medAff SEN. VILLANUEVA, TINULIGSA NG MGA MIYEMBRO NG KAPULUNGAN SA PAGMAMALIIT NIYA SA MGA KINATAWAN NG PARTY-LIST
Umalma ang mga miyembro ng Kapulungan ngayong Lunes, sa pagmamaliit ni Sen. Joel Villanueva sa mga kinatawan ng party-list representatives, at ang matinding maling representasyon sa mga tungkulin ng dalawang kapulungan na bumubuo sa buong Kongreso.
Sa kanyang privilege speech, ay sinabi ito ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. “Siya po ay nagkakamali sa pangmamaliit sa mga party-list representatives. Mr. Speaker, the 1987 Constitution vests legislative power in one Congress. Iisang kongreso, shared between the House of Representatives and the Senate," paliwanag niya.
Idinagdag ni Adiong na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay maingat sa inaalam ang mga lokal na pag-aalala ng mga distrito, habang ang Senado naman ay nakatuon sa mga mas malawak na usapin.
“Ang mga terminong mataas at mababang kapulungan ay di nahahanap sa Konstitusyon. These are terms adopted as a matter of convening, considering that there was a time the Philippine Congress shared one building in which the Senate occupied the upper floors, (the) House of Representative occupied the lower floors,” ayon kay Adiong.
Nilinaw ni Adiong na sa kasalukuyang sistema ng party-list, na minamaliit ni Villanueva, ay ganap na nilikha upang gawaran ng tinig ang mga walang boses. Ito ay isang pagbabago na nilinaw ng Supreme Court sa kaso ng Atong Paglaum vs. Comelec.
“The innovation is a party-list system that would expand opportunities for electoral participation to allow those who could not win the legislative district elections a fair chance to enter the House of Representatives other than through the district election system,” aniya.
Sinabi niya na dapat na alam ito ni Villanueva, dahil misan ay naging kinatawan rin siya ng party-list.
“I cannot accept that a statesman such as himself would hold such a myopic and tyrannic view of the legislative branch. We are all equal public servants and only the people are superior to us. Tayong mga kongresista at mga senador ay parehong miyembro ng isang 19th Congress,” ani Adiong.
Nanindigan si Adiong na ang mataas at mababang kapulungan ay nagsisilbing nagkakaisang safeguards sa bawat isa, at hindi mabubuhay ang isa kung wala ang isa.
"Magkaakibat ang dalawang parte ng Kongreso sa pagpasa ng mga batas na ikakabuti ng ating bansa," aniya.
Binanggit rin niya na ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng dalawang kapulungan ay dapat na pangasiwaan ng maayos, at ang hindi magkasundong kapulungan ay nagpapahina sa kakayahan ng epektibong pagtugon sa mga hamon, magsulong ng kaunlaran at pagkamit ng magkatuwang pangarap para sa isang masaganang bansa.
Pinasalamatn ni Deputy Speaker Vincent Franco "Duke" Frasco, na nanguna sa plenaryo, si Adiong sa kanyang paninindigan para sa Kapulungan ng mga Kinatawan at mga miyembro nito.
wantta join us? sure, manure...