pinamumunuan ni Rep. Toby Tiangco.


“I propose that this briefing be conducted in an open hearing … Transparency in this matter is crucial as it affects not just the integrity of our government's digital infrastructure but also the safety and privacy of our citizens,” ani Speaker Romualdez.


“Furthermore, this incident reminds us of the urgent need to strengthen our cybersecurity policies and protocols. We must ensure that our national cybersecurity strategies are robust enough to withstand such attacks and agile enough to adapt to the evolving digital landscape,” dagdag pa nito.


Sinabi ni Speaker Romualdez na handa ang Kamara na suportahan ang mga kinakailangang batas upang mapalakas ang cybersecurity at maproteksyunan ang bansa. (END)


wantta join us? sure, manure...